CHAPTER 17

54 3 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa mansion ni cazzie, kung saan ako dinala noon ni kaius para may gamutin ako noon.

Inaayos ko na ang gamit ko sa walk in closet  kung saan ang kuwartong tutulugan ko.

Dito pala mag kakasamang naka tira sila cazzie.

Siya nga pala, si nanay luz ay ayos na magigising na rin siya niyan, kailangan niya lang ng konting pahinga.

Bukas na ang operasyon ni itay kaya naman nag pa-alam ako tsaka isa pa alam naman nilang hindi pa ako mag u-umpisa na mag trabaho sakanila.

Tinutupi ko na ang pang huling damit ko ng biglang may kumatok kaay dali-dali kong inayos ang damit na hawak ko bago pumunta sa kuwarto.

Pag bukas ko ng pinto ay ang naka ngiting mukha ni nyx ang bumungad sa akin.

“Hey, maya-maya raw ay kakain na tayo.” Naka ngiting saad nito, tumango lang ako rito at tipid na ngumiti.

“Ah gano’n ba? Ligo lang ako sandali tayo baba na ako.” Nakangiti kong turan.

“sige”

Nang masarado ko na ang pinto ay pumasok ako ulit sa walk in closet ko at kumuha ng masusuot na damit.

Isang maong shorts lang at over-sized t-shirt na kulay black ang kinuha ko.

Pag labas ko ng walk in closet ay pinatong ko ito sa kama, malaki ang kamang ito sigurp mga queen size, then malambot din.

Kulay puti ang kobre kama nito pati ang pundang unan, tapos sa tabi ng kama ay may maliit na lamesa kung saan nakapatong ang lampshade at may drawer din dito na dalawa.

Sa kabilang bahagi naman ay may study table, sa harapan ng kama ay ang pa L-shape na couch.

Kaharap naman ng walk in closet ko ang bathroom kaya naman pumasok na ako rito.

Tumambad sa akin ang kulay dirty white na tiles at ang malaking bathtub, may nakasabit namang isang full length mirror sa gilid ng pinto.

Sa may gilid naman ay may kurtina na kulay white pero at medyo blurred ang makikita sa loob, andoon ang inidoro.

Sa pinaka gitna naman ay andoon ang bathtub at ang shower may mga drawer din sa taas nito, ito yata ang mga lagayan ng mga sabon.

Sa gilid nito ay ang kulay blue na bathrobe.

Sumampa ako sa bathtub at nag umpisa na itong lagyan ng maligamgam na tubig at ng sabon.

Hindi ko alam ang tawag sa sabon na ito pero may naka drawing na kulay pink at strawberry.

Napataas ako ng sulok ng labi, wow, y
yayamanin ang atake nila ah, ako nga noon silka papaya lang ang gamit kong sabon.

What if maging endorser ako ng silka papaya na sabon? Kasi diba alam niyo na yung mga mayayaman hindi alam ang silka papaya eme haha.

Baka pàlayasin ako ni cazzie rito sa mansion niya edi nawalan ako ng trabaho! Kaloka.

Napailing iling na lang ako at biglang napa-isip, what if maging endorser nalang talaga ako?

Feel ko mas maganda 'yon tsaka mas kikita ako, joke hahaha tama na nga.

Pinag patuloy ko ang pag liligo at nang matapos ay tumayo na ako at inabot ang bathrobe.

Lumabas na ako ng bathroom at nag bihis na kaagad, baka kanina pa nila ako hinihintay.

Pag baba ko sa kuwarto ay dumiretso ako sa living room, lahat sila ay naroon maging si sir kaizer, kaius at si kiel.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now