Kabanata 4

30 3 0
                                    

Mira

Huminga ako ng malalim nang nasa loob na ako ng building.Hindi na ako night shift,from 4 pm ng hapon nandito na ako at hanggang 9 lang ako ng gabi.Medyo umikli ang oras ng trabaho ko pero at least makakapagtrabaho pa naman.

Nakipagkilala ako sa tatlong nurse na nandito sa nurse station.Ang jolly nila dito,halatang parang walang problema sa buhay ah.Dalawang palapag lang ang meron sa building na ito.Hindi naman kasi masyadong marami ang naco-confine na pasyenteng may mental illness dito eh.Sadyang may kamahalan din ang bayad dito sa hospital kaya din siguro kaunti lamang ang pasyente.

Maya-maya pa'y nag-round na ako para magbigay ng gamot sa kada room.Pero dito lang sa first floor,meron naman kasing mga nurse din doon sa second floor.Maayos ko namang naibigay ang mga gamot.Sadyang sa una talaga medyo kinabahan ako.

Iyong pangatlong nabigyan ko kasi ng gamot,gising siya tapos kung makatingin sa'kin ang wagas.Ang creepy nga eh,ngumiti pa sa'kin nang nakakakilabot.Tig-iisa lang din ang pasyente sa kada kwarto,ewan mostly sa kanila walang bantay habang yung iba meron.Kaya iyon ang nakakatakot dahil baka bigla nalang akong sugurin ng ibang pasyente dito.Sakmalin ako edi katapusan ko na.Kaya kailangan kong mag-ingat.

Lumiko ako at dumiretso sa pinaka-last na room.Medyo may kadiliman dahil mukhang sira na iyong ilaw.Pawala-wala kasi,iyong patay-sindi ba.Binuksan ko nalang iyong pinto ng pang-last na pasyente.

Kadiliman ang bumungad sa'kin.Pero dahil bukas ang bintana dito sa loob may kaunting liwanag naman na galing sa labas.Kaharap nito ay yung puno ng balete.Kinapa ko ang switch ng ilaw at biglang lumiwanag.Napahawak na lamang ako bigla sa dibdib dahil sa takot.

Nakatingin sa'kin iyong pasyente na parang kanina pa niya ako hinihintay dito.Pero muli itong lumingon sa bintana habang nakaupo.

"M-Magbibigay lang p-po ako ng gamot."Nauutal kong sabi habang papalapit dito.

Isang babae na mukhang mas matanda pa sakin ang narito.Wala siyang kasama,tapos mukhang puyat pa ito dahil sa eyebags na nakikita ko sa ilalim ng mga mata niya.Nakatanggap ako ng tango sa pasyente kaya nakahinga ako ng maluwag.

Habang inaasikaso ko ang gamot ay di ko naman napigilan na kausapin siya.Kawawa naman kasi eh parang wala man lang siyang kausap dito.

"Nasaan po iyong nagbabantay sa iyo?Para naman po may kasama kayo dito at may makausap kayo."

Napansin ko ang malalim na pagbuga nito ng hininga at sumandal sa headboard.

"May kasama naman ako dito.Palagi ko silang nakakausap."Mahinhin nitong sabi at bakas sa boses niya ang kasiyahan.

"K-Kung ganun po,nasaan po sila?"

"Nasa paligid lamang."I frozed after I heard her answer.

She's joking right?Oh nga pala,may mental illness ang mga pasyente dito.Di nako magtataka, talagang minsan kinakausap nila mga sarili nila.

Pinilit kong ngumiti kahit medyo ninenerbiyos na din.Inayos ko nalang iyong mga gamit dahil tapos na din naman akong magbigay ng gamot.Umupo ako sa upuang malapit sa bedside table tsaka nakatingin na rin sa labas ng bintana since kanina pa siya dito nakamasid.

"Bakit nandirito ka pa?Baka ika'y maabutan ng pinuno nila.Umalis ka na dito."

Aww pinapaalis agad ako?

"Pasensiya na po,bagong transfer na nurse lang kasi ako dito.Nakakaawa naman po kasi kayo dahil wala kayong kasama."Wala naman itong sinabi pa kaya tumayo nalang ako at kinuha ang mga gamit sa table."Oh siya po,aalis na ako."

Hahawakan ko na sana ang doorknob nang bumukas ito at may pumasok na tatlong kalalakihan,nanindig naman ang mga balahibo ko sa batok.Nakaitim silang lahat habang may hawak na suitcase.Naka-formal attire din.Lilingon pa sana ako pero hindi ko nagawa at lumabas na lamang doon.

Ang weird ng feeling nung dumaan sila sa gilid ko.Ang bigat kasi ng awra na nilalabas nila na parang di sila ordinaryong tao.Baka mayaman iyong babaeng pasyente,since naka-suitcase iyong mga dumating.Baka nga iyon ang sinasabi niyang mga kasama.

Umalis nalang ako doon at saka bumalik sa nurse station.Magpapahinga nalang muna ako saglit.

Sumapit ang alas otso ng gabi at inaasikaso ko na ang mga gamit ko para sa pag-uwi mamaya.By 9,uuwi na ako tapos na ang shift ko.Yun na lamang ang hinihintay ko.Napatingin ako sa harapan nang parang may dumaan.Mag-isa lang ako dito kaya napatayo ako at tiningnan ang hallway habang nandito ako sa loob.

Lumabas ako ng nurse station at sinuri ang paligid.Katahimikan... nang biglang may batang humagikhik sa kaliwang banda ko kaya agad akong napatingin doon.

"Sino ang nandiyan?!"

Wala namang sumagot.Kaya naglakad ako papunta doon.Pagliko ko sa kabila,may bata akong nakita na tumatakbo paliko ulit sa kaliwang daan.

Anong ginagawa ng batang iyon dis oras ng gabi?Hindi na dapat siya naglalaro pa?Kaninong anak naman kaya iyon at bakit pinapabayaan lang basta-basta?

Kunot noo kong sinundan ang daan na tinahak ng bata.Muli,nang makaliko ako ay bigla akong napaigtad.

"Bulaga!"Bungad sa'kin ng bata habang tumatalon at tinatawanan ako.

Hayst...grabe,nagulat ako doon ah.Hinihimas ko naman ang dibdib ko dahil sa kaba.

"Ano ka bang bata ka?Ba't ka ba nanggugulat at gabi na ah,bakit nasa labas ka pa rin?"

Nag-pout iyong bata kaya hinawakan ko ito sa kamay saka kami naupo sa bench.

Sobrang putla nito,ilang bleaching soap kaya pinahid sa batang 'to para pumuti ng lalo?Cute naman siya pati sa suot niyang white dress kaso buhaghag na iyong buhok niya na parang hindi sinuklay.

"Nasaan ba mga magulang mo bebe?"Sabi ko dito habang inaayos ang buhok nitong magulo.

"Nandiyan lang sila ate.Gusto mo sumama?Puntahan natin sila."

Sinuri ko muna ito dahil nawe-weirduhan ako sa kinikilos niya.Napaka-jolly niyang bata.Pinakiramdaman ko sarili ko kung tututol ba ako.Pero wala naman akong naramdaman,tanging malamig lang nitong kamay na hanggang ngayon nakakapit pa rin sa kamay ko.Pinisil ko ng mahina iyong pisngi niya na ikinangiwi naman nito.

"Oh ayan,maayos na itsura mo.Tara na,nasaan kasi parents mo eh?"

"Si Mommy nasa isang room nagpapahinga,si Dada naman binabantayan niya si Mommy.Nandoon sila sa last room dali."Sagot niya habang hinihila ako.

Last room?Iyon ba yung room na pinuntahan ko kanina?Dito kasi yung daan nun eh.Kinutuban naman ako ng bahagya.Pero binalewala ko na lamang iyon at nagpatangay sa kasama ko.

***

🌿

Psst...🙂

Maharani Where stories live. Discover now