JADE'S POINT OF VIEW.
Pag kapasok palang ng bago naming professor, sabay-sabay kaming tumayo at nag good morning sakanya.
"Good morning Mr." sabay-sabay naming bati sakanya.
"Good morning din sain'yo. Sige pwede na kayong maupo." ani n'ya sabay lapag ng gamit nya sa lamesa.
Pagkatapos nyang ilapag ang mga gamit n'ya, humarap s'ya sa amin.
"Ako nga pala ang inyong magiging bagong adviser. Ako si Mr. Charles V. Augustin. Tawagin nyo nalang akong sir charles, huwag na kayo maging pormal sa akin." sabi nito, rinig ko naman ang mga bulungan nila.
"Luh, bago daw adviser, nasan na yung dati nating adviser?"
"Ewan ko, ano bang alam mo ko dyan?"
"Lagi ka namang walang alam eh"
"Mukha naman syang mabait."
"Mukha lang."
Madami pa silang sinasabi pero nahinto lang yun nang tawagin ako ni sir.
"Simula sa'yo Ms, introduce yourself." sabi n'ya habang nakaturo sakin. Since ako nga naman ang babae dito, ako talaga ang uunahin.
Tumayo na ako at nag umpisang magpakilala.
"Yuna Park, 17 years old." saad ko sabay upo na. Siguro okay na yun.
After naming mag introduce, pina-upo na kami.
"Nakapag introduce na kayong lahat, oh sya sige hindi na muna ako mag ka-klase." saad n'ya, lahat kami tahimik lang na nakikinig.
Hanggang sa mag taas ng kamay si Dylan.
"Bakit naman po kayo hindi mag ka-klase sir?" tanong nito.
"Pagbibigyan ko lang kayo ngayon na hindi tayo mag klase, kasi may meeting lahat ng teacher's." sagot naman n'ya.
Lahat naman kami napa "Ah." Sa sinabi ni sir.
"Meron pa naman kayong 20 minutes para gawin lahat ng gusto n'yo, sige mauna na ako. Good bye class." anya n'ya.
Sabay-sabay kaming tumayo at nag paalam na.
"Good bye sir." paalam rin namin sakanya.
Pagka-alis ni sir, tuwang-tuwa naman ang mga tukmol. Nag umpisa nadin silang mag-ingay.
Napailing nalang ako sa mga ginagawa nila, mga walang magawa tsk tsk.
"Teh, bat ang tahimik mo?" nabalik ako sa ulirat nang may nag salita sa gilid ko, si Jayden ata 'to.
"Wala lang, gusto ko lang maging tahimik." tipid kong sabi at dumukdok sa desk ng upuan ko.
"Sige, sabi mo 'yan." saad nito at umalis na.
Nakaramdam ako ng antok kaya naman, unti-unti sumasara ang mga talukap ko hanggang sa....
THIRD SOMEONE'S POINT OF VIEW.
Habang busy ang iba sa kanya-kanyang ginagawa, napansin ni Callum na nakadukdok sa desk si yuna, kaya naman nilapitan nya ito, at hinawi nya ang buhok nito.
"Bakit ba kasi ang ganda ganda mo." bulong nito sakanyang sarili habang nakangiting pinagmamasdan ang mukha ni yuna.
"Ehem, baka matunaw naman yan boss." napalingon si Callum kay Dylan nang magsalita ito.
"Tsk, shut up." inis na sambit ni callum, tumawa lang si Dylan habang sinusundot nito ang tagiliran ni Callum.
"Sus, kahit hindi ka umamin, alam ko namang crush mo yang si yuna." mapang-asar na sabi ni Dylan. Mahina naman syang sinuntok ni Callum sa balikat.
![](https://img.wattpad.com/cover/366037013-288-k134307.jpg)
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romance"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...