CALLUM POV.
kon'nichiwa! Callum Dwayne Takeshi nga pala, callum or dwayne nalang itawag n'yo sakin, dipende sain'yo.
I'm half japanese, half filipino, 17 years old.
Simula nung pumasok sya sa room namin, o sabihin na nating section. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Nung unang pagpasok nya pa lang sa room, nakuha n'ya na agad ang atensyon ko.
Maganda sya, maputi, medyo matangkad. Nung nag tama ang paningin namin, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hinahabol yung puso ko ng sampung kabayo sa sobrang bilis.
Matagal akong napatulala sa kagandahan n'ya, kaya hindi ko napansing inaaway na nila yung transferee.
Bilang VP, o vice president agad ko silang pinatagil. Tumigil naman sila kaya nagtanong nako.
"Hindi kaba aware ms? na bawal ang babae dito?" tanong ko sakanya, pero hindi ito sumagot, umangat lang ang tingin nito sakin, at nang mag tama ulit ang mga mata namin, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
oh god! bakit ganito kabilis tumibok ang puso ko sakanya?
Mag sasalita na sana sya pero, pinigilan sya ni prof at sinabing dito sya nilagay at sa ayaw o sa gusto daw namin, wala daw kaming magagawa.
'Well for me, ayos lang. Ganyan ba naman kaganda ang lilipat samin, sino bang aayaw?' sabi ko sa aking isip, at lihim na napangiti.
.........
Pangalawang araw na nya dito, napapansin kong close na sila ni ethan, ang bunso namin.
Pero akala ko, si ethan lang ang makaka close nya, pero hindi pala... pati din pala yung dalawa, magiging ka-close nya. But I'm not sure.
Nakaupo ako ngayon, katabi si lucas, as usual malamig nanaman ang ekpresyon n'ya.
Hindi ko nga alam kay tita kung saan nya pinaglihi yan, at ganyan ang ugali, siguro sa yelo?
Pinapanood ko lang silang apat, habang ako eto nakabusangot. Feeling ko parang may kung anong kirot sa puso ko nang makita ko silang tatlo kay yuna na masayang nakikipag-usap.
Deymm callum man? what happened to you? hindi naman ako ganito sa mga babae pero sakanya, kung ano ano nalang nararamdaman ko.
..........
Nandito na yung tatlo, sa pwesto namin. Sya naman ay nag iisa lang sa upuan n'ya ngayon. Gustohin ko mang tumabi sakanya ang kaso baka makahalata sila.
Tumingin ito sa gawi namin, mukhang bored na bored sya.
Nilabas n'ya yung cellphone nya, at tumayo sya bigla. Naagaw nya tuloy yung atensyon nung iba tsk.
Pumwesto ito sa gilid, at duon nya nilagay yung cellphone n'ya. Hmm mukhang mag t-tiktok sya.
Nag simula na syang sumayaw, kaya nag si tahimik ang mga kaklase ko. Nilingon ko naman sila, tama nga ang hinala ko, nakatitig nadin sila ngayon sa likod ni yuna, habang sumasayaw ito.
Rinig ko naman yung bulungan ng iba.
"Uyy, alam ko yan! yan yung salamin, by bini"
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romance"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...