CHAPTER 20

345 7 4
                                    

YUNA POV.

“Nandito na tayo sa 7/11, isa nalang ang bumaba, para mabilis.” sabi ni kuya hoon habang nakatingin sa aming tatlo.

“Ako nalang ang baba mga kuya’s.” pag presinta ko.
tumango naman si kuya wei at kuya yujin, yung isa naman, ayon naka simangot habang nakatingin sakin.

“Ano sa'yo kuya?” tanong ko dito, gustuhin ko man syang sungitan ang kaso nandito si kuya hoon, baka ma sapak kaming pareho. Nakakatakot pa namang magalit yan, nananapak o kaya kapag mag aaway kaming dalawa, ibibigay sa amin yung kutsilyo tapos mag patayan nalang daw kami, diba? nakakatakot talaga. Grabe.

Naalala ko, muntik na kaming pag untigin ni kuya hoon, dahil sa pag aaway namin. Buti nalang napigilan agad s'ya ni mommy.

“Kung anong available dyan sa 7/11, yun nalang ang bilhin mo.” sagot nito sa tanong. Nag “Okay.” lang ako tsaka bumaba.

Pagka baba ko, sikat ng araw ang sumalubong sakin. Kaya pumasok nako sa loob ng 7/11 at bumili.

Ang napili ko ay chocolate, yung may apa, sarap na sarap ako dito kasi yung sa pinaka dulo, dun talaga ang masarap.

Akmang lalabas na sana ako sa pintuan, ang kaso may sumanggi sakin kaya aksidenteng natapon sa kamay ko yung kape. Anak ng! ang init!!

“Magnanakaw!! tulong magnanakaw ang taong yun!!” sabi naman nung babae sa likod ko. Kaya pala parang nagmamadali at hindi tumitingin sa dinadaanan, yun pala magnanakaw, haist!

Tinignan ko naman yung babaeng nagsabi nun, nakaramdam ako ng awa dahil iyak ito ng iyak, kaya naman agad agad akong lumabas at binuksan ang van. Agad kong hinagis sa pagmumukha ni kuya hyun yung ice cream kong naka supot. Nagulat pa ito sa ginawa ko pero hindi ko na sya inintindi pa.

Agad akong tumakbo at hinabol yung magnanakaw nayun. Yari yun sakin, bukod sa nagnakaw s'ya may kasalanan din s'ya sakin. Tinapunan ba naman ako? hindi n'ya ba alam kung gaano kainit yon?

Mabilis ang takbo ko kaya nakikita ko na s'ya dito sa pwesto ko, mas lalo kong binilisan ang takbo para maabutan s'ya.

Isang metro nalang at maabutan ko na s'ya! pero anak ng tinapa naman oo, may biglang humarang sa dinadaanan ko kaya nakaliko na s'ya.

“Tabi! aish, tabi sabi, ay teka bata pahiram ako ah?” sabi ko sa bata, agad naman itong tumango at binigay sakin yung hoverboard gyroscooter skateboard n'ya. Uy grabe ang mahal kaya nito, tsaka astig n'ya ha, mukhang 7 years old palang sya pero magaling ng mag balance nice!

(eto picture, ng hoverboard gyroscooter skateboard)

Wala nakong inaksayang oras, dali-dali kong pinatong ang dalawa kong paa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala nakong inaksayang oras, dali-dali kong pinatong ang dalawa kong paa. Muntik nakong ma out of balance buti nalang na balanse kopa.

Agad naman itong umaandar, kaya napangisi ako. Sure naman akong tumatakbo pa yun no. Nasa kalsada na kami, at paakyat ito. Mapapagod yun syempre paatas ba naman ang kalsada. Idagdag mopa na wala na syang bahay na mapapag taguan.

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now