Kabanata 3

28 3 0
                                    

Mira

Kinabukasan,maaga akong pumasok sa ospital.7 pm palang nandito na ako.Gusto niyang hindi ako late kaya mas mabuting mauna na.Nagulat pa ang mga kasamahan kong nurse nang pumasok ako kaagad sa nurse station.

"Oh Almira,ang aga mo yata?Wala pang 9 pm nandito ka na ahh."Bungad sa'kin ni Vinice.Mukhang okay na siya,bumalik na kasi ang sigla niya ngayon.

Pilit akong ngumiti dito.

"Kailangan kong maging maaga,mags-survey daw ang head chief."

Napa-ohh naman itong limang nurse na nandito.Mamaya pa ang uwi nila mga 9,magpapalit na kasi ng shift.

"Naku hija,ang tagal mong dumito kagabi tapos ang aga mong pumasok.Mamaya pa namang alas otso ang survey,huwag mo namang abusuhin ang sarili mo."Sabi ni Ate Doris,isa na din sa mga matagal na ditong nagtatrabaho.

Magsasalita na sana ako nang pumasok si Alice,iyong close friend ni Tito Jace.She's a doctor at ang office niya ay nandito sa loob ng nurse station,may connecting door kasi papunta doon.

"Hindi iyan maka-hindi.Tito ba naman ang head chief,malamang sa malamang nautusan na iyan ni Sir Jace."Ani pa nito kaya bigla silang natahimik.

Mataray si Alice pero mabait naman siya,sadiyang mapranka lang talaga ang doktora.

"Magpahinga ka muna sa office ko Almira,mamaya pa naman ang survey.Huwag ka munang mag-isip ng kung ano,gigisingin nalang kita kapag call time na."Napatango nalang ako.

Hindi din naman ako maka-hindi sa kaniya.Parang ate na rin ang turing ko kay Alice eh.Napatingin naman ang mga kasama ko dito matapos pumasok ni Alice sa office niya.

"Sundin mo nalang si Doktora,mas makabubuti iyon sa'yo."

"Salamat Vinice.Sige magpapahinga muna ako."

--

Nandito kaming mga naatasan na sumama sa survey sa corridor ng ospital.Nasa unahan si Tito habang kaming anim na nurse ay nasa likuran ng mga doctors na kilala na dito sa ospital,iyong mga datihan.Kasama na doon si Alice.

Wala pa namang ginagawa,sadiyang sinusuri lang ng head chief ang mga ward,rooms maging ang mga offices dito sa loob.Nagtatanong din naman siya sa mga kasama niya kung anong mga updates at iba pa.

Hay,why am I doing here anyway?

Display lang yata kaming mga nurse sa likuran.Nababagot na ako.Nakikipag-usap ako sa sarili ko nang bigla nalang akong nagulat dahil sa batang babaeng sumulpot sa tagiliran ko.

"H-Hi."Nahihiya kong bati sa bata na nakatingin lang sa'kin tapos bigla nalang tumakbo.

Anyare doon?Natakot kaya sakin yung bata?Ewan.

Sumunod na ako sa mga kasamahan kong nauuna na pala sa akin.Muli kong nilingon ang likuran ko kung nandoon pa ba yung bata and to my surprise nandoon ito sa may pader habang nakasilip sa'kin.Tipid akong napangiti dito at muli akong naglakad.

Ang weird naman nun.Wala pa namang katao-tao dito minsan tapos bigla nalang susulpot yung batang iyon.

Matapos ang survey ay pinatawag ako ni Tito Jace sa office niya.Pagpasok ko naroon siya sa upuan niya habang nakatingin sa binabasa nitong papeles.Naka-formal attire ito,suot ang salamin niya at nang mapansin ako'y tumayo ito.

"Sit down first."

Sinunod ko siya habang may kinukuha ito sa isa sa mga drawers malapit sa mesa nito.

Nang makuha na niya ang isang bagay ay umupo ulit siya at inilahad sa'kin ang isang envelope.

"What's this?"Mahinahon kong tanong habang nakatingin sa brown envelope.

"Tingnan mo ang laman."

Saglit akong napatingin sa kaniya at muling itinuon ang atensiyon sa hawak ko saka ito binuksan.

Binasa ko ang nakasulat sa papel at kunot noo siyang tiningnan.

"Really?Ililipat mo ko?"

He just stared at me coldly.Bago nagsalita.

"Yes,sa kabilang building.Tatlong nurse lang ang naroroon sa first floor kaya dapat na may madagdag na isa.Mas makabubuti iyon sa'yo since mukhang pagod ka na dito,I can see it."

Hindi naman siguro siya nag-aalala sa'kin sa lagay na'yan ano?Ganun pa rin ang ekspresiyon niya.Pilit kong hinahanap kung meron bang proof na makapagsasabi na ang caring ng Tito ko ngayon.But to my avail,wala.He just stare at me blankly,without any expression.

"Kaunti lang ang pasyente doon,Mira."

"Dahil ibang kaso ang meron doon Tito.Nakakatakot pero I'll accept it."

Umayos naman siya sa pagkakaupo.

"Puyat ka man dito sa Medicine Ward,doon makakapagpahinga ka.I'm still your uncle tho.Of course I have to take care of you.Tsaka those patients in that building are special to me.Ikaw ang kinuha ko dahil may tiwala ako sayo."He said sincerely.

Tito ko pa ba ito?Hindi naman siya ganiyan dati ah.Nakalanghap ata ito ng mabahong kemikal.Mas mabuti pa iyong dati,ngayon parang kinikilabutan na ako.Iba kasi pakiramdam ko sa alok niya eh.Pero I have to accept it.

"Okay,pero bakit?I mean... Tito,those patients have something different from the patients here.Iyon ang nakakatakot,dahil hindi ako sanay."Pagpalatak ko.

He just lean on his sit saka ako sinagot.

"Kagaya ng ginagawa mo dito,ganoon din ang gagawin mo doon.Ang kaibahan nga lang, high dosage na gamot ang ibibigay mo sa kanila to cure their illness.'Cause in their cases,they are different."

"Cause they have mental issues."Sabi ko kaagad matapos niyang magsalita.

He deeply sighed.May problema ba siyang kinakaharap kaya ako na naman ang kinakausap niya ngayon sa ganitong paraan?Or something else?

"I hope magawa mo ang trabaho mo.Maaari ka nang umalis."

Agad na akong tumalikod habang tinatabingi ang ulo.He's acting weird lately.I know naman na yung mga patients doon ay may kakaibang sakit.This is an all around hospital anyway.Pero ang mailipat sa building na iyon,medyo kinikilabutan ako.Nakapunta na ako doon once,nang minsan akong maatasan na ihatid ang iilang gamot sa mga nakabantay na nurse.Ang creepy ng awra pero okay naman ang mga pasyente,sadiyang napakatahimik nga lang... mas tahimik pa dito sa amin.

Umuwi ako kinagabihan sa unit ko,as in gabing-gabi,I'm so tired!Nakapagpaalam na rin ako sa mga kasamahan kong nurse especially kay Alice.She just say 'goodluck'.Hayst,start na ang duty ko sa building na iyon tomorrow.

Malapit pa naman doon ang malaking puno ng balete.Pero bakit ko naman alalahanin ang punong iyon?Tss,I shrugged.

***

🌿

Pls,vote and comment!🙂

Maharani Where stories live. Discover now