CHAPTER 25

397 11 8
                                    

JADE'S POINT OF VIEW.

MONDAY na ngayong araw kaya dali-dali akong bumangon sa higaan, at dumiretso sa banyo para mag toothbrush.

nung nagdaang sabado at linggo, wala namang nangyari. Maghapon akong nasa mansion, at maghapon ding nag kulong sa aking kwarto.

(ps : yes po, opo ang bilis no? HAHAHA wala akong maisip na moments sa sabado at linggo ni yuna kaya, sa monday na agad tayo.)

pagkatapos kong mag toothbrush at maghilamos ay lumabas na ako ng banyo at bumaba na.

pagkababa ko palang ay saktong nakasalubong ko si kuya wei.

"Buti naman lumabas kana sa kwarto mo, akala namin hindi kana lalabas." sabi nito, inirapan ko lang s'ya at hindi na pinansin, dumiretso nalang ako sa dining.

"Good morning." tamad kong bati sakanila, tinignan muna nila ako mulo hanggang paa. Umarko naman ang isa kong kilay sa kanilang dalawa.

"What?" takang tanong ko sakanila, umiling naman sila.

"Nothing, good morning baby/sis." sabay nilang sambit. Tango lang ang sinagot ko at naupo na sa upuan.

nag sandok na ako ng kanin at ulam, nag simula na akong kumain. Habang ngumunguya ako, nagsalita si kuya hoon.

"Jade, anong oras pasok mo?" tanong nito.

nilunok ko muna yung pagkain na nasa bibig ko at sumagot.

"7:30 pa naman kuya, bakit?" balik kong tanong sakanya.

"Pinabago ni dad ang schedule sa school n'yo, instead of 7:30 ang simula ng klase n'yo, ginawa nalang 8 ng umaga, at isa pa, binago din ni dad ang mga professor n'yo sa school." dahil sa sinabi n'ya, hindi ko maiwasang magtaka.

"Huh? bakit daw?" tanong ko ulit.

"Para daw mabantayan ka, kakasabi lang ni dad, yung mga humahabol sa'yo sa korea ay nandito na. Kaya nag do-doble ingat na kami. Tsaka wag kang mag alala lahat ng mga professor na nandun ay mga kakilala naman natin, o kaya kakilala ni dad." mahabang saad nito, tumango tango nalang ako bilang sagot.

sa haba ng sinabi n'ya, wala akong naintindihan hehe.

"Jade, bilisan mo na, hindi kapa naliligo." nabalik ako sa ulirat nang magsalita si kuya hyun.

binilisan ko nalang ang pagkain, tsaka dumiretso sa kwarto ko.

FAST FORWARD.

saktong 7:00 am nasa tapat na kami ng F.S.U. Bago ako bumaba, humalik muna ako sa pisngi ni kuya wei at ni kuya hoon.

"I told you, 8 am pa naman yung start ng klase n'yo, bakit nag mamadali kang pumasok?" tanong ni kuya hoon pagkatapos ko syang halikan sa pisngi.

tinuro ko si kuya hyun, tsaka nagsalita. "Sya sisihin mo kuya, sya yung nagmamadali kanina sakin 'eh." saad ko, si kuya hyun naman ay nag taas ng kilay.

"Oy hindi kaya, sinabihan lang kita na maligo kana." saad nito at inirapan ako.

"Ganun din 'yon." saad ko muli at bumaba na. Nag paalam na ako sakanila at nauna na kay kuya hyun.

habang nag lalakad ako, patungo sa building namin. May narinig akong kaluskos sa medyo hindi kalayuaan sa pwesto ko.

medyo curious ako kung ano 'yun pero, hinayaan ko nalang at pumunta na ako sa room. Mabagal lang ang lakad ko, hindi ko din kasi alam pero feeling ko may kakaiba ngayong araw. Parang may mangyayari.

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now