Walang katapusang iyak at pighati ang aking naririnig at nararamdaman habang nakaupo sa isang mahabang upuan dito sa loob ng hospital.Kahit wala naman talaga akong naririnig na ganun.Slash guni-guni ko lang talaga.Kasi wala naman.
Kaharap ko ang isang chapel na kay linis at payapa kapag walang tao.
Napabuntong-hininga ako.
Ano pa bang ginagawa ko sa lugar na ito?Gusto ko nang mawala,gusto ko nang maglaho...Hindi ko na kaya ang sakit.Palagi nalang akong nasasaktan at wala na yata akong pahinga dahil sa mga gamot na pinapasok nila sa katawan ko gamit ang matutulis na syringe na iyon.
"Ma'am Mira nandito lang pala kayo,kanina pa po namin kayo hinahanap."
Nag-aalalang sabi ng tagabantay ko dito sa hospital.Napapikit ako dahil sa inis.
"Makailang ulit ko bang sasabihin na huwag mo na kong hanapin kapag naglalaho ako,babalik naman ako agad sa room ko eh."
Magsasalita pa sana ito nang inunahan ko na.
"Siya sige babalik na ako doon."
Naiirita kong sabi.Saka naman umalis si Manong.Ano ba naman ang gagawin ko doon sa room?Makikipagtitigan sa ding- ding?Tsk,ako na yata ang isa sa mga minalas na pasyente sa hospital na ito dahil wala man lang may dumadalaw sa akin ni-isa.Tanging ang mga bodyguards lang na inutusan ng Tito ko ang kasama ko dito para bantayan ako.
Pero talaga bang nagbabantay sila sa akin?Eh wala naman silang ginawa kundi ang hanapin lang ako kapag wala ako doon sa room.Ang sipag naman nila.Note the sarcasm.
Dahan-dahan akong naglalakad pabalik habang hawak ang isang hugis parihabang steel kung saan nakasabit ang dextrose.At nakasuot pa rin ako ng hospital dress ngayon,kaya parang akong tangang uugod-ugod na naglalakad sa hallway na walang katao-tao.Ewan kung anong meron ngayon dito sa hospital tuwing sasapit ang hapon at sobrang tahimik.Napapaisip tuloy ako kung minumulto din ba ang hospital na ito.
Speaking of multo,bigla na lamang akong napahinto dahil parang may dumaan sa gilid ko at halos mabunggo nito ang balikat ko.Pero parang hangin lang ito kaya napalingon ako at hinanap ang salarin.
Ngunit...wala man lang akong nakitang dumadaan or naglalakad pagkaharap ko.Hindi ako natatakot sa multo pero napaka-weird lang.
"Kung nagmumulto kayo wag niyo kong banggain,sa pader kayo makipagbungguan wag lang sakin."
Kasi badtrip ako,kaya wag niyo kong badtrip-in ng sagad.
Dugtong ko pa sa isipan.Muli akong naglakad at hindi pinansin ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha.Talagang malamig dito,hallway to eh.Napapaligiran din ng malalaking puno ang lugar kaya napakapresko.Minsan creepy tingnan at nakakakilabot sa feeling pero parang nagugustuhan ko nalang,kasi mas gusto ko nang ganito katahimik kaysa sa napakaingay na paligid.
Akmang aayusin ko lang sana ang pagkakatali ko sa buhok nang mapatingin ako sa isa sa mga nagpapatindig ng balahibo ko,ang malaking puno ng balete na kay gandang tingnan sa umaga kapag nasisikatan ng araw ngunit nakakatakot kapag gumagabi na.
Isa ito sa mga puno na madaming decorations at anik-anik sa katawan nito.Iyon bang mga baging na parang kurtina kung tingnan.Na kapag humangin ng malakas eh parang nagsasayawan sila.
Napangiti nalang ako at nailing,nahawaan na ata ako ng pagkabaliw dahil lang sa nag-iisa ako dito.Palagi nalang akong nangingiti sa tuwing tinititigan ko ang punong iyon.
Iyon bang hinahatak ako papalapit doon pero kinukontra naman ako ng isipan ko dahil baka maengkanto pa ako nang wala sa oras.
Edi walang Almira Sandoval na ma-di-discharge sa hospital na ito.Kasalanan ko pa kung hindi ako gumaling,papagalitan na naman ako ng masungit kong Tito.
Pangalawang buntong-hininga.
"Sana matapos na 'tong problema ko."
Bulong ko sa hangin.Bigla nalang humangin ng banayad at parang isang kamay ang siyang dumampi sa pisngi ko nang marahan.Kino-comfort mo ba ako hangin?
Napaismid ako,nababaliw na talaga ako.
Mahal ko,malapit na.
Ha?Tila parang may bumulong sa tenga ko.Napahinto ako sa paglalakad.
Wala namang tao dito.Sinong bubulong sa'kin ng ganun? Imposible ring multo iyon,dahil hindi naman nanindig ang mga balahibo ko.
"Weird."
Naiiling na muli akong naglakad pabalik sa room ko.
***Disclaimer
This is a work of fiction.
Names,places, characters or events are fictitious. Any resemblances to real person,living or dead, is purely coincidental.All rights reserved.No part of this may be reproduced,distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission to the author.
This story is unedited.I'm not good at english either deep Tagalog and I'm not excellent at organizing sentences properly so expect the typographical and grammatical errors.By any means if you're looking for a perfect story,don't continue reading this.
Plagiarism is a crime.
All rights reserved
Copyright©2024
A/N: Maligayang pagdating sa aking mundo.Panibagong istorya na naman.Sana'y magustuhan niyo.
Salamat sa pagbabasa!Don't forget to vote, comment and share this story.-LVSTHANE
🌿
YOU ARE READING
Maharani
FantasyMaharani means queen and Almira Sandoval is the one Maximus' been talking about to be the right woman or the right queen for the throne.Simpleng babae,inosente at bukod sa lahat maganda.Una niya itong nasilayan sa isang ospital kung saan siya namama...