CHAPTER 8

55 4 0
                                    

"Tay, ayos lang po ba sa inyo na operahan kayo bukas?" May pag-aalalang tanong ko dito.

Ngumiti naman ito at bahangyang tumango. "Ang inaalala ko anak ay ang gastusin, sisentamil pa naman ang kailangan mong bayadan." May halong lungkot at pangambang ani nito.

Napngiti na lamang ako ng tipid dito at niyakap siya,

"Itay, 'wag niyo pong alalahanin ang bill sa hospital may trabaho na po ako at kada month ay isang daang libo ang sahod ko kaya, kayang kaya ko po iyon itay 'wag ka na pong mag alala mag pagaling nalang po kayo dito." Nakangiti kong ani dito.

"A-ano anak? Isang daang libo ang sahod mo kada buwan? Aba ang laki naman niyan!" May halong gulat na turan nito kaya naman napa tango ako habang naka ngiti.

"J-jusme, saan kaba nag tra-trabaho anak? Baka naman an─" hindi ko na pinatapos si itay sa pag sasalita at malakas na tumawa.

"Itay! HAHAHA marangal po ang trabaho ko okay, tsaka po isa akong baby sitter sa bunsong macdoni." Naka ngiti kong paliwanag dito at bakas sa mukha ni itay an pagka gulat, like duhh sino ba namang hindi magugulat do'n, isa lang namang baby sitter ang anak niya at sa pinaka kilala pang kapatid ng unang sikat at mayaman na bussiness man. Kaso nga lang kinakatakutan silang lahat, gwapo naman sila kaya ang iba ay nag kakandarapa sa mga ito kahit nga ang batang macdoni ay pinag kakaguluhan ng mga kababaihan. Tsk tsk.

"Gano'n ba anak? Mag iingat ka ha, alam mo naman ang mga macdoni." May pangambang turan nito kaya naman tumango ako.

"Opo naman itay, oh siya mabuti pa pong mag pahinga na kayo para makabawi kayo ng lakas dahil sa susunod na linggo na ang operasyon niyo." Nakangiti ko ditong turan.

"Oh siya sige, sundan mo si ate gia mo at si ino sa labas ha." Turan nito at humiga na, tinulungan ko naman itong ilagay ang comforter at pagkatapos no'n ay lumabas na ako para sundan sila ate gia at ino sa labas.

Lumabas kasi sila kanina dahil nagugutom na daw si ino kaya sabi ni ate gia bibili sila sa may mamihan sa baba ng hospital, ayaw kasi ni ino ng mga pag kain sa canteen ng hospital.

Sumakay ako sa elevator at sakto namang walang tao kaya pumasok na ako.

Nasa 5th floor ang room ni itay kaya kailangan munang mag elevator pababa bago ka makapunta sa 1st floor.

Maya maya ay huminto ang elevator sa 3rd floor at bumukas ito, pumasok naman ang lalaking naka itim ang lahat ng kasuotan at may face mask pa sa mukha.

Hindi ko na lamang ito pinansin, tingin ko ay sa 1st floor din ito.

Tahimik lang akong naka tayo ngunit ramdam ko ang pag tingin tingin sa akin ng lalaking naka itim, pero hindi ko ito pinansin.

Nang bumukas ang elevator ay ako ang naunang bumaba at dumeretso sa screen door ng hospital.

Bago ko pa hawakan ang door knob nito ay naunahan na ako ng lalaking nakasabay ko sa elevator at mabilisan itong lumakad palayo na parang nanginginig pa.

Hindi ko na lamang siya pinag tuunan ng pansin at lumapit sa mamihan, kitang kita kasi mula dito sa kinatatayuan ko ang mamihan at nakita ko pang kumakain sa isang lamesa si ate gia at ino kaya naman nag lakad na ako papunta sa pwesto nila.

"Kumakain kayo ng hindi ako niya-yaya ah." Sarkastiko kong turan sakanila ngunit pinalungkot ko ang aking boses para naman effective.

"Eh kasi ate! Nag uusap pa kayo ni itay eh." Naka ngusong ani ng kapatid ko at sumubo.

"Oo nga, siya nga pala bakit bumaba kana?" Tanong ni ate gia. Bago ko siya sagutin ay umupo muna ako sa harap nila.

"Sabi ko matulog na siya, kailangan niya rin kasing mag pahinga isa pa ang sabi raw niya sundan ko kayo." Paliwanag ko dito at inilibot ang tingin.

Maganda rito, para siyang hardin dahil sa mga halaman at mga bulaklak na nag ga-gandahan.

Napatigil naman ang pag ti-tingin ko sa paligid at parang naestatwa sa aking nasilayan sa may madilim na parte ng lugar.

H-ha? A-anong ginagawa niya rito?

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now