YUNA POV.
Pagkatapos syang bagsakan nung balde ay inis syang umalis, napailing nalang ako at humarap kay kuya, si kuya naman ay nakangisi lang sakin.
"Galing mo dun lil sis ah, so proud of you" saad nya habang pumapalakpak pa.
"Ewan ko sayo kuya, sige na bye na, sunduin mo nalang po ako mamaya mwa!" saad ko dito sabay kiss sa pisngi nya at pumasok na.
Bago tuluyang pumasok ay lumingon muna ako sakanya, sya naman ay tumango lang at umalis na.
Pagkapasok ko ay, lahat sila ay masamang nakatingin sakin except dun sa lalaking koreano.
"Ano? akala nyo ha, *smirk* mali kayo ng kinakalaban" saad ko at umupo na sa upuan ko.
Lahat sila ay padabog na umupo at kung ano-ano yung mga binubulong.
Pumasok naman yung last sub namin.
"GOOD AFTERNOON SIR" sabay sabay na sabi naming lahat, sya naman ay ngumiti samin at pina upo na kami.
"Since ako ang last sub nyo, sige pwede na kayo umuwi, dahil may meeting kaming mga teachers, kaya please lang, maaga kayo pinauwi para umuwi na bahay, hindi yung kung saan saan pa pumupunta, tapos kapag may nangyari sainyo kami naman ang sisisihin, umuwi na agad kayo okay? wala nang tatambay kahit saan, did you all understand?"mahabang sambit ni sir, grabe naman si sir, alam na alam ang mga gawain ng mga to, hays buti pa ako, good student, dapat tularan nila ako eh.
"YES PO SIR!" sabay sabay na saad namin, sya naman ay nag paalam na at umalis.
Ang mga gungg0ng naman ay tuwang tuwa, tsk tsk
"Leader, tutal uwian naman na natin, tambay kami sainyo ah" tuwang sambit ng isa kong kaklase, agad namang napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
Aba, tigas din ng bung0 neto ano? kakasabi lang ni sir kanina
"Oo nga, boring kasi sa bahay"
"I agree"
"Sus, kaya nyo lang naman gusto sa bahay ni leader kasi madaming pagkain" prankang sambit naman nung isa kong kaklase, kulay blue ang buhok.
Natawa naman ako sa sinabi nya, grabe naman reveal is real
"Shut up andrei" saad nilang lahat, except sakin, sa lalaking blue ang buhok, at sa dalawang walang pakealam sa mundo, sino paba edi yung red ang buhok, tsaka si pineapple head.
Napailing nalang ako sakanila, at sakto namang nag bell na kaya kinuha ko na mga gamit ko at tumayo na.
Sila naman ay tumayo nadin, nauna silang lumabas sakin, nang ako na sana ang lalabas, bigla nilang sinarado yung pinto.
WATDAHIL!
"HOY! BUKSAN NYO TO, ISA! BUKSAN NYO SABI EH!" sigaw ko, rinig ko namang tumawa sila, mga m0kong nato!
"Hep hep hep, mag linis ka muna bago ka namin palabasin" sambit naman nung kung sino.
Aba, gawin ba naman akong taga linis?!
"Ano kayo sinuswerte? hindi nyo ako yaya ano, palabasin nyo na sabi ako eh!" sigaw ko pa
"No, simula ngayon ikaw na ang taga linis, kaya kung gusto mo nang umuwi, mag linis kana" sigaw naman nung isang lalaki, teka... familliar yung boses nayun ah, SI RED HAIR YON!
Hindi na ako umangal pa at tinignan nalang sa sulok kung may walis tambo at dustpan.
Habang naglilinis ako, hindi ko sinasadyang masagi yung locker nila, oo may locker sila dito haha, pero mukhang hindi na nila ginagamit, puro alikabok na
"Hmm, ano naman kaya laman ng mga to?" saad ko sa sarili ko, at dahil parang inaakit akong tignan ito ay dahan dahan kong binuksan ang isa sa mga locker dito.
At duon, tumambad sakin ang mga materyales na bagay, kagaya nalang mga panluto, kawali, rice cooker, at iba pa.
(Ps : isipin nyo nalang na nagkasya lahat HAHAHA)
After kong makita lahat ay sinarado ko nalang ito at pinagpatuloy nalang ang paglilinis.
AFTER MINUTES LATER.
"Hays salamat, natapos din" pagod kong sabi at naupo sa upuan ko, nakakapagod bes.
Tinignan ko ang oras, 1:30 pm na grabe ganun ba ako katagal mag linis? half day lang kasi kami ngayon, 12 pm ang uwian.
Tumayo nako at binitbit ang bag ko, kinatok ko naman ang pintuan.
"Hoy, tapos nako mga prinsipe, baka naman may balak kayong pagbuksan ako ano?" sigaw ko, baka kasi hindi nila marinig eh.
"Hays salamat, natapos din sya"
"Hoy, bat ang tagal mo mag linis huh?"
"Wow! linis ng room natin ah"
"Nice, pwede na ulit mag kalat"
Sa huling nagsabi nun ay agad kong pining0t ang tenga nito.
"A-aray, ang sakit bitawan mo nga tenga ko!" sigaw nito, kaya mas lalo ko itong diniinan.
"Pinagsasabi mong pwede na ulit mag kalat ha?! alam mo bang nakakapagod mag linis sa room nyong napaka kalat!" sigaw ko sa mukha nya, sya naman ay napangiwi
"Oo na, oo na fine, sorry bitawan mo na tenga ko" saad nya, kaya binitawan ko na ito
Tumingin ako sakanilang lahat, at agad na sinamaan ng tingin, sila naman ay umiwas lang ng tingin.
Padabog kong kinuha sa sahig yung bag ko, dahil nahulog to sa braso kanina dahil sa bwisit na lalaking yon.
Inirapan ko silang lahat at padabog na sinara ang pintuan.
"My ghod! na stress yung beauty ko din ha" pagod kong sabi at pumunta nalang sa parking lot, dahil alam kong kanina pa nag hihintay si kuya hyun duon.
At hindi nga ako nagkamali, nandun na sya at mukhang inip na inip na.
Nang makita ako nito, agad nya naman akong sinalubong ng tanong.
Grabe ha, imbis na yakap, tanong talaga
"Bakit ang tagal mo? anong oras na oh, tsaka bat ganyan itsura mo? mukha kanang losyang" saad nya, agad ko naman syang sinamaan ng tingin.
"Kung alam mo lang nangyari kuya, hay nako tara na nga" saad ko at nauna nang sumakay
Sumakay nadin sya at nag simula nang mag drive.
"Oo nga pala, kanina habang nasa cafeteria tayo, nag chat yung dalawa nating kuya" saad nya, kaya pala sobrang busy sya kakatipa sa screen ng cp nya ha.
"Ano daw sabi?" tanong ko
"Uuwi daw sila sa mansion mamaya" sagot nya, hmm ngayon pala sila uuwi
"Kuya, sinabi mo bang nakauwi nako?" tanong kopa, sya naman ay umiling
"Nope, hindi ko sinabi dahil gusto kong i suprise mo sila" naka ngising sambit nya, agad naman akong napangisi din sa sinabi nya.
Mukhang may mangyayaring world w@r 3 mamaya.
HUMANDA KAYO MGA KUYA KONG PANGÌT.
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romance"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...