CHAPTER 22

798 27 0
                                    

Jade’s Pov.

Pauwi na kami ngayon sa mansion, yung gulo kanina ay naayos na ng mga kuya ko. Habang nasa loob kami ng van, walang tigil si kuya hoon kaka sermon sakin.

“Ano bang tumakbo sa isip mo, at hinabol mo pa talaga yung magnanakaw na yun ha? tignan mo, ikaw pa ang napasama sa mga pulis na'yon!” napanguso ako sa sinabi n'ya. Tinawag na n'ya ako sa first name ko, isa lang ibig sabihin 'nyan. GALIT na s'ya.

“Oo nga! binato mopa ako ng ice cream sa mukha.” sabat naman ni kuya woo. Inirapan ko lang s'ya.

Naalala ko nga pala yung ice cream ko, kaya dali-dali kong hinanap.

“Ice cream ba hanap mo? wala kinain ko na habang wala ka. Nagutom ako eh.” dahil sa sinabi ni kuya agad ko syang sinabunutan.

“A-aray, kuya hoon oh!” sumbong nito.

“Magsi tigil nga kayong dalawa. Sa bahay tayo maguusap-usap.” sabi naman ni kuya wei.

Inis ko namang binaba ang kamay ko at tumingin nalang sa bintana. Naalala ko nanaman yung ginawa ni kuya woo kanina habang nasa room kami.

FLASHBACK.

Habang nag pupunas ako ng bintana, nilingon ko naman si kuya woo. Naka ngiti ito habang nakatingin sa itaas.

Tsk, parang tanga. Sino naman kaya ini-imagine nito?

“Pst, kuya matatapos nako dito, pero nandyan ka parin.” pang aagaw pansin ko dito. Lumingon naman ito sakin sabay simangot.

“Panira ka ng moment, kita mong may iniisip yung tao eh.” saad nito sabay irap sakin na syang ikinatawa ko na lang. Hindi ko na s'ya pinansin at pinag patuloy nalang ang ginagawa.

Nang matapos nako sa aking ginagawa, nilingon ko ulit si kuya woo. Biglang uminit ang ulo ko sa ginagawa n'ya.

Nag wawalis nga ito pero hindi naman sumasayad sa sahig. Tapos haggang ngayon makalat parin.

Hindi ko na napigilang maasar sa ginagawa n'ya. Agad ko syang nilapitan at binatukan.

“Aray! ano ba?!” sigaw nito, sabay sama ng tingin sakin.

“Tutulong kaba talaga? parang hindi naman.” saad ko dito, habang seryoso ang aking mukha.

“Oo, nakikita mo naman 'eh” saad nito.

Akmang babatukan ko ulit ito pero agad itong umiwas.

Kapag napuno na talaga ako, malapit na akong maiyak sa inis, sa totoo lang talaga. Malala pa naman ang anger issues ko.

“Oy, chill eto na nga oh tutulong na.” saad nitong muli, siguro napansin nitong malapit nakong mapuno sakanya.

“Wag na, dun ka nalang, kaya ko naman mag-isa. Pang gulo ka lang.” malamig kong sambit at inagaw sakanya ang walis tambo. Pero hinig-pitan lang nito ang pag hawak sa walis.

Isang isa nalang talaga.

“Isa, kuya hindi ako nakikipag biruan ha.” warning ko dito pero ang mokong, nag kibit-balikat lang at inagaw na ang walis.

Padabog nalang akong kumuha ng panibagong walis sa likod.

A FEW MINUTES LATER

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now