CHAPTER 19

52 2 0
                                    

Hingal na hingal ako nang maka rating ako sa dining hall, andoon na sila lang at nag tataka akong tinignan.

”Where’s my brother?” naka ngising tanong sa akin ni kaius.

Ang iba naman ay nag tataka lang na nakatingin sa akin kaya nakampante ako, akala ko sinabi ni kaius sakanila.

”P-papunta na rin siya.” utal utal na sagot ko.

”Okay, tara kain na tayo.” sagot ni cazzie kaya naman nag simula na kaming kumain.

”Hindi ako kakain dito, may importante kasi akong pupuntahan.” sulpoot nito at paalam ni kaizer kay cazzie.

”Anong importante naman ’yan?” naka taas kilay na tanong ni cazzie.

”Tsk.” saad lang nito at umalis na.

Hindi ko nalang ito pinansin at kumain nalang.

PAGKATAPOS naming kumain ay ako na ang nag hugas ng plato at tinulungan naman ako ni cazzie.

”Ahm, caz can i ask something?” tanong ko sakaniya nang may maalala.

Pinupunasan ko na ang mga plato at nilalagay sa lalagyan.

”Sure, ano ’yon?” Naka ngiti nitong tanong.

”Bakit noong muntikan nang mawala si nanay luz ay ayaw ipadala ni kaizer at ni kaius sa hospital si nanay luz?” takhang tanong ko at sinilip pa ang mukha nito dahil natigilan siya ng mga ilang minuto.

”Caz?” agaw pansin ko rito, nabalik ito sa ulirat at tumingin sa akin.

”A-ah sorry, what is it again?” tanong nito.

”Bakit kako ayaw ipadala nila kaizer at kaius si nanay luz noong gabi na muntikan nang mawalan na ng buhay si nanay luz.” Tanong ko sakaniya at nilagay ang mga plato sa lalagyan.

”Mangako kang saatin lang ito.” seryosong saad nito kaya naman ngumiti ako ng tipic at ngumiti, napahinga naman ito ng malalim bago nag salita.

”Because, they have a trauma, hindi sila pumupunta sa hospital dahil na-aalala nila ang mga nangyari kila mom and dad noon.” Saad nito na siyang ikinatigil ko sa pag punas ng plato.

”Why? What happened?” litong tanong ko rito.

”Naaksidente sila mom and dad noon, at sinadya iyon, mabuti na lamang at hindi kami kasama noong nangyari ang aksidente, nasa mansion kami noon nila kaizer, kaius at kiel.”
Kuwento nito.

”Nang malaman naming naaksidente sila kaagad kaming nagpadala sa hospital ng saint santiago public hospital, at oo sa public lang sila dinala dahil kahit public iyon ay punong puno ng mga kagamitan at kumpleto dahil ang may-ari ng hospital ay ang mommy nila kaizer.” dugtong pa nito na siyang kinagulat ko, sakanila pala ang hospital na kung saan kasalukuyang o-operahan si itay.

Napatango tango nalang ako at maliit na ngumiti.

”Thank you for telling me, and sorry.” naka ngiti kong sabi rito.

Ngumisi naman ito sa akin.

”Wala ’yon, para na rin alam ng future sister in-law ko kung bakit ayaw pumunta ng bebe niya sa hospital.” naka ngisi pa nitong pang aasar kaya naman tumawa nalang ako at tinuloy nalang ang pag a-ayos ng plato na huli ko nang pinu-punasan.

So hindi pala talaga si kaizer ’yung nakita ko sa hospital noon, baka talagang namamalik-mata ako.

”Hey ladies, nag a-aya si kiel na pumunta raw sa mall, tara.” sulpot ni druv.

Nag punas naman ng kamay si caz bago niya sagutin si druv.

”Sure, tara aoife bihis na tayo.” pag sang ayon niya kay druv at bigla nalang akong hinila.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now