CHAPTER 20

54 2 0
                                    

Nasa isang ice cream shop kami ngayon na pag mamay-ari nila dravin.

Unang pasok talaga namin sa mall ng mga macdoni ay dumiretso kami agad sa may ice cream shop dahil kanina pa gustong kumain ni kiel ng ice cream kaya pinag bigyan namin.

Maganda ang loob ng ice cream shop, salamin ang bintana nito at makikita mo ang mga ibang nag titinda rito sa mall, may mga naka sabit naman na maliit na chandeliers na naka sabit at ang mga ding ding naman ay may mga dahon na bonsay.

Malaki ang ice cream shop dahil may dalawa itong palapag at maganda ang pagkakagawa.

Ang ate pala ni dravin ang may-ari ng ice cream shop na ito, maganda ang babae at kung pag mamasdang mabuti ay mag kahawig na magkahawig sila.

"Awit ka naman bro."

"'Wag kang magulo."

"Doon sa kampo nila sugurin niyo."

Maingay na palitan nila ng mensahe, pabilog ang inuupuan namin ngayon at mag katabi kami ni cazzie.

Habang si kiel naman ay as usual naka upo sa kandunhan ko, nasa tabi ko naman ay si ace bali napagitnaan nila akong dalawa, katabi naman ni cazzie ay si druv, ang katabi naman ni druv ay si elcenzie, ang katabi nama nito ay si dravin, sa harapan ko naman ay si kaius si nyx naman ay katabi ni ace.

Nag lalaro sila ngayon ng cod yata 'yon o online strike, ewan ko basta barilan e.

Maya-maya pa ay natanaw ko na si ate devine na papalapit sa amin kasama ang ilang mga tauhan para dalhin ang mga inorder namin.

Ngumiti sa amin si ate devine. "Oh kain na, enjoy your ice cream everyone!" Masayang sambit nito.

Mabait si ate devine at humble, parehas sila ni dravin, nasa edad trenta na si ate devine at may anak na ito isa ngunit hindi niya ito kasama ngayon.

"Yown! Thank you ate dev!" Pasasalamat ni kaius dito.

"The best ka talaga ate! Thank you very much!"ngiting ani ni dravin sa ate niya, sobrang saya nilang mag kapatid at mag kasundong magkasundo.

"Ay sus oh pa'no ba 'yan, marami pa kaming customer maiwan ko na kayo." naka ngiti nitong paalam, tangin tango lang naman ang ginawa ng mga lalaki habang kami ni cazzie ay ngumiti rin pabalik dito at tsska ito umalis na.

"Yehey my favorite." rinig kong bulong ni kiel at sumubo ng isang kutsara.

Napangiti naman ako sa inasta nito, napaka cute.

"Oy, dalian niyo d'yan pupunta kami ni aoife sa may shop ng Louis Vuitton bibili ako ng mga gown." Saad ni cazzie sa mga ito, nag si tanguan naman ang iba habang ay nag tataka siyang tinignan.

"P're, umayos kayo matatalo tayo niyan e!" Rinig ko pang reklamo ni ace.

"Eh cazzie hindi naman ako bibili roon, mabuti pang maiwan nalang ako kay kiel." saad ko naman.

Mabilis itong umiling iling.

"Sasama ka sa'kin! Okay? Sige na kainin mo na 'yung ice cream mo baka matunaw." Turan nito kaya naman wala na naman akong nagawa.

Sinulyapan ko nama si kiel at nakitang kalat na ang ice cream sa mukha niya kaya naman kinuha ko ang tissue.

"Baby, tingin ka sandali rito." malumanay na ani ko rito.

"Po?" sagot niya at humarap sa akin, napangiti nalang ako sa kacutan ng batang 'to.

Pinunasan ko agad ang ice cream na nasa gilid ng labi nito at bahagyang ngumiti sa naging reaksyon niya.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now