Kabanata 16

33 3 0
                                    

Mira

Madaling araw pa lang ay nagtungo na ako sa daungan ng barko na may kalayuan sa baranggay nila Lola.Kaunti lamang ang dinala ko dahil alam kong babalik din naman agad ako dito at hindi magtatagal doon sa Maynila.Kilala ko si Tito Jace,mabilis magbago ang isip ng isang iyon.Kaya ngayon palang kikilos na ako.

Baka kasi kung ano na palang nangyari doon kaya pinatawag na agad ako.May kutob talaga akong may pinoproblema si Tito eh,hindi ko lang alam kung ano iyon.

Iniwan ko ang aso kina Lola dahil bawal talaga sa biyahe ang aso at wala pa akong permit para dalhin siya doon sa Maynila.Gusto ko mang isama ang alaga ko pero hindi talaga pwede.Ngayon nga nangungulila na ako eh.Nakaka-miss din pala iyong sa isang iglap lang kailangan mo na naman ulit na bumalik sa dati.Kahit ilang araw lamang ang pag-stay ko doon kina Lola,talagang na-fe-feel ko na ang pangungulila.Iba talaga kapag may tirahan na uuwian.

Noon ko pa talaga ito nararamdaman,sa tuwing aalis ako feeling ko palaging may nakatingin sakin.Para bang binabantayan ako mula sa malayo pero wala naman akong nakikita.Ang weird sa feeling pero hindi naman ako natatakot.Kaya pinabayaan ko nalang.

"Isang kape po."Sabi ko sa tinderang nandito sa loob ng barko sabay abot ng bayad.Nagsalin agad ito ng kape sa coffee maker tsaka inilahad sa'kin ang mainit-init pang kape.

"Here po ma'am,thank you."

"Salamat din."Nakangiti kong tugon dito at umalis na doon sa counter.

Lumiko ako para magtungo sa deck ng barko.Magpapahangin lang sana.Inihipan ko ang kape at uminom ng kunti.Ang lamig naman kasi eh.Kakabiyahe palang ng barko at dahil normal days ngayon kaunti lamang ang mga pasahero kagaya noong una kong pag-alis.

Habang nagmumuni-muni ay bigla kong nasamid ang iniinom na kape dahil parang may pamilyar na tao akong nakitang dumaan sa kabilang deck.

"Te-teka... parang kilala ko iyon ah."Nasambit ko na lamang.

Naghanap ako ng mapapatungan nitong kape at mayroong isang bench sa gilid kaya doon ko inilagay muna ang cup saka tinakbo ang kinaroroonan ng lalaki.

Dito iyon dumaan kanina.Nakaitim ito at matangkad.Pamilyar talaga ang lalaking iyon sa'kin eh.Nagpalinga-linga ako habang hinahanap pa rin ang taong iyon.Ngunit bigo akong matagpuan siya.Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Baka ibang tao naman iyon."Napailing nalang ako dahil nagmukha pa akong tanga dito kakahabol.

Wala naman pala akong mapapala.Ayan kasi eh,maling akala.Hayst,kasalanan ko ba?Bumalik nalang ako sa silid na aking inuukupa.Mas mabuti pang itulog ko nalang ito.Baka paggising ko pa nasa Maynila na ako.Tama,dapat hindi ako mapagod baka surpresahin pa ako ni Tito ng sandamakmak na problema doon tapos di ako nakapaghanda.Sasakit na naman ang ulo ko.Tsk,makatulog na nga.

Gabi na nang maulinagan kong nag-iingay na ang mga pasahero.Mukhang dadaong na ang barko sa pantalan.Kaya hinanda ko na ang mga gamit ko para lumabas.Wala naman akong ginawa sa barko kundi kumain at tumunganga lang,kaya siguro hindi ko na napansin ang oras at nandito na kami.Ang smooth lang ng biyahe.

May bumangga sa likuran ko kaya agad akong napatabi dahil may dadaan pala.Hindi ko naman nakita iyong nakabanggaan ko kaya naglakad na lamang ako papalapit sa mga taong nagkukumpulan malapit sa pintuan ng barko.

Bigla namang nagkaroon ng kumosyon sa bandang unahan ko kaya napaatras ako ng kunti.At sa hindi sadyang pangyayari ay may kung sinong kamay ang humawak sa aking braso para alalayan ako.Napatingala naman ako para tingnan ang nasa likuran ko at nagulat ako nang makita ko doon si Maximus na mariing nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"Bulong ko.

Is this a coincident na nandito din siya sa loob ng barko?Saan naman kaya ito galing?Teka,nakakagulo ng isip.Diba bound from Santa Clara to Matnog lang ito?So ibig sabihin,parehas kami ng lugar na pinuntahan?!!

"Ang dami mong iniisip.Lakad na,Almira."Mahinahon nitong sabi saka ako tinulak ng mahina para lumakad na.

Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon.Siya naman nasa tabi ko at nakahawak pa rin ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang braso ko.Para akong batang hinahawakan dahil baka mawala na ako ng tuluyan dahil sa pagkapraning.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami sa pantalan.Nakaitim na naman ito.Salubong ang may kakapalan nitong kilay at nakanguso pa na parang naiinip.

"So anong ginagawa mo sa Samar?"Pag-uumpisa ko ng usapan.

"Business meeting."Tipid nitong sagot sa tanong ko.

Eh?May business meeting siya sa Samar?Sabagay may mayayamang business man naman doon.Baka nga iyon pa ang ginugugol nito buong araw.Mukha kasi siyang pagod at puyat.Ay may problema din siguro ang taong 'to.

Humarap siya sa'kin na parang inaanalisa ako.At kumunot ang kaniyang noo na nakatingin sa dibdib ko.Napaiwas ito ng tingin at hinubad ang suot na jacket.

"Bakit ba ganiyan ang kasuotan mo?"Aniya habang isinusuot sakin ang jacket para matakpan ang dibdib ko.

Nahiya naman ako dahil naka-fitted sando lang ako at maong na pants.Kita pa naman cleavage ko dahil sa suot.Ngayon naamoy ko na ang pabango niya sa jacket na suot ko.Hinila niya ang zipper sa harapan ko pataas at matapos ay muling nagsalita.

"You better hide that.Baka bastusin ka na naman."Aniya na ikinakunot ng noo ko.Mabastos?Paanong?Nahinto lang ako nang muli siyang nagsalita."Sumabay ka na sa'kin.Susunduin naman ako ni Signus."Aniya tsaka tiningnan ang relong pambisig.

"Eh wag na mag-co-commute na lang ako.Nakakaabala sa'yo mukha ka pa namang susugod sa giyera."Pambibiro ko dito para naman umiba yung atmosphere.Ang seryoso niya kasi.

"Nandito na si Signus,right on time.Dali na sumabay ka na."

"Ha?"Hindi man lang ako nakapagsalita nang hatakin na niya ako at lumapit sa isang mamahaling sasakyan na nakaparada na sa labasan.

Ang yaman naman ng lalaking ito.Talagang may tagasundo pa ah.Pagkakaalam ko kasi magkaibigan sila nitong Signus tsaka iyong daddy ni Zoe.

"Teka lang."Sabi ko kaya napahinto siya nang akmang bubuksan na ang pintuan ng backseat.Humarap siya sa akin nang nakapameywang.Napaka-bossy naman ng lalaking ito pero infairness gwapo pa rin.

"Pasok na Almira kung wala ka namang sasabihin."Aniya saka ako hinila at dahan-dahang pinauna sa loob.

Nagtaka naman ako nang pagpasok ko eh may harang iyong sa driver's seat na mismong nasa harapan ko kaya hindi ko makita kung sino ang nagda-drive.Pumasok na rin siya matapos niyang umikot kanina sa likod para ilagay ang dala kong bagahe.Teka ngayon ko lang din napansin na wala siyang dala kanina.Kahit isang bag lang wala akong nakita.Talaga bang bumiyahe pa siya nang walang dala?Iba talaga kapag bigatin.

Dahil wala na ang suot niyang jacket kaya kita ko ngayon ang bumabakat niyang muscles sa suot niyang white t-shirt.Napalunok ako.Bakit parang umiinit yata.Kuya driver yung aircon pakibukas.

Nasa awkward state kami ngayon at wala niisa man lang sa amin ang nagsasalita.Siya itong kanina ko pa napapansin na nakatingin sa'kin habang ako naman nasa labas ng bintana lang ang tingin.Narinig ko ang malalim nitong paghinga at nagulat ako nang basta na lamang nitong isinandal ang ulo sa aking balikat.Bahagyang napaawang ang aking mga labi.

"Pagod ako,pwede ba munang magpahinga?Hmm..."Bulong niya sa akin.Damn,ang sexy nun.At natuod sa kinauupuan nang ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang saka ako inilapit sa kaniya.

Napatango na lamang ako dahil wala akong masabi.Lord salamat sa biyaya.Kahapon lamang eh iniisip ko ang lalaking ito.Ngayon ibinigay niyo kaagad,I'm gonna savour this moment Lord.Ipaubaya niyo na po siya sa'kin.

Dahil pagod rin ako sa biyahe ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

ITUTULOY...

🌿

Maharani Where stories live. Discover now