Kabanata 25

30 3 0
                                    

Third Person's POV

Habang nasa puntod at nag-iisa ang dalagang si Almira,ito namang si Maximus ay di mapakali sa kaniyang kinatatayuan.Gusto niyang samahan ang dalaga doon pero mukhang gusto nitong mapag-isa.Kaya wala siyang nagawa kundi ang maghintay.

"Nakakabagot,gusto ko na siyang makita."Aniya habang pinaglalaruan ang mga damo sa paanan.Nang mawala ang Lola ni Almira ay nawala na sa isipan ng dalaga si Maximus para bang nakalimutan na siya nito.Sa sobra kasing busy ng dalaga ay pati siya kahit nag-aanyong aso hindi na nito naaasikaso.Kaya may tampo siya dito ng kunti.

Pero agad na nawawala kapag nakikita si Almira.Pagdating ni Maximus sa hardin ay nagtaka siya dahil wala na doon ang dalaga.He felt uneasy and nervous.Parang may mali.Kaya sinuyod niya ang paligid at bahagyang napamura dahil sa nakita.

"Mga bakas ito ng ibang nilalang sa gubat.Kinuha nila si Almira!Mga hayop!"Nagagalit niyang sambit habang mariing nakatingin sa lupa.

Maximus summoned the air to trace where Almira is.At hindi nga siya nagkamali,papuntang kagubatan ang ibinigay na bakas ng hangin sa kaniya.Parang isang linya ng usok na patungo doon na agad niyang sinundan kung saan paroroon.Hindi na siya mapakali.

Hindi maaaring makuha ng mga iyon si Almira.Magkamatayan na at huwag lang ang babaeng mahal niya.

Papatayin ko na talaga ang diwata'ng iyon kapag may ginawa siya kay Almira.Litanya niya sa isipan.

Wala naman kasing gagawa ng ganun kay Almira kundi ang babaeng yun lang.Naalala niya ang katigasan ng ulo nito.Ito lang naman ang may ganang gawin iyon sapagkat halos sambahin na siya nito.

Talagang gagawin niya ang gusto para lamang mapansin ko siya ha.

Sadyang hindi na niya matitiis kapag nagpakita pa itong muli,talagang tutuluyan na niya.Bahala na ang kasunduan ng bawat kaharian basta maging ligtas lang si Almira!

Nang makarating sa lugar na kinaroroonan ay agad siyang lumapit nang madatnang nasasaktan sa hawak ng dalawang lalaki si Almira.Napatiim bagang siya sa nakita.

Mga lapastangan!

"Nahuli na ba ako ng dating?"Aniya na ikinalingon ng lahat.

"Maximus."May kaginhawaan na sambit ni Almira habang nakatingin sa kaniya.

Napairap naman ang diwata sa nasaksikan."Sabi ko na eh, dadating ang tagapagligtas."Bulong nito at agad na napangisi."Tila kay ganda ng panahon ngayon!Nais mo bang makita ang gusto kong gawin sa babaeng ito,mahal na hari?"May pang-aasar na dagdag pa nito habang papalapit sa kinaroroonan ni Almira.

"Subukan mong saktan si Almira at hindi ako magkakamaling patayin ka ng tuluyan."Banta ni Maximus.Natatawa lamang siyang tiningnan ng diwata at hindi man lang sineryoso ang sinabi niya.Nagtitimpi lamang siya dito dahil tinatantiya niya kung paano ito gigilitan ng leeg in a smooth way.

Nagpupumiglas naman sa hawak ng mga lalaki si Almira at pilit na kumakawala pero nabibigo siya dahil sa higpit ng kapit ng mga ito.Nasasaktan na siya at kulang nalang talaga eh taliin siya ng mga ito na dapat gagawin na pero dumating si Maximus.Wala siyang nagawa kundi ang huminto dahil napapagod na rin siya.

Akmang hahakbang na sana si Maximus nang ilabas ng diwata ang isang punyal at itinutok ito sa leeg ni Almira na siyang ikinagulat ng dalaga at ikinagalit pang lalo ng binata.Halos lumuwa na ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang paghapdi ng kaniyang leeg na sanhi ng pagdaplis ng bagay na iyon dito.Mukhang dumugo nang magkaroon ng sugat.Naikuyom na lamang ni Maximus ang mga kamao dahil sa galit.

How dare she do that to her!I swear kapag isang maling galaw niya lang tutuluyan ko na 'to.Uunahin ko muna ang dalawang taong gubat at isusunod ko talaga siya! Nangangalaiti niyang sabi sa isipan.

"Isang maling galaw mo lamang at buhay ng babaeng 'to ang mawawala."Sabi pa nito.

"Pakawalan mo si Almira.Huwag mo siyang isali sa kalokohan mo!Ako lang naman ang kailangan mo kaya ako ang harapin mo hindi iyong nandadamay ka ng kung sino para takutin ako.Pinapakita mo lang ang iyong kaduwagan,diwata."Pang-aasar niya dito.Alam naman niyang siya ang pakay nito at ginagamit lamang si Almira para guluhin ang sistema niya.At hindi nga ito nagkamali,ginulo nga ang sistema niya pero sinagad naman,lumagpas pa.Sagarang galit ang nararamdaman niya ngayon dahil pati si Almira dinadamay nito.

Kung gusto nito ng kaguluhan harapin niya kamo siya para makita niya kung sino ang kinakalaban niya.Hindi siya kagaya ng ibang engkanto na kapag digmaan ang usapan nais ng kapayapaan.Siya kasi pag digmaan ang hanap nila edi ibigay,sino ba siya para humindi.Isa siyang itim na engkanto,mas demonyo pa siya sa demonyo.Wala siyang pasensiya pero dahil hawak nito ang alas niya,wala siyang magagawa kundi humanap muna ng tiyempo.

Naiinis man sa sinabi ni Maximus ay tumugon bigla ang diwata."Papakawalan ko lamang ang babaeng ito sa isang kondisyon."Taas noo nitong sabi na ikinataas ng kaniyang kilay.Naguguluhan namang tiningnan ni Almira ang diwata.

Ano na naman kaya ang kondisyon na iyon?Maximus don't get fooled!Diwata iyan,tuso!Wag kang papadala! Sigaw niya sa isipan kahit hindi man siya naririnig ng binata.

"Ano naman iyon?" Nakataas ang kilay na tugon ni Maximus.Kung gusto nitong makipaglaro sa apoy,dadalhan pa niya ito ng pampasiklab.Sinasagad na nito ang kaniyang pasensiya!

Ngumisi ang diwata dahil mukhang nagugustuhan na niya ang pagtugon ng hari."Gawin mo akong reyna ng iyong kaharian,kapalit ng buhay ng babaeng ito.Hahayaan ko na siya at hindi na ako mangingialam pa sa kaniyang buhay."

At talagang naisip pa niyang maging reyna ng kaharian ko?Sino siya para aking tanggapin?She's just a nobody whose trying to enter my life.Freaking sake mas lamang pa si Almira sa kaniya! Sa isip-isip ni Maximus.

And wow!Talagang nam-blackmail pa ang walang hiya! Asik naman ni Almira sa isipan.

Pilyong napangisi ang binata at nagsabing... "Wala ka sa kalingkingan ng aking magiging reyna.Dahil kahit kailan,hindi ako magpapaloko sa mga katulad mong diwata.Lowclass."

Nang makita niya ang galit sa mukha nito ay sinimulan na niyang umatras na ikinataka ni Almira.

At iiwan pa ako ng walang hiyang 'to?! Hiyaw niya pa sa isipan.Ngunit nagkamali siya dahil bigla na lamang naglaho ito na parang si Flash at humandusay ang dalawang dambuhalang lalaki sa kaniyang tabi na wala nang ulo kaya siya napasigaw.

At bigla siyang nagulat nang ginawa siyang hostage ng diwata kaya hindi siya nakagalaw.

"Sadyang tuso rin ang haring iyon.Pero mamamatay ka muna bago pa niya ako maunahan!"Ani nito malapit sa taenga niya.

"Walang hiya ka bitiwan mo kong bruha ka!"

Hinawakan siya muli nang mahigpit ng diwata dahil sa paglitaw ni Maximus sa harapan nila.Ipinulupot ng diwata ang isang kamay nito sa kaniyang leeg at itinutok ang hawak na punyal sa kaniya.

Walang emosyon sa mukha na nagbagong anyo si Maximus sa kanilang harapan.Hinding-hindi na niya papalampasin ang ginagawang ito ng diwata.Nakapagdesisyon na siya.

"Mamatay ka na."Mahinang sambit ni Maximus.

"Maximus!"Sigaw ni Almira nang muling nawala ang lalaki at sa higpit ng pagkakapit sa kaniya ng diwata ay napapikit siya.Naramdaman niya na lamang ang isang matinis na sigaw sa kaniyang likuran.

"H-hindi..."Nanghihinang sabi ng diwata at humandusay sa lupa.

Napamulat naman ng mga mata si Almira at napatingin sa likuran.Halos maduwal siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nasaksihan.Butas-butas ang katawan nito na nakaratay sa lupa,madaming dugo sa paligid at parang nasusunog ang balat nito.

Hindi naman niya napigilang masuka dahil hindi niya nakayanang tingnan ang kalagayan ng diwata.Mahina siya pagdating sa ganoon,nandidiri siya kapag nakakakita siya nito.Tila walang humpay naman yata ang kaba niya dahil doon.Ano kayang ginawa ni Maximus at ganoon na lamang ang kaniyang nadatnan?

***

ITUTULOY...

🌿



Maharani Where stories live. Discover now