CHAPTER 14

51 4 0
                                    

Hindi na ako magkaumayaw sa pag baling baling sa ibang direksyon dahil sa kakaisip ng nangyari kanina.

Ala una imedya na ng madaling araw pero heto at gising pa rin ako at hindi maka tulog.

At ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako nagkakaganito ay kasalanan ng amo ko.

Bakit ba naman kasi ako hinalikan!

’Nagpahalik ka naman.’

Napailing na lang ako sa sinabi ng utak ko.

Inis akong tumayo sa kama at pumunta sa harap ng pinto para buksan ito, kasi alangan namang sipain ko diba?

Mag ti-timpla nalang ako ng gatas para maka tulog ako!

Dahan dahan kong binuksan ang kuwarto ko at nag lakad sa mahabang pasilyo.

Madilim na rito at tanging liwanag nalang ng buwan ang nag sisilbing gabay ko sa pasilyo.

Nasa dulo ang kuwarto ko, pag ka akyat mo sa hagdan may dalawang pasilyo kang makikita, una sa left at ang right.

Ang puwesto naman ng kuwarto ko ay ang sa left at ang pinaka dulo.

Nang maka baba na ako sa hagdan ay pumunta agad ako sa kusina para mag timpla ng gatas kasi alangan namang matulog ako roon, eme hahaha.

Tinatamad akong mag timpla ng gatas kaya binuksan ko nalan 'yung refrigerator at kinuha nalang ’yung fresh milk.

Sinimulan kong mag salin ng fresh milk sa baso ng may marinig akong yapak sa aking likuran.

Gising pa kaya siya?

“Gising ka pa pala.” Turan ni kaius at binuksan ang ref.

“Ay hindi, tulog na.” Pairap na ani ko rito.

Narinig ko naman ang mahina nitong pag tawa bago lagukin ang tubig malamig na kinuha nito.

Pag katapos nitong uminom ay umupo ito sa may counter at tumitig sa akin.

Nasa harapan niya kasi ako at umiinom ng gatas.

“Anong ganap sainyo ni kuya kaizer?” Takhang tanong nito ngunit kalaunan ay gumuhit din ang nakakaloka niyang ngisi.

Tinaasan ko naman ito ng isang kilay. “Anong ganap?” Maang mangan kong balik din ng tanong

“Sus, ’wag ako aoife, bakit ka pinaiwan ni kuya roon sa office niya? Alangan namang mag titigan lang kayo roon sa office niya diba.” Sarkastikong saad nito at inirapan ako.

Napatawa naman ako, para siyang bakla.

“Oo, nagtitigan lang kami, walang kukurap, walang hihinga, walang mag sasalita.” NakNaka ngisi kong pang a-asar dito at lumapit sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko.

Nang matapos kong hugasan iyon ay nag martsa na ako paalis at iniwang naka ngiwi si kaius.

Geez!

Pumasok nalang ako sa kuwarto at humiga nalang bago pumikit kasi alangan namang mga laro ako, haha eme.

Ilang minuto pa ay hinila na nga ako ng dilim, ilang minuto lang akong naka idlip ay may narinig akong kalabog sa may bandang balkonahe ko.

Kaya naman kahit inaantok ako ay bumangon ako para tignan kung ano iyon.

Sa pag tanaw ko rito ay may nakita akong anino na papa-alis kaya naman nag tataka ko itong tinignan.

“I-iha, t-tulungan mo ako.” Napalingon ako sa nang hihinang matandang babae na ngayon ay naka higa sa semento.

Nanlalaki naman ang mga mata ko ng makilala ko ang matandang ito.

“N-nanay luz!” Sigaw ko rito at tinalon ang balkonahe.

Mababaw lang naman ang balkonahe kaya naka tinalon ko nalang.

“A-ano pong nang yari sainyo? Sino po ang may gawa nito sa’yo?” Sunod sunod na tanong ko.

Ngunit natigilan ako ng may makita akong dugo sa likod ng ulo niya.

Ramdam ko naman ang mga papalapit na yapak na papalapit sa amin.

“Nanay luz.” Bangit ni kaius sa pangalan ni nanay luz at hinawakan ito sa noo.

Napatitig naman ako kay nanay luz ng matagl bago ma-alala ang nakita kong anino kanina na papa-alis.

“Nakita mo ba kung sino?” Tanong sa akin ni sir kaizer habang nasa likuran nito ang mga men in black.

Matagal kaming nag katitigan bago ako umiling.

Sino naman ang taong may gawa nito? Posible kayang mga kalaban ni sir kaizer 'yon? Pero imposible.

Ano naman kayang motibo ng taong gagawa nito kay nanay luz kung totoo man ang aking hinala na may kinalaman ang mga kalaban ni sir kaizer sa pangyayaring ito?

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now