CHAPTER 26

41 0 0
                                    

AOIFE ZEIA DIAKOS POV:

FLASHBACK:

Pinakikiramdaman ko ang paligid ko at ramdam ko ang van na umaandar, mabilis ang andar nito kaya naman medyo nahihilo ako lalo na at wala pa akong kain, tapos napukpok pa ako ng bato sa ulo, malas talaga!

Ramdam ko na may mahigpit na bagay ang naka pulupot sa kamay ko kaya naman mahina ko itong ginalaw galaw habang naka pikit pa rin ang mga mata ko.

Lubid pala ang naka pulupot sa kamay ko, inadjust ko ang kamay ko sa pagkakapulupot, hindi ko man kita ngunit alam kong namumula na ito.

Kung sino man ang gàgóng may gawa nito i swear, mata lang niya walang latay, bwesit.

Nang mai-adjust ko na ang kamay ko sa lubid ay dahan dahan ko itong iniikot hanggang sa mahawakan ko ang ginawa nilang pang pulupot at marahan itong tinanggal.

“Pûtànginang mga ‘to, sino ba ‘yong mga humahabol sa atin? Pag babarilin niyo!” sigaw ng 'di pamilyar na boses, nag dri-drive siguro siya.

“Macdoni yata ‘yan boss!” sambit ng isa.

Ha? Macdoni? Ay baka si kaius.

“Mga Macdoni na naman?!” angil ng isa.

“Paputukan niyo!” utos ng isa na siya namang sinunod ng mga gunggong.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko kaya naman nakita kong busy sila sa pakikipag barilan, sinamantala ko naman ito para kunin ang isang baril na nakita kong nasa ilalim ng tuhod ng lalaking naka dapa sa katabi kong upuan at nakikipag barilan, naka gilid ang ulo nito sa bintana at nakikipag barilan, ganoon din ang iba.

Kinuha ko ang baril at pinukpok sa ulo ang isa samantalang binaril ko naman sa ulo ang driver, kitang kita ko kung paano pumutok ang ulo nito at lumabas ang mga laman.

Napa ngisi naman ako nang makitang naalarma ang iba at tinignan ako, babarilin pa lang sana ako ng mga ito ng sipain ko ang pinto at kaagad na tumalon.

Sa may mga batuhan ako gumulong gulong hanggang sa ilalim ng tulay.

Pusang gala! Nasa tulay pala kami?! Yung totoo saan ba ako gustong dalhin ng mga timawa na ‘to?!

Sumasakit pa nga yung ulo ko sa pag kakahampas ng bato sa ulo ko tapos ngayon gugulong naman yung katawan ko sa mga mababato!

Ay pîste! Oo nga pala, yung lalaking humampas ng ulo ko, mata niya lang ang walang latay! Kailangan kong makaganti sa timawang yon, buwesit.

Umupo ako at kaagad na hinawakan ang ulo ko ng biglaang kumirot ito, nanlalabo na ang mga mata ko pero kailangan ko talagang makaganti sa buwesit na yon!

Nakita kong ilang dangkal ang baril na hawak ko kanina, nang tumilapon ako ay nabitawan ko ‘yon.

Tumayo ako nang pagewang-gewang at inabot ang baril.

Sumulpot ako sa mga nag babarilan, medyo nagulat pa ako nang makitang andito silang lahat napatitig pa ako ng ilang segundo kay kaizer dahil sa galing nitong makipag barilan.

Kitang kita mo talaga sa mga galaw nito ang pagiging professional pag dating sa pag gamit ng mga baril.

Nang maka bawi ako ay umayos ako nang tayo at nakipag barilan na rin, lalong sumakit ang ulo ko at nanlalabo ang mga mata pero tuloy pa rin ako sa pag babaril, kahit lahat na mabaril ko basta maka bawi ako kung sino lang ang nag pukpok ng ulo ko.

Nang makita kong wala na ay bigla akong nahilo at nandilim ang paningin ko.

Rinig ko pang sumigaw si cazzie ngunit nawalan na ako ng malay.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now