CHAPTER 13

57 4 0
                                    

Kanina ko pa ramdam ang pag i-init ng mukha ko habang pauwi kami, hanggang ngayon din na nandito na ako sa loob ng bathroom para mag hilamos ay naa-alala ko pa rin ang pag tawag nito sa akin kanina ng baby.

Hindi ako sanggol pero handang maging baby basta siya lang ang baby sa'kin ey eme!

Binilisan ko na ang pag hihilamos dahil kakausapin niya raw ako tungkol doon sa pagiging doctor ko sakanila.

Ibig sabihin no’n pag naging doctor na nila ako ay hindi ko na mababantayan si kiel, pero makikita ko pa naman siya.

Hays, mami-miss ko ang batang ’yon.

Siya nga pala, hindi ko pa nasasabi kay itay na magiging doctor ako ng mga Macdoni, baka kasi hindi pumayag si itay.

Pero panigurado namang papayag siya, kasi nga diba alam niyang pangarap kong maging isang doctor, at alam din ni itay na hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito para maka-gamot ng mga tao.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng bathroom para mag bihis.

Naka suot lang ako ng bathrobe na kulay itim at pinusod ko sa ulo ko ang tuwalya.

Pumunta ako sa harapan ng kabinet at kinuha ang isang pares ng pantulog.

Pajama ito at t-shirt na kulay pink.

Nag suklay muna ako ng buhok bago iligpit ang tuwalya at bathrobe na pinag gamitan ko.

Pinihit ko na ang seradura ng pinto at lumabas, nasa second floor ang kuwarto ko na pinag tutulugan ko, sa second floor din kasi ang kuwarto ni kiel mga ilang hakbang ay kuwarto na niya kaya naman naisipan ko muna itong silipin sandali.

Mahimbing itong natutulog sa kama nito at naka nganga pa hahaha.

Pumasok ako sa kuwarto nito at inayos ang kumot niya bago ito halikan sa noo.

Palabas na ako ng kuwarto ni kiel ng may naramdaman akong papalapit sa akin, naka bukas naman ’yung mga ilaw pero parang ang creepy, geez.

Hindi ko nalang ’yon pinansin at nag lakad na papunta sa hagdan, third floor kasi ang office ni sir kaizer tsaka ang kuwarto niya.

Nakaka ilang hakbang palang ako ng biglang may tumapik sa akin sa balikat na siyang kinagulat ko.

“Ay palaka!” Mahinang tili ko at tinignan kung sinong may gawa no’n.

“Mukha ba akong palaka?” Naka move ngusong tanong sa akin ni kaius.

Inirapan ko ito at humalikipkip sa kaniyanh harapan, bali isang baitang na hagdan ang pagitan naming dalawa.

“Bakit ka po ba kasi nanggu-gulat?” Sarkastikong tanong ko rito.

Tumawa naman ito at humakbang pa ng isang beses para mag pantay kami.

“E bakit ka kasi magugulatin?” Naka ngisi pa ring tanong nito kaya naman inirapan ko siya at nag lakad na.

“Fyi, ginulat mo lang ako pero hindi ako magugulatin.” Naka irap na turan ko rito.

Rinig ko naman ang pag tawa ni kaius sa likuran ko.

“Haha! Sige, sabi mo e.” Turan nito at pinantayan ako sa pag lalakad.

“Mukhang close na close kayo kanina ng mga kaibigan namin ah.” Saad nito kaya naman nilingon ko siya ng isang beses at tumingin na sa dinadaanan naming pasilyo.

“Mukha nga.” Sambit ko nalang dito.

Ilang pasilyo pa ang niliko namin ay ngayon nasa harap na kami ng opisina ni sir kaizer.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now