YUNA POV.
Nakarating na kaming dalawa ni ashton ngayon sa gymnasium. Sus ginoo nadaan ko na pala to kanina, ang kaso hindi ko lang binalak na sumilip.
Malay ko ba na, gymnasium pala ang nasa loob.
"Sila ba yung mga kaklase mo?" tanong nito at tinuro ang direksyon kung nasaan ngayon ang mga kaklase ko.
Tumango lang ako sa tanong nya. Lumakad na kami haggang sa makarating na kami sa pwesto nila.
"Uyy bakit ngayon ka lang yuna my loves?" tanong sakin ni dylan. Agad naman syang binatukan nung nasa tabi nya. Hindi ko alam pangalan eh.
"Manahimik ka nga. Oh ikaw pala yan ms park? nakuu transferee kapa naman tapos late ka. Hala sige dun kana kay ma'am, kausapin mo, kanina kapa kaya hinahanap." sambit nito sakin sabay irap. Aba kung makairap to akala mo babae ah. Bakla siguro to? char.
"Wag mo nga syang ginaganyan, kung makipag-usap ka sakanya, parang close na kayo ah? dun kana nga." sabat naman ni dylan, sabay tulak sa katabi nya.
Napailing nalang ako sakanilang dalawa, at hinatak nalang si ash.
"Mga kaklase moba talaga yun? section D yun ah, teka wag mong sabihing?" tanong nito, tumango nalang ako ulit. Lumaki naman ang mga mata n'ya.
"WHAT? teka, paano ka naman napunta sa section nila? hindi ka naman basagulera katulad nila right?" tanong ulit nito.
"Mahabang kwento eh, nga pala sino ba kailangan mo dito?" tanong ko naman sakanya.
Tinuro naman nito yung professor namin na nasa harap. Napa "Ah" nalang ako.
"Magandang buhay ma'am!, pwede kopo ba kayong makausap? kahit saglit lang po?" tanong agad ni ash, nung makalapit na kami kay ma'am.
"Sure, Section D!, mag uusap lang kami nitong si ashton, maiwan ko muna kayo." sabi naman ni ma'am sa amin. Tumango naman yung mga kaklase ko.
"Sige ma'am, take your time." sabay-sabay naman nilang sagot. Wow, need talaga sabay-sabay? char.
Tahimik naman ako dito sa gilid, habang pinapanood sila. Ayoko namang makihalubilo sakanila, kasi feeling ko ayaw naman nila sakin.
Mukhang tapos na mag usap sila ashton tsaka si ma'am, kaya tumayo nako at lumakad papunta sa gawi nila. Lumapit naman sakin si ashton "So paano? una nako ha? kita nalang tayo mamaya? bye!" paalam nito, tsaka ako hinalikan sa pisngi.
Hindi ko naman inaasahan ang paghalik nya kaya nagulat ako. Sya naman ay tumawa lang at humingi ng pasyensya.
"So? ikaw pala ang transfer dito? what's your name?" mukhang masungit itong si ma'am ah. Nakataas kasi yung kilay habang nagtatanong sakin.
"Yuna jade park." tipid kong sagot. Alam kong nakakabatos iyon dahil tipid lang pero anong magagawa ko? ganun naman ugali ko eh.
"I don't like your attitude, anyway park ang surname mo? kaano-ano mo si hyun woo park?" tanong ulit nito sakin. Napa irap nalang ako ng palihim dahil ang dami nyang tanong.
"I don't know him, baka mag ka-same lang PO kami ng surname i guess? btw ma'am kung ayaw n'yo PO sa attitude ko. Mas ayaw ko din sa attitude n'yo, masyadong mapangit yang ugali n'yo PO ma'am, para kayong hindi teacher ah." prankang sabi ko dito. Well sorry for her, sadyang prankang tao lang ako kaya hindi nya ako masisisi. Tsaka kahit ganyan ako, hindi ko naman nakakalimutang gumalang sa nakakatanda sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/366037013-288-k134307.jpg)
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romance"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...