CHAPTER 12

398 9 0
                                    

ETHAN POV

Susundan kona sana si ate yuna ang kaso ang bilis nyang nawala, kaya no choice akong bumalik nalang sa room namin

●●●●●●●

Pagpasok ko sa room, wala na yung prof naming masungit. Napahinga naman ako ng maluwag at pumasok na sa loob

Pagkapasok ko, maingay nanaman ang buong classroom, napailing nalang ako at umupo na sa upuan ko

Mukhang hindi nila ako napansin, kasi parang may sarili silang mundo

"Nasan na sya?" muntik nakong mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot sa harap ko si kuya callum

Langya! para talaga syang kabute, bigla bigla nalang susulpot

"Umalis e, may emergency daw sakanila" pag sisinungaling ko, pero malay natin diba? baka nga may emergency

Binabawi kona din pala yung sinabi ko kanina na mukhang hindi nila ako napansin

"Hindi daw ba sya babalik?" napataas ang isa kong kilay sa sinabi nito, himala ata at tinatanong nya sakin si ate yuna? eh sya nga tong ayaw nya mula nung pumasok si ate yuna

Bipolar talaga tsk tsk, nahawa ata kay president parehas sila na may bipolar disorder haha joke!

"What? i'm just asking" tignan mo to, tinaasan ko lang sya ng kilay at wala pa akong sinasabi

"Wala pa nga akong sinasabi, btw i don't know kung babalik pa sya, hindi kasi sya nagsabi, bigla nalang tumakbo" this time, sinabi ko na yung totoo, tumango-tango lang ito at bumalik na sa tabi ni pres

Tinignan ko silang dalawa, parang silang mga hari kung titignan, naka dekwatro pa silang dalawa at mga walang emosyon sa mukha

Actually, tatlo sila, pero absent yung isa which is si kuya logan

Well, ipakilala ko sainyo ang trio kings haha

1st - JAYZON LUCAS RECALDE, yellow ang buhok, matangkad, masungit, at higit sa lahat MALAMIG NA TAO, sya din ang pinaka leader namin, at sya din ang president dito sa classroom, sya din ang hari ng mga bipolar, joke!

2nd - CALLUM DWAYNE TAKESHI, red ang buhok half japanese, kasing tangkad lang din sya ni president tsaka ni kuya logan, halos parehas lang naman, sya din yung unang na encounter ni ate yuna, remember? red ang buhok, si kuya callum mabait naman sya kapag naka close mo na, pero kapag hindi pa, syempre masungit akala mong may period

3rd - LOGAN CERVANTES, ito parang kapatid lang din sya ni pres, masungit, malamig pa sa yelo, pero alam nyo bang masiyahin syang tao? hindi naman talaga sya totally na ganyan e, kung hindi lang sya niloko nung babaeng unang nakatapak sa classroom namin

Silang tatlo, magkakabata na sila noon pa, ni kahit isang beses hindi namin nakita na nag aaway away yan, kahit na alam naming silang tatlo may gusto noon dati dun nga sa babae, o sabihin na nating si ate lorraine

Aish! wag na nga nating pag usapan to, naaalala ko nanaman yung taong yun, until now kasi may galit at tampo parin ako sakanya

Paano nga ba ako nagalit? dahil nung unang pasok nya dito, ako kasi ang pinaka friendly, so ako yung unang kumausap sakanya, tapos habang tumatagal nakuha na nya loob ko, tapos...

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now