YUJIN POV.
"Kyle, ikaw muna ang bahala dito, magpapahinga muna ako kahit mga 2 days lang" saad ko sa aking secretary
"Sige po sir, i think need nyo po talagang mag rest dahil mukha napo kayong stress" saad naman nya, natawa naman ako tsaka tumayo.
"Sige na, ikaw na muna bahala dito, tawagan mo nalang ako kapag may problema" huling sambit ko bago lumabas sa office
Habang naglalakad ako papunta sa elevator, biglang nag ring ang cellphone ko, sinagot ko naman ito at pumasok na sa loob ng elevator
Ako lang mag isa, since pang boss lang to
"Hello kuya? it's me wei, may i ask?" tanong sa kabilang linya, it's wei my second brother
"What?"
"Sungit mo naman, tanong ko lang diba ngayon kana mag le-leave? sabay na tayo umuwi kuya, im here na sa baba, wait nalang kita" huling sambit nya at binaba na ang tawag
Napailing nalang ako sa ugali nito, ibaba ba naman yung tawag kahit hindi pa ako tapos, hays
*TING*
Bumukas na yung elevator, kaya lumabas nako, nilibot ko ang paningin ko haggang sa dumapo ito sa kapatid ko
Nang makita ko ay lumapit ako sakanya
"Let's go na kuya, gusto ko na makita si brother woo HAHAHA" saad nya at tumawa na parang baliw, sira talaga to
Sabay na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan nya, well nasa tapat pa talaga, tamad talaga to kahit kailan
"Kuya, feeling ko may mangyayari sating dalawa mamaya" saad nya habang pinapaandar yung kotse
"Don't say that, baka magkatotoo" saway ko dito, hindi naman ako nito pinansin at tinuon nalang tingin sa pag di-drive
Habang busy ako sa cp ko, bigla naman itong nag ring
"UNKNOWN NUMBER" yan ang nakalagay sa screen ko, sino naman kaya to?
Kahit hindi ito naka register sa contacts ko ay sinagot kopa rin
"Hello? who's this?" saad ko sa kabilang linya, pero ni kahit isang salita ay walang lumabas, nanatiling tahimik sa kabilang linya
Ibababa ko sana to, nang bigla itong tumawa, naka loud speak ito kaya napatingin sakin si wei
"Weird" bulong nya, tumango lang ako sakanya bilang sang-ayon
"Alam ko na kung nasaan ang kapatid nyo, oh btw alam nyo bang muntik ko na syang makuha? sayang dahil sagabal ang mga magulang nyo, magkikita pa kami, kaya kung ako sainyo, nasa kapatid nyo dapat ang atensyon nyo, kasi kung hindi...baka makuha namin ang bunso nyong kapatid HAHAHAHAHA! BE READY BOYS!" saad nya at pinatay na ang tawag
"Kuya? pano na yan, hindi naman natin kasama si lil sis, nasa korea pa sya diba?" nag aalalang sambit ni wei, napabuntong hininga nalang ako
"Hindi naman sya pababayaan nila mom & dad, bibisita din tayo don kapag may free time tayong tatlo" sabi ko, sya naman ang napabuntong hininga
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romance"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...