CHAPTER 15

51 3 0
                                    

Nandito kami ngayon sa kuwarto ni nanay luz kung saan ang mga maid bedroom.

Binigyan ko ito ng paunang lunas, binendahan ko ang ulo nitong dumu-dugo para tumigil sa pag agos ng dugo.

Para na rin hindi mawalan ng maraming dugo si nanay luz, wala pa kasi ang machine para sa CT-brain scanning kaya hindi ko sure kung may damage ang utak ni nanay luz o maco-coma siya.

Kasalukuyan itong natutulog sa kama niya rito sa kuwarto niya.

Sinabi ko na rin kay sir kaizer at kaius na kailangan madala ni nanay luz sa hospital pero ayaw nila, at kung ano ang dahilan ay hindi ko rin alam.

Wala naman ang mga gamit na kailangan gamitin sa bahay na ’to at sakto namang may pinsan daw sila na isang neurosurgeon, sa ngayon ay papunta na siya pinadala na ang mga kakailanganin gamit.

Masiyadong makulit si kaius at sir kaizer dahil ayaw nilang ipadala nalang si manang sa hospital, ano ba ’tong mag kapatid na ’to.

Kainis!

“Hindi ko alam na mag kakaganito pala si manang luz, edi kung alam ko lang na may masamang mangyayari sakaniya sinamahan ko nalang siyang mag sara at mag patay ng mga ilaw.” Umiiyak na turan ng isang babae sa tabi ni manang habang naka hawak ang kamay nito sa kamay ni nanay luz.

“Anong pangalan mo ms?” Tanong ko rito.

Maganda ito at may porselanang balat, straight na straight ang kulay browbrown nitong buhok na hanggang balikat mapupula ang labi nito at mahaba ang pilik mata.

Mukha itong mabait at mukhang bata, tansiya ko mga nasa 18 years old.

Seryoso, maid ’to ng mga Macdoni? Pang model ang hitsura e.

“Rhexia Lauren ate.” Sumisinghot na ani nito.

Namumula ang mata nito. Kaya naman nginitian ko ito at hinawakan sa balikat.

“Rhexia, magiging okay din si nanay luz, ’wag mo nang sisihin ang sarili mo at ’wag ka na rin umiyak.” Nakangiti kong pang a-alo rito.

Tipid niya naman akong nginitian at tumango.

Maya maya pa ay may narinig kaming pag busina ng sasakyan kaya naman napa-ayos ako ng tayo.

Biglang may nag mamadaling binuksan ang pinto at linuwa nito si cazzie, ace, druv, dravin at elcenzie, at ang lalaking ginamot ko noon.

Sunod nitong pumasok ang napaka guwapong lalaki na naka uniform ng pang doctor pa at halatang nag mamadaling pumunta rito.

Pamilyar na pamilyar ito sa’kin kahit ilang taon na ang nag daan.

Hinding hindi ko makakalimutan ang abuhin nitong mga mata na sa tuwing tinitignan ay nakaka halina.

Ang mga mapupula nitong labi at ang bad boy look nito.

“How’s nanay luz? Alam niyo na ba kung sinong may gawa nito sa kaniya?” Sunod sunod na tanong nito at nilagpasan ako, ey wow.

“Check her caiazzo, asap!” Kinakabang utos ni kaius dito.

“I’m going to start, ikaw na ang mag CT-brain scanning sakaniya cai, if you need help i'm here.” Sulpot ko rito at tinignan si caiazzo na ngayon ay nang lalakihan na ang mga mata.

“What the actual fûck? Aoife?!” Gulat na saad nito, mahina naman akong natawa at napairap.

“Yes, the one and only, senior.” Ngisi kong ani rito.

Napaismid naman ito. “Don't call me senior, wala na tayo sa university.” Pairap na ani nito.

“Ano mag i-irapan nalang ba kayo d’yan o iche-check si nanay luz?” Malamig na singit sa amin ni sir kaizer.

Sumipol naman ang iba habang nakita kong napangisi si cazzie.

“Pass sa halata bro.” Natatawang pang-aasar ni nyx.

Tumawa naman ang iba sa sinabi nito.

Habang si caiazzo naman ay inaayos na ang CT-brain scanning para kay nanay luz.

Pinabuhat niya si nanay luz sa mga men in black at inayos ang pag kakahiga ni nanah luz lara ma-scan ang ulo niya ng maayos.

Si caiazzo cabazcabazon ay isa sa mga senior ko noon noong nag a-aral pa ako sa university, pero siyempre hindi ako naka tapos
kaya nahiwalay na rin ang landas namin sa isa't isa.

Mag kaibigan kami noon, hindi ko lang alam ngayon haha.

“Tsk, shût up.” Malamig na suway ni sir kaizer sa mga ito.

“Even we undergo her on CT-scan, we can’t tell if she have a brain injury dahil sa pag kakapukpok niya, tulog pa naman siya ngayon at hindi mararanasan ang mga sintomas ng brain injury kaya hindi natin malalaman agad kung mayroon ba siyang brain injury o wala.” Mahabang paliwanag ko rito.

“Hm yeah, so what do you want to do then?” Seryosong tanong nito sa akin.

Kinuha ko naman ang papel na extra at sinulat dito ang mga kailangan i-check at gawin kay nanay luz.

“I’m going to a Magnetic resonance imaging (MRI) for the better understanding, para makita rin natin nang malinaw kung may brain injury ba si nanay luz.” Mahaba kong saad dito, tinanguan naman ako nito at nginitian.

“Do what you want, i  trust you back up mo rin ako.” Naka ngiti nitong saad.

Kita ko naman sa peripheral vision ko ang nakanga-nga nilang bunganga, yak hahaha.

“Oh, isara ang mga bibig baka pasukan ng laway.” Natatawang saway ko sakanila.

Sinara naman nila ang mga bibig nila at wala sa sariling nag salita si rhexia.

"Usapan ng mga matatalino be like.” Lutang niyang saad, huli na para ma-realize niya ang nasabi niya dahil humagalpak na nang tawa ang lahat.

“Enough, you all can go home now, wala kayong ambag dito.” Matabas na saad nisir kaizer sa mga ito.

“Hoy! Grabe ka, pinapunta mo kami rito ng pasado alas dos ng madaling araw para tulungan ka na pakuha ang mga gamit ni caiazzo tapos ngayon sasabihan mo kaming walang ambag?” Inis na sigaw ni cazzie sa kapatif nitong si sir kaizer.

“Oo nga boss, grabe ka naman.” Pinalungkot pa ni dravin ang boses nito at humawak pa sa dibdib nito para ipakitang nasasaktan siya pero mukha namang nag i-inarte lang.

“Sus bro, hindi ka marunong umarta alis nga!” Hindi nag papatalong ani ni druv at humarap kay sir kaizer.

“Babe! How dare you?!! Pag katapos mong mag patulong gaganituhin mo ako?!” Pang babakla ni druv kay sir kaizer.

Tumawa nalang ako ng malakas at iniwan na sila para i-check si nanay luz gamit ang mri.

Baka kasi pag hindi ako umalis doon baka tawa pa rin ako nang tawa hanggang ngayon.

Napailing nalang ako at inayos ang gagamitin.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now