Kabanata 19

23 3 0
                                    

Mira

"Teka Tito!Saan ba tayo pupunta ha?!"Sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak ni Tito Jace.Kanina niya pa ako kinakaladkad papalabas ng building at patungo kami ngayon sa parking area.

Matapos iyong pag-uusap namin ay napansin kong naging balisa siya.Parang natatakot sa kung ano man ang naiisip nito.

"Kailangan nating lumayo dito.Alam na ata ng nilalang na iyon ang lahat."

"Ano ba ang kinakatakot mo Tito?!Bakit hindi mo nalang sila harapin at humingi ng tawad?!"

Nakakaimbiyerna na ito.Mababaliw na ata ako sa ginagawa ng Tito ko.Ito na nga bang sinasabi ko eh.Tama lang na naghanda ako dahil ito pala ang matinding surpresa niya sa'kin.Natatakot siyang harapin si Arden ang asawa ni Ma'am Catalena.Sino bang hindi matatakot eh sa engkanto ang mga iyon.Makapangyarihan sila kesa sa amin.

"Hindi iyon madali,Almira!Nitong mga nakaraang araw ay para na akong baliw dahil nararamdaman kong may sumusunod sa bawat galaw ko.Parang hinihintay lang nila akong patayin!"Iwinaksi ko ang aking braso sa hawak niya at nagtagumpay naman ako.Hinarap ko si Tito nang huminto kami sa harap ng kaniyang sasakyan.

"Tito please,makinig ka naman sakin kahit ngayon lang oh!Itong problemang pinasok mo ay napakalaki,kaya sana ayusin mo muna ang sarili mo at mag-isip ng matino dahil hindi mo matatakasan ang bagay na ito.Kaduwagan iyon,humarap ka nalang sa kanila,please.Alam ko namang mabait si Arden,maging si Zoe napakabait na batang iyon.Humingi ka lang ng tawad,maaayos din ang lahat."Pagpapaliwanag ko dito.

Tumawa ito ng mapakla."Arden?At kilala mo pa talaga ang engkantong iyon?"Umiling ito at muling nagsalita."Almira,delikado ang makihalubilo sa katulad nila.Magkaiba ang mundo natin sa mundo ng mga engkanto.At hindi ako naniniwalang basta-basta nalang nila akong patatawarin.Alam mo bang namatay ang mommy ni Catalena after we did that to her?Sa isang aksidente?It's not,kasi hindi iyon aksidente,it's obvious na may gumawa ng krimen na iyon sa Mom niya."

Sumasakit na ang ulo ko.Gulong-gulo na ang isipan ko.Hindi ko na alam ang sasabihin.Parang lahat na yata ng bato na galing sa langit bumagsak na sakin.Huminga ako ng malalim saka mahinahong nagsalita.

"Tito,kilala ko ang tinutukoy mo.Minsan ko na silang nakausap,ang asawa ni Ma'am Catalena na si Arden at ang anak nitong si Zoe,wala akong nakikitang may masama silang mithiin.They are pure,mabuti."

Pagkukumbinsi ko sa kaniya.Kasi totoo naman eh.Kung masama silang nilalang edi sana pati ako ngayon wala na.Eh bakit hanggang ngayon ako at siya buhay pa?Diba dapat damay na ako sa problema niya?

"Asawa ha."

"What?Don't tell me may gusto ka sa bestfriend mo kaya hindi mo man lang kayang harapin ang problemang 'to?"

"Oo! Gustong-gusto ko siya Almira noon pa!"Natahimik ako."I love her,kaya ko ginawa ang bagay na iyon dahil para sa ikabubuti niya.Ngunit,nagkamali lamang ako,dahil iyon pala ang magiging dahilan nang paglayo niya sa'kin.She despise me.She hates me...and I hate myself because it's too late.Na-Nagawa ko na."

Tuluyan na akong napako sa aking kinatatayuan.He loves her but he still choose to did the wrong thing.Napailing ako.Hindi ito dapat nangyari.Maaaring galit nga si Ma'am Catalena maging si Arden.Huli na nga ba ang lahat?Bakit kapag nagmamahal palaging may masamang kapalit?Bakit hindi nalang hinayaan ni Tito ang lahat?Diba dapat kapag nagmamahal gagawin mo ang lahat para maging masaya ang taong mahal mo?

"Tito why?"Tanging nasabi ko na lamang.Dahil wala na akong makapang-salita,hindi ko na alam ang gagawin.

"Inako ko ang lahat ng gastusin ni Catalena dito sa Hospital.She's depressed, she's not mentally able na dahil sa nangyari at kasalanan ko iyon.She even attempted to kill herself pero mabuti nalang at naagapan namin siya kaagad."Mahinahon nitong paliwanag kaya nakinig na lamang ako.Naiiyak naman akong napaiwas ng tingin at napatingala sa kalangitan."Hanggang sa dumating ang Tita niya,iyong matandang babae sa loob isa siyang manggagamot sa kanilang lugar.Isa akong alagad ng siyensiya pero binalewala ko muna iyon para sa kaligtasan ni Catalena,inutos ko sa Tita niya na gawan ng paraan para hindi na gambalain ng nilalang na iyon si Catalena.Then gumawa siya ng ritual,it's effective.At hindi na nga sila muling nagparamdam pa."

So iyon pala ang dahilan kung bakit hindi na nakakabisita ang mag-ama.Kagagawan niya pala iyon.

"Gumagawa ka lang ng hakbang na maaaring maghatid sa iyo sa kapahamakan Tito.Inilalayo mo siya sa pamilya niya."

"Nandito ang pamilya niya sa mundo natin,hindi ang mga nilalang na iyon."Matigas nitong sabi saka muli akong hinawakan sa braso.

"Teka Tito ano ba nasasaktan ako!"

"Hindi siya sasama sa iyo."Isang baritonong boses ang nagsalita na ikinahinto naming dalawa.Lumingon ako at nakita ko sa di kalayuan namin si Maximus kasama na si Arden,Ma'am Catalena,Zoe at maging si Signus.Walang mababakas na emosyon sa mukha ni Maximus na tumingin sa kamay ni Tito kaya agad ko iyong tinanggal.

"No Almira come here."Aniya at muli sana akong hahawakan nang nasa harapan na namin si Maximus at sinalo ang kamay ni Tito.

"Hindi mo na kailangang itakas ang iyong sarili at isama si Almira."Pansin ko ang pag-atras ni Tito at pinakawalan naman ni Maximus ang kamay nito.

Agad niya akong tinabihan at pinalayo kay Tito.

"Humingi ka na lamang ng tawad sa pamilyang iyong sinira.Nasa harapan mo na sila ngayon.Naghihintay ng iyong kasagutan,Ginoo."Mautoridad niyang dagdag.

Ngayon ko lamang napansin na umiiyak na pala ako dahil sa nakikita.At agad na napagtanto na patay na nga talaga si Zoe.Napakagat-labi na lamang ako,kaya pala ang lamig ng mga kamay nito nung una ko siyang hawakan at napakaputla pa.Pinagmasdan ko sila,hindi sila ordinaryong nilalang.Pati itong kasama ko,isa siyang engkanto.

"I-I'm sorry Catalena.I'm sorry."Tuluyan nang nasabi ni Tito ang mga salitang iyon habang nakaluhod na umiiyak.

Napatingin naman ako sa mag-asawa na mariin lamang na nakatingin kay Tito.Mababakas sa mukha ni Ma'am Catalena ang disappointment habang galit naman kay Arden.Nahabag ako sa dinanas nila,kung siguro'y hindi namatay si Zoe eh maayos kaya ang naging takbo ng buhay nila?Pero sa nakikita ko,hindi na normal ang lahat.Parang may mali na.

"Sa ngayon Jace, pasensiya na but I can't accept your sorry."Mapait na sabi ni Ma'am Catalena sa bawat salita nitong binibigkas."We lost our angel and you didn't even try to hear me that day!Hahayaan kitang mabuhay dahil hindi ako mamamatay tao,pero ito lamang ang tatandaan mo mula ngayon... I don't consider you as a friend anymore.The day you did that, you're no longer the bestfriend I've known."

Napayuko na lamang ako dahil sa labis na lungkot.Ang mga narinig kong iyon,tila parang dinudurog naman ang puso ng Tito ko habang nakatingala sa kanila.He looks so lost.

"Pero paparusahan muna kita."Napaangat ako ng tingin kay Arden nang magsalita ito.Pati si Maximus ay naguguluhan sa sinabi ng kaibigan."Since ikaw ang head chief ng hospital,you will be the one to suffer all of the patients struggles.Mawawala lamang ito...kapag naka-move on ka na sa asawa ko,tandaan mo iyan!"

Kasabay ng huling salita nito ang pagkawala ng malay ni Tito.

"Tito Jace!"Nasambit ko na lamang at agad itong nilapitan.Inalog-alog ko siya pero parang tulog lang ito,humihinga pa naman siya.He's not dead yet,thank goodness!Akala ko kung ano nang nangyari.

Akala ko may masamang nangyari na sa kaniya.Hindi siya pwedeng mamatay.Siya na lamang ang natitirang anak ni Lola.Ayokong pati siya mawala,sila na lamang din ang meron ako.

Dahil sa labis na pag-iisip ay nakaramdam ako ng hilo.My head hurts feels like my world is spinning.Huli kong narinig na may tumawag sa pangalan ko,hanggang sa lumabo na ng tuluyan ang paningin ko.

"Almira!"

***

ITUTULOY...

🌿

Maharani Where stories live. Discover now