CHAPTER 13

368 8 0
                                    

SYMON POV

"Bwesit ka!" sigaw kong sabi kay zion sabay hampas sakanya ng unan nang makababa kami

"Aray, tama na masakit!" sigaw din nito, hindi naman ako tumigil kaka hampas sakanya

"Sy, tama nayan" awat samin ni cadence sabay kuha ng unan sakin

(ps : sorry mga babiessss, cadence talaga yung CADEN 😭 na typo lang, paki-intindi nalang po hehe thankyou mwa!)

Napairap nalang ako tsaka umupo sa sofa

"Si ate yuna, nandito na" sambit ni ace habang kumakain ng apple

"Kamusta trabaho nyo sakanya? nagawa nyo ba ng maayos?" tanong ko sakanilang dalawa

"Yeah, actually ngayon natutulog na sya, i think 1 hour lang ang itatagal nun" sabi naman ni zion, kaming apat naman ay napatango nalang

Btw hindi nyo pa nga pala ako kilala ano?

Symon Walter, 19 years old ako ang pinaka matanda sa grupo namin, at ang pinaka bunso naman ay si ace 15 years old

Minsan kung ituring nila ako parang kasing edad lang nila tsk! mga walang galang talaga kahit kailan hays, buti pa si yuna may galang parin sakin

Nga pala, ipakikilala ko sainyo yung lima

Cadence Lucio Winston - 17 years old same with jade, same din sila na grade 12, cadence have feelings for yuna, shh lang kayo ha

Wayne Alvarez - 17 years old, matalino to, mabait pa, pogi ba? oo naman syempre

Zion Winston - 17 years old, pinsan ni cadence, isa din to feeling ko may feelings din sya kay jade

Riego Martinez - 17 years old din, tahimik tong tao, hindi pala salita, minsan lang namin makausap tsaka sobrang lamig nyang makipag usap sa iba

Ace Walter - 15 years old, makulit na bata, pero huwag ka, matalino yan, tsaka oras na ginalit mo yan baka pag gising mo, nasa langit kana joke

Sa nakikita nyo naman, halos magkakasing edad lang sila maliban sakin at kay ace

Lahat kami ay nag-aaral pa, actually nasa france kami dapat haggang ngayon at nag aaral, kaya lang tumawag yung lolo ni jade, na kailangan namin umuwi ngayon dahil may ibibigay syang bagong mission sa amin

Naks! Another mission nanaman, sa france kasi bukod sa pag aaral ang ginagawa namin don, syempre may mission din kaming ginagawa duon

Ang sabi ng lolo ni jade ay ipapa transfer nalang kami kung saan nag aaral ngayon si jade, kaya wala na kaming problema sa ngayon

Napabalik ako sa ulirat ng may biglang bumatok sakin. Galit ko sanang titignan kung sino ang bumatok sakin, pero pag tingin ko, ganun na lamang ang gulat ko nang malaman ko kung sino ang bumatok sakin

SI JADE!! oo si jade, teka....gising na sya?!!

Anong oras palang naman ah, tapos naba yung 1 hour?

"JADEEE!!" sigaw nung tatlo, at nag uunahan pa silang yakapin si jade

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now