CHAPTER 22

68 2 0
                                    

“Ano bang problema mo sir kaizer? Aalis na nga kami oh, may kailangan ka pa ba?” inis na tanong ko rito.

“'Wag mo'kong sinasagot ng inis ang tono Ms. Diakos, ako ang nag papasahod sa'yo kaya wala kang karapatang pag ganiyanan ako.” malamig na turan nito na nakapag patulos sa akin.

Oh haha, oo nga naman aoife siya ang nag papasahod sayo at boss mo pa rin siya kahit na hinalikan ka niya ng dalawang beses, ’wag kang assuming.

Tahimik lang naman ang mga kaibigan nito at nakikiramdam

Ngumiti ako rito at tumango.

“Oo nga pala, i'm sorry sir, but please excuse us. ” naka ngiti kong saad dito at hinaklit na si kaius.

Tahimik lang kami ni kaius na pumunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan nito.

Walang umiimik sa amin hanggang sa i-start na nito ang makina ng sasakyan.

Tumingin nalang ako sa bintana at pinipilit na ’wag alalahanin ang sinabi ni kaizer.

Ang feelingera mo kasi aoife haha.

“Hey, ako na ang hihingi ng sorry sa mga sinabi ni kuya sayo kanina.” malumanay na pag hingi ng paumanhin sa akin ni kaius.

Nilingon ko siya at maliit na nginitian.

“It's okay, wala kang kasalanan tsaka isa pa tama naman siya.” naka ngiti kong saad.

“Siya ang nag papasahod sa akin, kapatid ka niya at kaibigan niya rin ang mga nasa mansion ni caz, dapat sir at ma'am ang tawag ko sainyo at hindi kayo dapat kinakausap na parang mga kaibigan ko, dahil ang role ko lang naman sainyo ay maging doctor niyo.” mahaba kong dugtong  na ikinagulat ni kaius.

“'Wag naman, hindi mo naman kami kailangang tawaging sir 'no, si kuya kaizer lang naman ang boss mo.” umiiling iling na ani nito at halata ang pagka ayaw sa gusto ko.

Ngumiti lang ako sakaniya at hindi na nag salita.

Hindi rin naman na ito nag salita na siyang ikinasalamat ko.

Maya maya pa ay naka rating na rin kami sa hospital, nauna itong bumaba at pinag buksan ako ng pinto.

Maliit ko itong nginitian.

“Thank you.” saad ko rito.

Maputla naman itong ngumiti na ipinag taka ko.

“Hey, are you okay?” nag a-alalang tanong ko rito.

Tinanguan naman ako nito ngunit hindi ako kumbinsido.

“Hali kana, pasok na tayo.” yaya nito, ngunit bigla akong natigilan ng may maalala.

May trauma nga pala sila ni kaizer sa mga hospital, pero bakit ako nito sasamahan?

“Stay here, kaya ko namang pumasok sa loob umuwi ka nalang, salamat sa pag hatid. ” turan ko.

Ngunit hindi ako nito pinakinggan.

“I'll wait you here, dito lang ako sa loob mg sasakyan.” nang hihinang saad nito.

Agad naman akong naalarma at hinawakan siya sa kamay, namamawis siya kaya naman inakay ko ito papasok sa sasakyan.

“Hali ka muna, pumasok ka sa loob ng kotse.” saad ko rito habang ang kamay niya ay inakbay ko sa balikat ko, pinulupot naman nito ang kaniyang kamay sa bewang ko.

Binuksan ko ang pintuan sa driver seat at pinaupo ito ng maayos.

Kinuha ko naman ang tissue sa dashboard at marahang inangat ang baba ni kaius na ngayon ay naka yuko.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now