CHAPTER 23

819 25 4
                                    

Hyun’s point of view.

Ilang beses kong tinawag si lil sis pero amputek, nag bibingibingihan lang s'ya.

Napasimangot nalang ako dahil wala akong magagawa. Pero okay nadin 'to buti nalang wala syang pinalagay sa dalawa kong kamay, mas mahirap kaya yun.

Napapanood ko kasi yun dati nung mga bata pa kami. Sa mga tv, pinapaluhod nila yung anak nila sa munggo o asin kapag may kasalanan. Tapos may hawak hawak pa sa magkabilaang kamay. Mas masakit yun, kasi bukod sa masakit na ang tuhod mo, masakit din ang dalawang kamay mo.

Buti nalang talaga. Pero kahit na! masakit parin kaya ginagawa ko ngayon.

“Wtf bro! anong ginagawa mo dyan?” napairap lang ako sa taong kakadating lang. Tumatawa-tawa pa ito. Sarap bigwasan amputa.

“Tigilan mo ko draven, hindi ako natutuwa.” masungit kong sabi dito.

Akala ko sya lang pero kasama n'ya pala yung dalawa kopang kaibigan.

“Chill, hulaan ko si yuna may gawa 'nyan no?” saad nanaman nito. Tumango nalang ako.

“Hi bro, sup.” bati sakin ni yuan sabay tapik sa balikat ko. Tinanguan ko lang din s'ya.

“Naku bro, ayusin mo yang ayos mo. Tignan mo sa taas may nakatingin sa'yo.” sabi naman ni gio, tiningala ko naman ang ulo ko.

Tama nga s'ya, may nakatingin nga sakin. Hindi lang basta tingin. Kundi masamang tingin.

“Hi yuna! musta kana?” bati ni draven dito habang nasa taas ang tingin. Hindi ko tuloy maiwasang matawa, kasi naka angat yung tingin n'ya sa itaas.

Mag ka stiff neck ka 'nyan sige.

“Bumaba ka nga jade, pinapahirapan mo sila kakatingala sa'yo.” sambit ko dito, sapat na ang boses ko para marinig n'ya.

Bumaba naman ito, may binubulong s'ya pero hindi ko masyadong marinig.

“Ano ba yan! kaka akyat ko lang, tapos bababa nanaman. Lakas maka bad trip talaga.” bulong nito, tumawa naman yung tatlo.

Narinig siguro nila, sila malapit eh.

“Hi kuya draven, kuya yuan, at kuya gio.” bati nito sa tatlo sabay ngiti ng matamis.

Unfair! kapag sa ibang tao ngumingiti pero pag sa akin hindi. Di porket may dimple lang s'ya, cute na s'ya. Mas cute kaya ako kahit walang dimple.

Diba?

“Hello yuna.” sabay na sambit nung tatlo. Umupo naman ulit sila sa nakaharap kong sofa.

Mga feel at home talaga.

“Ano gusto n'yo? juice?, coffee?, soft drinks or water?” tanong ni yuna sa tatlo.

“Ah sakin, coke nalang hehe.” sabi ni draven, sabay kamot sa batok nito. Hihiya pa kunwari, wala naman yang hiya tsk tsk.

“Me too, coke nalang din.” sabi naman ni gio.

“Me three?” ewan ko ba kay yuan kung sure ba s'ya o hindi.

“Alright, wait n'yo nalang po dito, ako na mag se-serve.” wika naman ni jade at dumiretso na sa kitchen.

Pag kaalis ni yuna, pa simple akong tumayo at pinag babatukan sila. Agad naman silang umaray sa ginawa ko.

“Ang kapal talaga ng mukha n'yo, kapatid ko pa ang pinag serve nyo ano? tsaka ano bang kailangan n'yo?” masungit kong sabi sakanila at lumuhod ulit. Napamura naman ako sa isipan ko dahil muling sumakit ang tuhod ko.

Bilang ko ang oras, nasa 10 minutes na akong nandito. Ang bagal ng oras nakakainis!

Namamanhid na yung tuhod ko, sumakit tuloy lalo ang tuhod ko.

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now