CHAPTER 16

314 8 2
                                    

YUNA POV

1:05 pm na pero haggang ngayon, wala parin yung professor namin sa p.e. Kaya itong mga kaklase ko naman tuwang-tuwa dahil malaya silang nakakapag ingay.

Tapos, ako? eto tamang upo lang sa upuan ko habang bored na nakatingin sakanila.

Yung tatlo naman, nandon din sakanila, at nag iingay din.

At dahil nga bored na bored ako dito, nilabas ko nalang yung cellphone ko. Pagka open ko ng cellphone ko, pinindot ko naman yung tiktok.

Nag scroll scroll lang ako, hanggang sa napapansin ko na puro BINI ang fyp ko.

Ngayon ko lang sila nakita since, hindi ako naging active sa social media. Pinakinggan ko lang yung kanta haggang sa unti-unti ko na syang nagugustuhan.

Nang matapos ko na ang video, parang...gusto ko din syang sayawin hehe.

Pinanood ko ulit sya, at tinignan ang mga bawat galaw nila nang makabisado ko na yung sayaw, tumayo ako at pumunta sa gilid.

Ipinuwesto ko sa baba yung cellphone ko. Ini-start ko na yung timer tsaka ito pinindot.

Nang marinig ko na yung music ay nagsimula nakong gumalaw at ginaya ang napanood ko kanina.

"Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba
Na baka ang puso ko'y mapagbigyan
Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin
Kaniyang tunay na pagtingin
Mahiwagang salamin ano ba'ng dapat gawin
Bakit ang puso'y nabibitin
Salamin salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig
Salamin salamin sa dingding pwede mo bang sabihin
Salamin salamin sa dingding nasa'n na ang pag-ibig
Salamin salamin kailan niya ba 'ko papansinin" 🎶

Tapos nakong sumayaw, kaya naman kinuha ko na yung cellphone ko sa baba. Tinignan ko naman yung video. Isa lang masasabi ko...

Ang smooth! grabe, ganun lang pala kadali yung sayaw, akala ko hindi ko masasabayan e haha.

Babalik na sana ako sa upuan ko, kaso napansin kong natahimik ata sila? lumingon ako kung saan sila nakaupo. Naka tulala lang silang lahat habang naka tingin sakin.

Tinaasan ko sila ng kilay "Oh? bakit kayo nakatulala sakin?" tanong ko sakanila. Mukhang narinig nila ang sinabi ko, at sabay-sabay silang umiwas ng tingin. Ganun din yung dalawa, si yellow hair at si red hair.

"Wow ate yuna, magaling ka pala sumayaw? grabe ang smooth mo sumayaw! anong title ng kanta yung sinayaw mo ate? parang familliar." sabi ni ethan, at lumapit sakin.

Tignan mo to, kanina iniwan nila ako sa upuan ko para lang makipag laro sa iba naming kaklase. Tapos ngayon, grabe kung pumuri char.

"Salamin by BINI." matipid kong sagot, at naupo na sa upuan.

Hindi ko nalang sila pinagpapansin at tinuon ko nalang sa cellphone. Pinost ko na sya tiktok.

Wala pang 5 minutes, umabot na sa 5k likes & 3k comment's, yung post ko. Grabe nakalimutan kong medyo sikat nga pala ako sa tiktok hehe. Medyo lang naman.

Tinignan ko mga nag comment sa video ko.

jadefanshere - "OMGG!! BUMALIK KANA IDOL! MISS KANA NAMIN SAURMUCH!"

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now