CHAPTER 27

36 0 0
                                    

AOIFE ZEIA DIAKOS POV:

Mahihinang pag huni lang nang ibon ang tanging maririnig mo rito sa may buong field.

Madamo rito at kulay green na green talaga ang mga damo, mas green pa sa’yo eme haha.

Nandito pala kami ngayon sa isang malaking field na nasa likuran ng mansion ni cazzie at pinapanood na nag wa-warm up ang mga men in black nil kaizer o ang mga tauhan nila.

Sa gitna ng field ay may dalawang malalaking ding ding na gawa sa bato, may malaking space rito at parang ang kampo nila ang tag i-isang side.

Sa may gilid naman nila ay may hagdan na bakal na pabilog ang style.

Kanya kanya silang tago, may nasa gilid ng bato at may mga nasa hagdan.

Ang rules sa larong ito ay kailangan makuha nila ang flag na nasa kampo ng bawat isa, kailangan nilang hanapin iyon at pag nakuha nila ng hindi sila nasasaktan ay sila ang panalo.

May kaniya kaniya silang grupo, ang nasa kaliwa ay kulay itim ang suot, habang ang nasa kaliwa ay kulay white para kita kung anong grupo sila.

Puwedeng mabaril ang ilang member sa gagawin nila, grabeng brûtal ni kaizer, and yes siya ang nag pauso ng training na 'to na kung tawagin nilang mag kakaibigan ay laro.

Jusko, laro ba para sakanila ang buhay ng isang tao? Mga sirà ulo talaga.

“Ready?!” sigaw na tanong ni druv habang naka ngisi at may hawak ng baril.

“Yes!” kanya kanya nilang sigaw, nag singisian naman ang mga katabi ko.

Pinaputok ni druv ang baril sa itaas kaya nakita kong nag simula na sila.

Medyo malayo naman kami sakanila kaya hindi kami matatamaan, andito lang ako sa gilid habang naka tayo at nag a-abang kung sino ang masasaktan or matatamaan ng bala dahil pag natamaan na ng bala ay paniguradong out na sa game at kung sino ang mga natira ay siyang maiiwan.

Nasa gilid ko ay naka upo si kaizer, katabi niya si kaius katabi naman ni kaius ay si cazzie, sunod ay si druv, dravin, elcenzie at si ace.

Pinapaupo nga nila ako pero hindi na ako umupo para madali kong mapuntahan kung sino man ang madi-disgrasya.

Bali parang training na rin ‘to para sa akin.

Seryoso lang akong nanonood at nag ma-matyag, nag simula na silang mag barilan, ang iba ay sumusugod na sila sa teritoryo ng kalaban.

Putok lang ng mga baril ang tangi mong maririnig sa buong field at kahit isa ay wala pang mga tama, magagaling silang umiwas.

Isang putok ang umalingaw ngaw at may tumamang bala sa balikat ng isang member ng kulay white na grupo.

Mabilis siyang umalis sa kung nasaan siya nakatayo at nag lakad sa gilid, habang ang iba ay tuloy pa rin sa pag babarilan at suguran sa kani-kanilang teritoryo.

Mabilis naman akong tumakbo papunta sa gawi ng nabaril habang hawak ang medical kit na naka sabit sa balikat ko.

Kaagad akong lumuhod sa harapan nito, nilahad naman niya ang kaniyan braso sa akin na mahina ko namang hinawakan.

Kumuha ako ng gunting at ginunting ang damit kung saan siya natamaan.

Kaagad kong inayos ang mga gamit at mabilis na kinuha ang twizzer.

Tinignan ko ang mukha nito na ngayon ay naka tingin sa akin habang naka tulala.

Kaagad kong binunot ang bala na siyang nakapag pasigaw sa kaniya sa sakit.

Tinapal ko agad ang gaza na nasa kabila kong kamay at tinape muna ito upang mapigilan ang pag dugo sa pag agos.

Inayos ko muna ang med kit ko at sinukbit sa balikat ko bago alalayan ang lalaki at dinala  sa gilid kung nasa’n sila kaizer na naka tingin sa akin.

May mga tauhan silang naka pila na hindi kasali sa laro kaya naman lumapit ako sa isa.

Binigay ko ang lalaking may sugat na agad namang kinuha ng tauhan at dinala sa maliit na clinic na nasa gilid lang ng training field.

Pagka tapos ay kaagad akong lumingon sa mga nag babarilan at nakitang wala pang natamaan ulit.

May mga naka men in black na ang naka pasok sa teritoryo ng mga naka men in white.

Nag babarilan ang mga ito hanggang sa may matamaan sa binti kaya agad na may pumito, tumakbo ako papunta sa kanila at hindi ininda ang mga barilan nila.

Nasa gitna pa naman ito at ang iba ay tuloy pa rin sa pakikipag barilan.

Tumigil ako sandali at tinignan ang pagitan naming dalawa.

Shît.

Nasa may gilid naman ito ng malaking bato kaya naman umikot at iniwasan ko ang mga bala na papunta sa akin, agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki at binaba ang med kit na naka sabit sa balikat ko.

Tinanggal ko muna ang bala sa may binti nito, andito pa rin kami sa gilid ng malaking bato kaya hindi kami nataamaan ng bala.

Pag kasi dinala ko pa siya sa gilid ay mahihirapan siyang mag lakad kaya ang ending non ay paniguradong matatamaan kami ng bala, edi pati ako non madadamay.

Nang maalis na ang bala na nasa binti nito ay nilagyan ko rin ito ng gaza kagaya ng ginawa ko sa isa.

Nang tapunan ko ito nang tingin ay naka tingala lang ito at naka pikit.

Isang malakas na lagabog ang narinig ko at kaagad na lumingon kung nasaan ang teritoryo ng mga naka itim na lalaki at nakitang nahulog ang lalaki sa damuhan, hindi naman siguro masakit ‘yon kasi damo naman ’yan eme haha.

Tumingin ako sa lalaki na nasa harapan ko at nakita kong naka tingin ito sa akin kaya maliit ko itong nginitian at nag salita.

“Dito ka lang, pupunta naman yung mga men in black na nandoon sa gilid at kukunin ka, baka napano na ‘yong lalaki na nahulog sa hagdan.” naka ngiti kong turan dito.

Tinanguan naman ako nito at ngumiti.

“Ingat ka, baka mabaril ka edi wala na kaming magandang doctor non pag nagkataon, anyway i'm lance.” naka ngisi niyang sambit at pakilala.

“Aoife, oh siya punta na'ko roon.” sambit ko nalang at kinuha na ang med kit ko at sinukbit ulit sa braso ko.

Tumakbo agad ako rito at isang malakas naman na putok ng baril at pito ang umalingaw ngaw pag dating ko sa lalaking nahulog sa hagdan.

“The winner is the black team!” anunsyo ni ace kaya naman nag sigawan sila.

So panalo ang black team? Walang duda.

Seryoso ko lang sinusuri ang buong katawan ng lalaki at nakita kong sa balikat ang tama nito ng baril, siguro na out of balance ito dahil sa pag kakabaril.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pag daloy ng dugo sa ulo nito.

Napatayo ako bigla at tumakbo sa kinaroroonan nila kaizer.

“Kaizer! Tawagan mo si caiazzo! Kailangan natin siya ngayon! Sabihin mong nahulog sa hagdan ang tauhan mo at kailangan agad i check ang ulo niya.” hinihingal kong saad.

“Hm, kaius call him.” kalmado niyang sambit sa akin at tinanguan ako.

Kaagad namang nilagay sa stretcher ang lalaki at dinala sa maliit nilang clinic, actually hindi ‘yon maliit e, pero para sakanila maliit pa raw.

Bwesit, bakit kaya ganoong games ang pinagawang training sakanila ni kaizer! Ayan tuloy.

TO BE CONTINUED.

────

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now