CHAPTER 14

472 14 0
                                    

YUNA POV


"lo, ano nga po yung mission namin?" tanong ko ulit kay lolo

"mission nyo? kailangan nyong hanapin ang druglord dito sa pilipinas, balita ko ay mahirap daw syang hanapin at magaling daw ito magtago, sa atin binigay ang mission na to dahil ang mga assassin's ay hindi nila kayang hulihin ito, kaya sa atin nalang binigay ang mission" mahabang sabi ni lolo, isang malaking question mark ang nasa utak ko ngayon

dahil una sa lahat, bakit yan ang mission namin? pati mga assassins hindi nila kaya? akala kopa naman mas magaling sila keysa sa amin. Ano yon? pang second option lang kami ganon?

kapag hindi kaya ng mga tauhan ng mafia o kaya assassins, sa amin lahat ibabagsak ang mga kapalpakan nila? ang unfair naman kung ganon

dapat nga din sa mga pulis yan naka assign, pero ano? sasabihin din nilang hindi nila kaya eh kesyo malaking tao daw sila, my god! pinapainit nila ulo ko ha

"Mr cruz no offense po ha pero, parang unfair naman po ata? parang nangyayari sa atin ay nagiging tiga-salo nalang tayo ng mga hindi nila kayang gawin?" singit ni cadence, yes 100% agree ako sa sinabi mo cad

"i agree with cadence daddy lo" pangsang-ayon ko

"wala tayong magagawa mga apo, tsaka cad call me daddy lo, wag nyo akong tawagin sa mr cruz, para ko na kayong apo okay? ilang beses ko na sinabi sainyo yan, nga pala hindi tayo pwedeng hindi sundin ang utos, baka pabagsakin ang agency natin, kaya sa ngayon please lang mga apo, maki cooperate nalang kayo, understand?" sabay-sabay kaming tumango sa utos ni lolo, hays makaka angal paba kami?

anyways, narinig nyo naman no? CRUZ, ibig sabihin sya ang daddy ni mommy, si lolo ang may pinaka mataas na ranggo noon, pero nung nasa 60's na sya, ayun nag retired na sya as rank 1, ngayon ay sya nalang ang taga bigay ng utos sa aming mga....... basta ano kami

sya ang may ari ng agency namin, sikat ang agency namin sa iba't ibang lugar o bansa, kilala lang nila ang pangalan ng agency namin which is "ELITE FORCE AGENCY"

yan lang ang alam nila, kaming mga nag ta-trabaho ay hindi nila alam ang mga pangalan namin, ang alam lang nila ay CODENAME lang namin

ang mga kasamahan namin sa trabaho ay ang mga kamag-anak ko, which is sa side nila mommy.

alam nila mommy na ano nga sila, pero hindi alam ni mommy na kasali ako, dahil ang sabi ni daddy lo, i-secret lang daw naming lahat

ewan koba dyan kay lolo, at ayaw ipaalam sa pamilya ko, pero siguro dahil gusto nga lang akong protektahan ni lolo? kaya ganon?

ang gulo no? ganun talaga ang buhay, parang life haha char

back to reality na tayo, magulo pa sa ngayon pero sa susunod maiintindihan nyo din

"ah lo? haggang anong oras po tayo dito? 11:40 am nadin kasi, may pasok po kasi ako hehe tumakas lang ako" tanong ko kay lolo sabay napakamot sa ulo

yari ako kila kuya neto eh, psh!

"sige apo pwede kanang umalis, pero sakin ka sasabay" napa face-palm nalang ako sa sinabi ni lolo, goshh no way! mabagal pa naman magpa takbo si lolo

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now