YUNA POV.
Pagkatapos akong iwan ni kuya dito sa harap ng pintuan ay kumatok nako, narinig ko namang may sumigaw sa loob na "BUKAS YAN" kaya pumasok nako.
"Good morning po‚ ahmm transferee po" saad ko sa babaeng nakatalikod sa akin, actually naka-upo sya tapos sa likod sya nakaharap
Nuyon? face the wall? chariz
"Good morning too iha" saad nya, at humarap sakin
WHATT?
"TITA?!" gulat na saad ko, si tita ang principal dito?
"Oh yes dear? haha it's me your beautiful tita" saad nya, at ngumiti
Meet my tita kim hee park, my daddy oldest sister
"Imissyou po, how are you tita? grabe principal kapo talaga nitong school?" saad ko, tsaka umupo sa harap nya
"Miss you too iha, ah oo ako yung principal dito dahil sa request nadin ng daddy mo" saad nya, nagtaka ako dahil binanggit nya si daddy, tsaka ano? kagustuhan ni dad?
"Po?"
"Haha, silly iha hindi mo ba alam na yung may-ari nito ay ang daddy mo" saad nya pa, agad nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.
"Hindi po eh, wala naman po kasi silang sinabi sakin tsaka alam din po ba nila kuya ito?" sabi ko
"Oo, mukhang nakalimutan siguro ng daddy mo sabihin sayo, oh sya oo nga alam ko na ang rason, kung bakit ka nandito, eto yung uniform mo at section mo, mismong mga magulang mo ang nagsabi na ilagay ka sa huling section" saad nya at may ibinigay na paper bag, at isang papel
"Bakit naman po?" tanong ko
"Dahil yun ang w*rst section, at duon ang mga mararaming record, kagaya sayo, at wag kang magagalit sa mga parents mo dahil para sayo din naman, hmm okay? oh sige na baka malate kapa, goodbye my favorite pamangkin" saad nya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko tsaka ako tinulak papalabas
Nagawa nya akong itulak at sinarado nya yung pinto.
LOADING....
Hindi ako makapaniwala na sa last section talaga ako ilalagay? as in?! *smirk* mukhang maganda to ah!
Mga kagaya ko daw nandun eh, edi another gulo nanaman hahaha!
Syempre joke lang, nagbago nako no
Nang makabalik nako sa reyalidad ay agad kong tinignan ang laman ng paper bag
UNIFORM, pang korea ang datingan, ang angas naman, iba talaga kapag koreano ang tatay mo haha
After kong tignan ang laman, sunod ko namang tinignan yung papel
BUILDING 4, 3RD FLOOR, SECTION D.
yan ang nakalagay, wow ha third floor talaga?
Nagsimula nalang akong hanapin ang building 4
.....
Kanina pa ako naghahanap, pero hindi ko talaga makita, nakakainis beh!
Nang hindi ko talagang makayanan ay magtatanong nalang ako, saktong may papadaan na lalaki sa harap ko, kaya madali ko itong hinarangan
"Excuse me" ang cold naman nitong lalaking to, pero infairness mga beh, ang pogi!!
CHINITO ✅
GWAPO ✅
MATANGKAD ✅
MABANGO ✅'gosh, eto na ata yung ideal man ko mga beh!' saad ko sa isip ko, may narinig naman akong nagsalita
"What now? i sad excuse me, are you deaf?" masungit nyang sabi, ay ang SUNGIT naman pala nito
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Storie d'amore"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...