PROLOGUE

225 5 0
                                    

This book is published at May 3, 2024.

Payapa akong nag lalakad pauwi sa bahay namin nang may marinig akong sigawan sa harap ng bahay namin, kaya naman dali dali akong tumakbo para tignan ito.

At halos umusok ako sa galit ng makita ko kung paano ihagis ni aling beta ang aming mga damit sa labas. Abuso na talaga ang gurang na ito!

“Lumayas kayo dito! Halos limang buwan na kayong hindi nag babayad ng upa niyo!” Sigaw niya kay itay.

Lalapitan ko na sana sila ngunit natigilan ako sa sunod na ginawa ni itay. Lumuhod ito sa harap ni aling beta habang nag mamaka-awa.

“Mag babayad din kami beta! Sa susunod na buwan, ’wag mo lang kaming paalisin”

Malalaking hakbang ko silang nilapitan at pilit na tinatayo si itay pero ayaw niyang tumayo at nanatiling naka luhod habang nag mamaka-awa.

“Beta! Bigyan mo pa kami ng isang buwan. Pangako mag babayad na kami!" Umiiyak na pag mamaka-awa niya dito.

“I-itay! Tumayo na ho kayo d’yan! " Naiiyak na ani ko rito at pinipilit na itayo siya pero parang wala siyang narinig at hinawakan ang kamay ni aling beta.

“A-ate!” Napalingon ako kay ino nang tumakbo siya at niyakap ako sa paanan kaya hinimas himas ko ang ulo nito bago balingan nang tingin si aling beta na nakatayo lang habang naka taas ang kilay.

Paniguradong gagamitin na naman niya ang perang pambayad namin sa pagsusugal niya. Pero wala akong paki kung anong gagawin niya sa bayad namin! Ang akin lang masyado siyang nag mamadali! Babayadan naman namin siya!

"Aling beta! Napag usapan na ho natin ito hindi ba?! Babayadan ko ho kayo sa susunod na buwan!" Seryosong ani ko rito habang pinatayo si itay. 

“Aba! sigurado ka bang sa susunod na buwan ay mag babayad na kayo? Limang buwan na kayong hindi nag babayad!” Singhal niya sa akin habang naka pamewang.

Ang kulit din ng gurang na’to! Pinag usapan na nga namin ito nakaraan eh!

“Oo nga po! pangako ko!” Saad ko dito.

“Sige! basta siguraduhil mo lang na mag babayad kayo sa susunod na buwan!” Singhal nito na siyang tinanguan ko nalamang. Nag martsa ito paalis sa harap namin kaya naman nilingon ko ang aking itay na umiiyak at ang aking kapatid na bunso na pinupulot ang aming mga damit na nag kalat.

Napatingin naman ako sa mga kapitbahay namin na naka tingin sa amin. Nagsipasukan sila sa kanilang tahanan nang makita nilang nakatingin ako sakanila.

"Itay, pasok na po tayo sa loob." Saad ko dito at inalalayan siyang pumasok.

Iniupo ko siya sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig, habang ang kapatid ko naman ay nagtungo na sa taas para ilagay sa kwarto ang mga damit.

“Itay, uminom na po muna kayo ng tubig oh.” Abot ko dito at umupo sa harap niya.

Tinignan ko ang aking bunsong kapatid na nag lalakad pababa ng hagdan at umupo sa aking tabi. Niyakap niya ako kaya ginantihan ko ito ng yakap. 

"Itay, hayaan niyo nalang po si aling beta. Do-doblehin ko po ang pag tra-trabaho para po makabayad tayo ng renta ng bahay na ito.” Nakangiti kong tugon kay itay habang yakap ang aking bunsong kapatid.

Isang doctor noon ang aking itay. Mayaman kami noon pero nag bago iyon nang iwan siya ng aking ina na walang ibang ginawa kung hindi iwaldas ang pera ni itay.

Hindi na nakakapag bigay si itay sakanya ng pera kaya niya ito hiniwalayan at iniwan niya kaming dalawa ng kapatid kong bunso sa bahay. Naging malungkot noon si itay dahil sa natanggalan siya ng trabaho at iniwan siya ni inay.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now