ELLE JAY's POV
Napakurap-kurap ako at tumingala. "Lola?"
Mula sa bubong ng kanyang bahay ay tinignan niya ako. Tumigil din siya sa paghithit ng kanyang tobacco. Paano siya nakapunta doon?
Huminga ako ng malalim. "G-gusto ko po sana kayong makausap!" tinignan niya lang ako at hindi pinansin. Huhuhu. Hindi niya ba ako narinig? At bakit mag-isa lang siya doon? Wala man lang bang pumigil sa kanya?
Pagkapasok ko sa living room ay nakita ko si lola na pababa sa hagdan. Nagulat ako nang madatnan ko siya agad. "Anong gusto mong pag-usapan?" masungit niyang tanong.
Umawang ang labi ko at napaturo pa sa taas. "...Ang bilis niyo naman po..." natitigilan kong bulalas.
"Mabagal ka lang." nginisihan niya ako.
"Eh?"
Aminado akong malaki ang lupain na kinatatayuan ng bahay ni lola. Sa totoo nga niyan ay hindi lang ito basta bahay kung hindi isang mansyon na! Akalain mong aabutin ng apat na palapag ang tirahan na ito ni lola? At pagkapasok mo sa kanilang gate ay may hagdan ka pang kailangang akyatin bago makarating sa main door ng mansyon niya.
Rich lola!
Kinuha ng mga maid ang bag at ang sapatos ko bago ako umupo sa sofa. Napatikom muna ako ng bibig at inisip kung paano ko uumpisahan ang usapan. "Lola...May nakita po akong letter of invitation galing sa...Twilight Academy." pinagmasdan ko ang kanyang mukha pero wala namang nagbago sa kanyang ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin na parang antok na antok. "Ehem. Para sa akin po ba iyon?"
"Ah." she stiffened. Nag-iwas siya ng tingin. "Nasaan na 'yung letter?"
"Nasa kwarto ko po."
"Nabasa mo na ba 'yung laman?"
"Hindi pa..."
"Gusto mo bang mag-aral doon? Ang akala ko ay sa Morgan ka?"
Napayuko ako. "Ayaw ko po doon sa Morgan."
"Bakit naman?" agad niyang tanong. "Pagmamay-ari iyon ng parents mo. Ikaw ang tagapagmana ng paaralan na iyon. It will become a huge advantage to you if you study there. So, why?"
Napakuyom ako ng kamao at napatiim bagang. "...."
I heard lola sighed. "Gusto mo bang mag-aral sa Twilight?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.
The way lola said 'Twilight' feels like she's very familiar with it. Nag-aral ba siya dati doon?
"One of my classmates whom I considered as a friend...said she's applying to that academy. Base sa mga sinabi niya tungkol sa paaralan na iyon ay masasabi kong maganda." napangiti ako. "Do you know about this academy, lola?" I beamed with excitement.
Tinitigan niya lang ako. "...Yes." natutuwa ko siyang tinignan. "Kaunti lang ang natatanggap doon. Puro matatalino. At hindi lang pagiging matalino na galing sa librong nababasa. You will easily get accepted to that academy if you excel in theory." kumalma ang pagtalon-talon ng aking puso at napalunok. "Bukod naman doon ay ayos lang kung hindi ka ganoon katalino. There are other fields where you can choose freely. But in the end, you also have to excel in that area. If not, you will not be able to adapt their methods of learning." tinitigan niya ako ng mabuti at nakaramdam ako ng kaunting kaba. "Mahirap pumasok sa paaralan na iyon at mahirap ding lumabas. Ang ibig kong sabihin ay mahirap makapagtapos doon. So, if you want to study there, I will support you. Mapa-allowance man 'yan o kung ano man ang kailangan mo. Dahil walang scholarship doon."
YOU ARE READING
ADRENALINE CLASS
FantasyA world beyond the understanding of humanity will unfold. The secrets untold about the unreal potential of humans will determine the fate of the world. Are you really human? What makes you human? A special school with a special class hidden from the...