CHAPTER 1

102 4 0
                                    

Lumapit ako sa isang customer na nasa gilid ng bintana nitong cafe.

Lalaki ito at naka suot ng shade na kulay black may kulot itong buhok na kulay brown, cute din ito at ang tyansa ko ay mga nasa sampong taong gulang pa lang ito.

And yes! He's a baby boy, masyado daw itong matured kung makapag salita kaya nainis si lyka kaya ako ang nag prisinta na ako nalang ang mag tatanong kung ano ang o-orderin nito.

By the way, si lyka ay kasama kong nag tra-trabaho sa coffee shop na 'to, ang pinag kaibahan lang namin ay isa siyang working student siya'y nasa senior high pa lamang.

Mabuti na din kanina ay hindi nagalit o nag tanong si ate gia kung bakit ako na late.

"Ehem, what's your order, sir?" Natatawang agaw pansin ko dito dahil nakatulala lang siya sa bintana at parang matanda na nga kung umupo.

Naka kunot noo niya akong binalingan nang tingin.

"Who are you? I just said a while ago that i don't want to order." Naka kunot noo nitong ani.

Seryoso ko siyang tinignan at umupo sa harap niya.

"Is that so? So what are you doing here little boy?" seryosong tanong ko rito.

Umamo ang kanyang mukha at ngumuso. Aw ang cute niya! Pigilan niyo 'ko, isasako ko 'to! Emehahahaha! Oa sobrang oa

"I'm waiting for my brother! Kung saan saan kasi 'yon nag pu-punta, nambabae na naman yata" Naka busangot na aniya.

"What? You're waiting for your brother? " Nag tatakang tanong ko.

"Yes! But I'm sure that he's not coming" Malungkot na ani nito at tumayo.

"Where are you going?" Tanong ko rito.

"Uuwi na po ako ate, hindi naman na po pupunta si kuya e tsk. Sorry po sa distorbo." Naka ngiting Saad nito kaya ngumiti rin ako. Akala ko ba masyadong masyadong matured 'to? E ang cute nga.

"By the way ate! ano pong name mo? Ang gands mo po e." Naka ngiting ani nito kaya hindi na'ko nakapag pigil at kinurot ang mataba niyang pisngi.

"Aoife Zeia Diakos! Ikaw ba, anong name mo?" Naka ngiti kong tanong. Shît kapag nakikita ko ang cute na mukha ng batang 'to ay natutuwa ako.

"I'm Kiel Kairo Macdoni!" Masayang bigkas nito. Nginitian ko siya at pinisil ang pisngi, ngunit natigilan ako nang may maalala.

Macdoni? Kanina ang apelyido ng lalaking tinulungan ko ay Macdoni.

Ano nga ulit pangalan no'n? Aish. Hindi ko na tanda ang pangalan niya pero ang apelyido na Macdoni ay natatandaan ko.

Ngumiti ang bata at kumaway sa akin bago lumabas ng coffeeshop.

"Huy beh, anobg ginawa mo roon? Bakit umalis?! Hala omg!! 'Wag mong sabihin na tinakot mo kaya umalis?!" Nag he-hesterical na ani ni lyka. Tsk! Itong babae na 'to talaga masyadong OA.

"Oa! Sobrang oa! hahaha! May hinihintay lang pala siya." Ani ko rito at tumayo na nang may pumasok na mag jowa sa loob ng coffeeshop.

"Hi ma'am sir, good morning po." Seryoso kong bati sa dalawang mag jowa. Sana all diba may jowa

Nginitian ako ng lalaki pero yung babae inirapan lang ako.

Ay wow 'te! Maka irap kala mo naman kagandahan, tusukin ko mata mo jan eh, kimi baka masesante ako.

Seryoso ko nalang siyang tinignan bago sila mag lakad, sumunod naman ako at kinuha ang menu sa cashier.

"Ma'aam sir, this is our menu." Saad ko sabay abot dito.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now