CHAPTER 21

47 2 0
                                    

Hanggang sa makarating kami sa mansion ni caz ay tahimik pa rin ako.

Pag baba namin sa sasakyan ay kaagad akong pumasok sa kuwarto na tinu-tuluyan ko at kaagad na humilata sa kama.

Hindi ka puwedeng mag kagusto sakaniya aoife, remember trabaho ang pinunta mo rito at hindi si kaizer.

’wag kang nag papadala sa mga salita at mga pinapakita niya, para sakaniya wala lang ’yon, hindi ka rin niya magugustuhan dahil wala pa sa kalahati ng ganda mo ’yung mga babaeng nag kakagusto sakaniya.

Pang ga-gaslight ko sa sarili ko at inis na bumangon.

Yeah tama.

Pumasok nalang ako sa bathroom at kaagad na binuksan ang maligamgam na tubig at nilagyan ng sabon ang bathtub.

Pagkatapos ko itong lagyan ng sabon ay kaagad akong nag hubad at lumusong sa tubig.

Napreskuhan ang buong katawan at isipan ko kaya naman medyo dinalaw ako ng antok pero hindi pa rin ako tumayo.

Tumulala pa ako ng mga ilang minuto bago napagpasiyahan na umalis na sa bathtub.

Nag banlaw ako ng katawan at kinuha ang bathrobe habang ang tuwalya naman ay naka pulupot sa buhok ko.

Pumunta ako sa walk in closet at kumuha nalang ng isang Oversized t-shirt at isang short na maong. Sa loob na rin ako nag bihis.

Nasa ulo ko pa rin ang tuwalya, dinala ko naman sa loob ng bathroom ang bathrobe ko at sinabit sa lagayan nito.

Hindi na ako kakain, feel ko busog ako kahit hindi pa'ko kumakain, nawalan ako ng gana.

Kaya naman naisipan ko nalang na matulog nalang tutal alas sais na rin naman alam kong masiyadong maaga, pero okay na rin 'to para maaga akong makapunta sa hospital bukas, bukas na kasi ang operasyon ni itay.

Tinatamad na akong bumaba kaya naisipan kong i-chat nalang si kaius sa messenger at ipa-alam a matutulog nalang ako at hindi na kakain.

Kinuha ko ang phone ko na nasa table at binuksan ang Facebook lite.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad kaagad sa akin ang nakalagay na 15+ na friend request at 15+ na notifications at messages.

Sunod sunod itong nag pop-up sa cellphone ko kaya naman nag dnd ako.

Pinindot ko ang message button at hinanap ang account ni kaius.

Aoife Diakos: kai, matutulog na ako agad.

Chat ko rito, at laking gulat ko nalang ng bigla itong mag reply.

Aba ang bilis ah.

Kaius Macdoni: oh ba’t mo pa ako ina-update sa pag tulog mo?

Nakakunot noo ako ng mabasa ang chat nito, bàliw talaga.

Aoife Diakos: hindi na’ko bababa para kumain.

Sagot ko nalang dito at hindi na pinatulan ang kagàgahan niya, wala akong sa mood at inaantok din.

In-off ko na 'yung data ko at pinatay na ang cellphone, humiga ako agad ng hindi na tinatanggal ang tuwalya na nasa ulo ko.

Pagkapikit ko ay ilang minuto lang yata ay nakatulog ako.

THIRD PERSON POV:

Sa mansion ni cazzie ay naroon sa baba ang mga magkakaibigan, samantalang ang batang macdoni naman ay nasa kuwarto na nito at natutulog.

Maging ang babaeng doctor ay nasa kuwarto rrin nito.

Ang mga katulong ang nag luluto habang naka kumpol na naka upo ang mag kakaibigan.

Doctor For Mafia BossWhere stories live. Discover now