CHAPTER 47

28 0 0
                                    

AOIFE ZEIA DIAKOS POV:

𝘚𝘪𝘹 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘭𝘢𝘵𝘦𝘳...

“Buenas dias mama,” (good morning mama) napatingin ako sa magandang biyaya na nasa tabi ko, nakangiti ito at hawak ang lalayan ng damit ko kaya ngumiti ako rito at pinatay ang kalan.

Yumuko ako rito at hinalikan ang noo nito at ngumiti ng matamis.

“Good morning too, handsome.” nakangiti kong bati rito na kinahagikgik niya.

Sobrang pogi ng batang ito, siyam na buwan na nasa tiyan ko pero wala man lang nakuha sa akin kahit isa.

Kulay ash green ang mata nito, matangos ang ilong makakapal na kilay at mahahabang pilik-mata. Ang mga labi nitong manipis na sobrang pula. Isa lang ang masasabi ko, kamukhang kamukha niya ang tatay niya.

“Where’s Kratos, baby?” tanong ko rito na hinahanap ay ang kambal niya, kinarga ko ito at pinaupo sa may stool.

“I guess he’s still sleeping mommy.” sagot niya sa akin at hinalikan ako nito sa pisngi kaya tumawa ako ng mahina.

“Wait here baby, okay? I’m going to wake up Kratos,” paalam ko sakaniya na kinangiti niya sa akin kaya pinisil ko ang pisngi nito.

“Okay mommy!” magiliw na sagot niya na kinatawa ko. Napaka ligalig at masiyahin ng batang ’to.

“Good morning everyone!” magiliw na bati ni kuya Glen na kakapasok lang ng kusina kaya ngumiti ako rito.

“Good morning uncle!”

“Good morning kuya,”

Sabay na bati namin ni Khrysos dito.

“Kuya, paki bantay muna sandali si Khrysos dito, gigising ko lang si Kratos.” habilin ko sakaniya na kinatango niya.

Lumapit siya sa amin na agad namang hinalikan ni Khrysos. Lahat ka-close ni Khrysos, mabait at matalinong bata sobrang guwapo pa. Samantalang ang kuya niya Kratos, tahimik lang at masungit pero guwapo naman haha, palagay ko namana niya ang kasungitan at kalamigan ng tatay niya.

Bago ako lumabas ng kusina ay sinigurado kong hindi mahuhulog si Kratos sa kinau-upuan niya at hinalikan muli ito sa pisngi, nakikipag laro na ito kay kuya kaya hindi na niya napansin na hinalikan ko siya sa pisngi.

Naglakad na ako papunta sa taas para tawagin ang kambal niya.

Tama, kambal sila noong una hirap na hirap akong dalhin sila sa tiyan ko. Hindi naman gaanong malaki ang tiyan ko noon pero kambal pala ang nasa loob haha. Ang hirap kasi kapag sumipa ang isa maya maya non ay sisipa na naman ang isa haha.

Sa pag a-alaga naman sakanila pagkasilang ay nahirapan pa rin ako, mas lalo pang dumoble kasi ako lahat ang naglilinis, nagti-timpla ng gatas at nagpapaligo sakanila noon. Pagkalabas ko kasi ng hospital si mama ang unang umasikaso kasi baka raw mabinat ako. Pero noong isang linggo na ay ako na ang gumawa, ayaw ko rin namang iasa kay mama lahat, kaya natuto ako.

Sa lumipas na anim na taon hindi ako tumuntong ng Pilipinas, bukod sa hindi ako handa sa paghaharap namin ay hindi rin handa ang puso ko sa muli naming paghaharap. Hindi ko man aminin, alam ko na ang tinitibok pa rin ng puso ko ay iisa lang, hindi naman nag bago. Kahit ilang taon pa ang nag daan siya pa rin ang nasa puso’t isip ko, hindi naman nawala. Mas lalo pa ngang lumalala ang pagkahulog ko.

“Baby Kratos?” tawag ko rito, walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto kung saan ang kuwarto nilang dalawa ni Khrysos.

Nakahiga pa ito sa kama niya at mahimbing na natutulog, pinuntahan ko ito at pinagmasdan.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now