Kabanata 8

28 3 0
                                    

Mira

Kinabukasan,maaga akong nagising dahil may emergency call akong natanggap.Tito Jace just called.Si Lola Daisy daw nasa malubhang kalagayan ngayon.Alam ko namang ayaw sa'kin ni Lola,oo nasasaktan ako dahil dun.Pero hindi ko din naman maiwasang mag-alala dahil Lola ko din naman siya.

Walang mag-aalaga kay Lola doon sa probinsiya dahil nandito kami ni Tito sa Maynila.Pagkakaalam ko naman nung nagpunta ako doon may kasama siya,iyong caretaker ng bahay ni Lola tsaka ang mga anak nito.Pero sabi ni Tito kailangan din ni Lola ng nurse.Since isa akong nurse ako nalang ang kinuha niya.Busy si Tito pero sisigurudahin niyang makakabisita siya doon sa province pag may time siya.Kaya ito ako ngayon bumibiyahe at naka-leave sa trabaho.

Kami nalang din ang maaasahan ni Lola kaya hindi na ako humindi.Nakasalalay ang buhay ng Lola ko dito kahit ayaw pa niya sa'kin pagsisilbihan ko pa rin siya.Napabuntong-hininga ako at naidlip muna since nasa barko na ako.

Pagdilat ko,gabi na.Nagugutom na rin ako kaya lumabas ako ng room at pumunta sa restaurant na naririto sa loob ng barko.Kaunti lamang siguro ang mga pasaherong sumakay ngayon sa barko kaya halos bilang ko lang sa daliri ang kumakain dito.

Matapos kong kumain ay nagpahangin muna ako.I was busy looking at the stars in the sky when I felt like someone is staring at me.Luminga naman ako sa paligid,pero wala akong makitang tao.Ito na naman iyong feeling na guni-guni.Palagi nalang.Kaya binalewala ko na lamang ang pakiramdam na iyon.

Nandito na ako sa labas ng bahay ni Lola.Nakatingala ako habang pinagmamasdan ito.Hindi ko alam pero kinakabahan ako,dahil baka pagalitan lang ako ni Lola kapag nakita niya ako.Baka kasi bulyawan niya ako kagaya nung dati.

Dala-dala ang mga gamit ay pumasok na ako sa gate at huminga ng malalim.

"Kaya ko 'to."Pagbibigay ko ng lakas sa sarili.

Kung noong sabado ng gabi may ngiti ako at halos di makatulog sa kilig.Ngayon nama'y nakadilat na kinakabahan dahil sa magiging reaksiyon ng Lola ko.Mixed emotions ika nga nila.

Isang matandang babae ang tumulong sa'kin na buhatin ang mga dala kong gamit.Base sa itsura niya mukhang pagod ito.Siguro siya ang nagbantay kay Lola buong gabi.Ngunit nung pumasok na kami sa loob eh may tatlong tao pala ang naroroon.O sabihin na nating may isang teenager at dalawang lalaking may edad na.Base din sa istura nila mukhang galing sila sa bukid at napadaan lamang dito.

Ngumiti ako sa kanila nang lumingon sila sa'kin.

"Magandang umaga po."

"Ay magandang umaga din hija.Ang dali mong makarating,akala namin kinabukasan ka pa dadating eh.Ako si Mang Tasyo,isa sa mga magsasaka ng bukid ng Lola mo."Pagpapakilala nito na ikinatango ko.Nagmano na rin ako sa kanila bilang respeto.

"Aba'y kay gandang bata nga naman.Pagpalain ka ng Diyos hija.Tawagin mo na lamang akong Tiyo Kiko.Isa din ako sa mga magsasaka ng bukid ng iyong Lola."Sabi nung isa pa.

"Ay naku hija,halika muna't maupo.Patrick ikuha mo nga ng makakain si Ma'am Almira ay."Dali-daling utos ni Aling Nina sa anak nito kaya inunahan ko na.

"Ay wag na po,tapos na po akong kumain.Dumaan pa po kasi ako sa isang kainan eh,busog pa po ako."

Pansin kong nakangiting nakatingin silang lahat sa akin na para bang ngayon lang sila nakakita ng dyosa.Char.

"Nasaan nga po pala ang Lola?"Tanong ko sa mga ito.

Si Aling Nina naman ang sumagot."Nasa taas hija nagpapahinga.Gusto mo bang puntahan ang Lola mo?"

"Opo gusto ko po siyang makita."

"Ay halika at nang masilayan mo ang iyong Lola."

Sinamahan ako ni Aling Nina sa taas.May limang kwarto dito sa second floor.Nasa unahan naman ang kwarto ni Lola kaya malapit lamang iyon sa hagdanan.Kahit may kalumaan na ang bahay ni Lola ay hindi pa rin naman nawawala ang kagandahan nito.Ganitong bahay ang gustong-gusto ni Mommy.Favorite niya kasi ang mga ancestral houses.Kaya noong nabubuhay pa sila,pinatibay nila ang pundasyon ng bahay na ito.Kaya mas lalong tumingkad sa ganda kahit may kalumaan na.

"Nakakapagsalita pa naman ang Lola Daisy mo,pero hindi na niya kayang igalaw ang kaniyang katawan.Nung nakaraan nga pala hija..."huminto muna ito bago binuksan ang pinto ng kwarto ni Lola."Hinahanap ka niya."

Nakaramdam naman ako ng kasiyahan dahil sa katagalan ng panahon,hinahanap din pala ako ng Lola ko.Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil doon.

May ngiti sa aking mga labi na pumasok sa loob.Nakahiga si Lola sa kama niya at may kumot hanggang sa tiyan nito.May dextrose na din na nakalagay sa gilid.Habang bukas naman ang malaking bintana na nagbubuga ng preskong hangin dito sa loob.Maaliwalas ang kabuuan ng kwarto kaya mas lalo akong napangiti.

"Matapos niyang ma-discharge ay minabuti ng Tito niyo Ma'am na dito na lamang ipagpatuloy ang pagpapagamot ng Lola niyo.Kaya inasikaso agad namin siya at mabuti naman po ang response ni Inay Dada."

Inay Dada...iyan ang tawag nila dito kay Lola.Sapagkat pagkakaalam ko eh naging pangalawang magulang na si Lola ng mga trabahador nila sa bukid.Nagsilbing Nanay si Lola sa kanila,mabait si Lola alam ko iyon.Sadiyang nagbago lang ang pakikitungo niya sa'kin noon,nang mawala si Daddy at si Mommy.Panganay na anak si Papa at very close sila ni Lola.Kaya ganun na lamang ang pagkadismaya ni Lola noong naaksidente ang isa niyang anak nang dahil sa akin.

Yes until now it's my fault.Kasalanan ko kung bakit sila nadisgraya at nawala ng maaga.Dahil iyon sa katigasan ng ulo ko.

"Salamat po Aling Nina at hindi niyo pinabayaan ang Lola.Huwag po kayong mahiyang humingi ng tulong sa'kin kapag nagkataon.Pamilya na po ang turing sa inyo ni Lola eh."

Aling Nina pat may shoulder gently."Naku wala iyon hija.Kayo ang dapat naming tulungan dahil kayo na lamang ng Tito mo ang nandiyan para sa Lola mo.Tsaka maraming nagmamahal kay Inay Dada kaya wag kang mag-alala,maaasahan mo kami."

"Maraming salamat po talaga sa inyo."

"Naku..ay oo nga pala,maiwan muna kita dito hija.Magluluto na muna ako ng makakain natin mamaya.Ipapaakyat ko na lamang kay Patrick ang mga gamit mo dito sa taas,saan nga pala iyon ilalagay hija?"

"Ahh sa dulong kwarto po sana kung pwede?"

"Sige hija.Dito din naman matutulog ang mga anak ko mamaya para may kasama tayo."

Sumilay ang ngiti sa'king mga labi.Tamang-tama iyon,nang may makausap naman ako dito.

Nang makalabas si Aling Nina ay pinagmasdan ko si Lola.

"Huwag kang mag-alala La,aalagaan ko po kayo."

***

🌿

:)Nakakapagod pero tuloy pa rin sa pagsusulat! God bless pips.

Maharani Where stories live. Discover now