CHAPTER 16

46 3 0
                                    

Nang matapos ko nang i-check ang ulo ni nanay luz ay ginawan ko agad ito ng report at pinabasa kay cai.

Kahit naman may alam ako d’yan hindi ako mag mamagaling dahil mas magaling sa akin si cai pagdating sa mga ganitong bagay.

Oo doctor ako, pero marami ang inaral ko noon, mayroon ang cardiologist, neurologist, at ang pagiging surgeon.

Halos sumakit noon ang ulo ko sa pag kabisado noon ng mga parts ng ating mga katawan at iba pa, kaya nga laking pang hihinayang ko noong huminto ako sa pag-aaral.

“So intelligent as ever.” Ngiting papuri nito.

Nginisian ko naman ito at nabaling ang tingin sa grupo nila na nasa likuran ni cai upang silipin ang report paper na ginawa ko.

“Nahilo ako sa sobrang pagka gulo ng sulat ah.” Pang a-asar ni nyx sa akin kaya naman inirapan ko ito.

“Hot fyi, ang gawain ng isang doctor ay dapat mabilis sa mga kilos at pag check sa mga pasiyente kaya wala na kaming time para ayusin ang sulat namin ’no! Alangan namang pag nagkamali kami uulitin pa ulit namin, edi natégi pasiyente namin sa bagal naming kumilos.” Mahabang pakikipag argumento rito.

Napangiwi naman ang iba.

“Oh chill, anong pinag lalaban mo?” Natatawang tanong ni ace, aba simula yata kaninang dumating sila rito ay ngayon lang siya nag salita.

“Sana all nalang pinag laban.” Urat na ani ni cazzie.

“Hindi ka lang pinag laban ganiyan kana.” Pang a-asar ni druv dito.

I see their future, lakas maka enemy to lover.

“Ganda ng love team niyo ah, enemy to lovers.” Ngising pang a-asar ko sa dalawa.

Nagsitawa naman sila at naki gatong.

“Oh, enemy to lovers pala ang atake, lugi tara nga p’re away tayo, baka maging enemy to lovers din tayo.” Saad ni cai at hinila si dravin.

“Yak p’re, tigil tigilan mo’ko sinasabi ko na nga ba e, sa sobrang pogi ko nababading kana sa akin.” Natatawang pag mamayabang ni dravin dito.

“Puro na sila may love life, ako nga rito nalulutang dahil kanina pa inaantok.” Maktol ni elcenzie sa mga ito.

Humagalpak naman ako ng tawa.

“Dito ba kayo matutulog o uuwi kayo?” Kalaunan ay tanong ko ssa mga ito.

“Dito kami matutulog, nag paalam na kami kay kaizer.” Naka ngiting sagot ni cazzie.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong living room dahil andito kami, pero hindi ko siya nakia pati si kaius.

“Oo nga ’no, asan pala sila?” Tanong ko rito.

“Ey, nami-miss naman pala, eguls sana all miss.” Banat ni nyx.

“Eh? Nag tatanong lang ako, pero hindi ko miss ’wag kang oa at issue d’yan” Irap kong sagot dito.

Tumawa naman silang lahat.

“Ey basag hahaha.”

“Nice one aoife.”

Napailing nalang ako sakanila.

“Matulog na tayo, alas quatro na rin naman, maayos na ang kalagayan ni nanay luz kaya puwede na tayong mag pahinga.” Turan ko sa mga ito.

“Yohoo! Makakatulog na rin ako!” Sigaw ni Elcenzie kaya tumawa nalang kami.

Malaki naman ang mansion ni sir kaizer kaya kasiya kaming lahat dito kahit tig i-isang kuwarto pa.

Siya nga pala, nasa isang kuwarto si nanay luz sa unang floor, nag papahinga siya ngayon at may naka bantay sakaniyang apat na guard sakaniya.

Dalawa sa harapan ng pinto at dalawa sa loob.

Inutos talaga ni sir kaizer at kaius 'yon dahil daw baka balikan daw si nanay lu ng nag tangka sa buhay niya.

Napailing nalang ako sa dami kong ini-isip, bago ako pumunta sa kuwarto kung saan ako natutulog ay pinuntahan ko muna si kiel at baka nagising ’yon sa sobrang ingay namin kanina sa baba.

Pero pag bukas ko naman ng pinto ay mahimbing itong natutulog kaya naman sinarado ko na ang pinto at dumiretso sa kuwatro.

Kaagad akong humilata sa kama, kung kanina ay hindi ako maka tulog ngayon naman ay antok na antok na ako.

Bago ako makatulog ay naisip ko na pupunta pa pala ako bukas sa hospital para dalawin si itay at ino, mag papa-alam na rin ako.

Sa susunod na linggo na rin ang operations ni itay, kaya sana ay maging successful 'yon.

Unti unti naman akong nnakatulog dahil na rin sa sobrang pagod.

NANADITO ako ngayon sa Saint Santiago Public Hospital para bisitahin si itay at ino.

Ilang araw na akong hindi nakakabisita sakanila kaya naman binisita ko na sila ngayon dahil sa makalawa ay o-operahan na si itay.

Nag paalam naman ako kay sir kaizer na bibisitahin ko si itay, pumayag naman ito at saka andoon naman si cai para i-check ang kalagayan ni nanay luz.

Hindi ko rin alam kung alam na ba nila sir kaizer kung sino ang nag tangka sa buhay ni nanay luz o hindi pa.

Kasalukuyan akong naka upo rito sa isang couch at kaharapan lang ng inihigaang kama ni itay, samantalang si ino naman ay kumakain ng binili kong pag kain.

Kumain na raw si itay kaya si ino nalang ang kumain ng dala ko, si ate gia naman ay lumabas sandali.

Tumayo naman ako sa inu-upuan ko at lumapit kay itay.

“Itay, may gusto sana akong ipa-alam sainyo.” Seryoso kong saad dito.

“Ano iyon anak?” Tanong ni itay at umupo.

Tinulungan ko naman ito bago mag salita.

“Itay, gusto po ng mga macdoni namag trabaho po ako sa kanila bilang isang doctor at hindi na isang babysitter lamang.” Saad ko rito at maliit na ngumiti.

Bakas naman sa kaniyang mukha na siya ay nagulat.

“Ha? Edi magiging doctor kana anak? Pero alam ba nilang nine years lang ang natapos mo?” Gulat na ani nito ngunit mahihimigan mo nag pag-aalala.

“Opo, alam nila.” Sagot ko rito at ngumiti, nginitian din ako ni itay.

“Ano anak, pumayag ka ba?” Nakangiting tanong nito.

Napahawak naman ako sa batok ko bago naka ngusong sumagot.

“Ayon na nga po itay, gusto kong mag pa-alam sainyo, baka po kasi hindi niyo ’ko payagan.” Naka iwas tingin kong turan dito.

“Ano? Ako hindi kita papayagan? Anak naman, hindi ko hahadlangan ang kasahiyan mo.” Naka ngiting sambit nito.

Napayakap naman ako rito.

“Salamat itay.”Ngitinging ngiting turan ko rito.

Mahal na mahal ko ang itay maging si ino kaya gagawin ko ang lahat para lang makapag pa-opera si itay at umayos ang buhay namin.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now