CHAPTER 25

33 0 0
                                    

AOIFE ZEIA DIAKOS POV:

Sumasakit ang mga mata ko at hindi ko masiyadong maimulat, sumasabay pa ang sakit ng tiyan ko dahil sa gutom, geez! Bwesit na ‘yon kini-kidnap kidnap ako hindi man lang ako pinakain muna!

“Kailan ba siya magigising?”

“Sleeping beauty ang atake niya oh”

“Alam mo na ba kung sino ang may gawa nito?”

“Ate, gising na riyan hindi ka ba nagugutom?” biglang sambit ni ino at narinig ko namang nag tawanan silang lahat.

Hirap man ay sinubukan kong imulat ang mga mata ko at igalaw ang kamay ko.

Nang maimulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang kulay puting kisame. Dahan dahan kong nilibot ang aking mga tingin at nakitang naka upo silang lahat sa may sofa, ilang dangkal ang layo sa akin.

“Tubig.” mahinang sambit ko dahil sa pang hihina.

Ngunit tuloy pa rin sila sa pag tawa kaya pinilit ko na ang umupo at tignan sila.

“Pahingi ng tubig.” medyo malakas nang sambit ko, ngunit wala pa rin silang naririnig kaya medyp nainis na ako kasi ngs nauuhaw na ako!

“Sabi ko pahingi ng tubig! Dàmn it! Nang hihina na nga ‘yung tao oh.” malakas na hiyaw ko.

Bigla naman silang napatingin sa gawi ko at hindi naman sila mag kaumayaw na lumapit sa akin.

Napasalampak pa nga sa sahig si nyx dahil sa tinulak siya ni dravin, pero ang gunggong na si nyx hindi yata naramdaman dahil tumakbo lang papunta sa gawi ko.

“May masakit pa ba sayo?”

“Gutom ka ba?”

“Ayos ka pa ba?”

“Buti nagising ka pa”

Sunod sunod na tanong nila ngunit sabay sabay kaming napalingon kay ace nang sabihin niya na buti nagising pa raw ako!

Inirapan ko ito, sunod sunod naman na batok ang natamo nito sa mga kaibigan niya ngunit isang malakas na sapak ang dumapo sa mukha niya nang suntukin ito ni kaizer.

Nagsi hagalpakan naman sila ng tawa habang ako ay yamot lang na nakatingin sakanila.

Walang magawa si ace at naka nguso silang tinignan.

Binalingan naman ako ng tingin ni kaizer at nilapitan, bahagya niya pang tinulak si cazzie na ngayon ay naka upo sa tabi ko.

“Do you need anything?” tanong nito sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at binalingan ng tingin si kaius.

“Kai, pahingi po ng water.” malambing na sambit ko rito na siyang kinagulakinagulat ng lahat lalong lalo na si kaius na ngayon ay naka tulala sa akin.

Ramdam ko naman ang pag sama ng tingin at pag dilim ng awara ni kaizer pero hindi ko ito pinansin.

Kumunot ang noo ko ng hindi pa ako bini-bigyan ni kaius ng tubig kaya pinilit kong tumayo.

“Oh oh ‘wag tatayo baka mahilo ka!” sigaw ni cazzie at hinawakan ako sa braso.

“Kumuha kana ng tubig kaius!” sigaw ni druv.

Dali dali namang kumuha si kaius ng tubig sa may mini ref at kaagad na binuksan ang takip bago nanginginig na ibigay sa akin ang tubig.

Narinig ko naman na kanina pa tumatawa si ino at halos hindi na yata makahinga ang kapatid ko.

Kung titignan naman kasi ay matatawa talaga kayo, para akong bata na mawawala sakanila pag gumalaw ako.

Tulad ngayon, naka hawak pa rin si cazzie sa braso ko habang umiinom tapos yung mga lalaki nakapalibot sa akin.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now