Mira
Napatingin ako sa repleksiyon ko sa cellphone.Nakakunot na naman ang noo ko at bahagya pang nagtagpo ang dalawang kilay dahil sa sobrang pagod.
Isa akong nurse sa isang ospital na minsan na rin akong naging pasyente.Yes,what a coincident.Dito pa talaga.Hindi naman siguro sinasadya ng Tito ko na dito ako ilagay ano?Napaismid ako,oo nga pala wala akong kontrol sa sarili kong buhay.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at sinuot ang surgical mask dahil magra-round ako ngayon.Oh well,night shift tayo.Dahil parang Magdalena lang ang tulad ko.Tulog ako sa umaga, gising naman sa gabi.But I'm not like her na sumasayaw sa gabi,nanunurok lang ako ng gamot sa mga pasyente gamit ang syringe.
Muli na naman akong naglakad sa isang napakapayapang hallway,tulog na yata ang mga tao.Na-assign ako sa private na bahagi ng hospital,iyong mga pasyenteng naitransfer dito eh mayayaman,may pera ba kumbaga.Kaya talagang ang payapa ng paligid.
Huminto ako sa isang kulay asul na pinto at pumasok doon nang hindi man lang kumakatok.Nadatnan ko ang dalawang bantay ng pasyente na natutulog kaya I wake them up para malaman nila ang presensiya ko.
"Magbibigay lang po ako ng gamot kay Tatay."Mahinahong sabi ko tsaka inihanda ang mga gagamitin.
Pipikit-pikit pa akong tiningnan ng mga bantay saka ako nginitian.Ngumiti din ako pabalik.
"Anti-biotic po ito,Tay.Medyo masakit po ng kunti."Sabi ko sa pasyente kahit di naman talaga ito gising dahil wala pang malay.
Ganun talaga ako,dahil naniniwala akong gising pa rin ang kaniyang diwa kahit ito'y nakapikit pa.Matapos kong bigyan ang lahat ng mga pasyente sa kani-kanilang room ng mga gamot ay bumalik na ako sa nurse station.
Hindi pa man ako nakakabalik doon ay may isang bangkay naman na may takip ang katawan maging sa mukha ang tinutulak ng isang staff gamit ang trolley.Mukhang babae yata iyong namatay,ang haba kasi ng buhok nito.Ano kayang nangyari at bakit bigla nalang iyon nabawian ng buhay?
Pumasok na ako sa loob ng nurse station,open naman ito kaya talagang makikita kaming mga nandito sa loob.Tatlo ang mga kasama ko dito,ang lalaking nurse na hindi katangkaran pero bakla yan si AJ,ang magandang dilag na matangkad si Epiphany at pangatlo naman ay iyong isa sa mga matagal na dito,iyong matandang nurse na si Misis Cori.
Bakas na bakas ang pagod sa mga mukha namin pero binalewala namin iyon dahil ito ang trabahong pinili namin.Sila lang pala,hindi ako ang pumili nitong profession ko.Mapait akong napangiti.
Makalipas lamang ang ilang oras ay tumuntong na naman ulit ang hating-gabi.Off ko na mamayang one kaya naghahanda na ako ngayon para sa pag-uwi ko.
"Oh ano uuwi ka na?Wala pa yung papalit sayo."Biglang tanong ni Pep o ni Epiphany sa'kin habang inaayos nito ang mga gamot sa cabinet.
"Naghahanda lang ako,baka kasi may makalimutan na naman akong bagay dito.Ayoko nang magpabalik-balik eh,nakakapagod na."
Huminga ako ng malalim bago naupo sa stool na nasa tabi ko.
"Naku Mira,ikaw pa naman ang nauna sa amin dito.Talagang mapapagod ka talaga.Bakit ba naman kasi nagkasakit iyong si Vinice?Ayan tuloy kailangan mo pa siyang saluhin edi nadagdagan ang oras mo dito."Nakaismid nitong sabi na mahina kong tinawanan.
"Ang pangit ng reaksiyon mo."Uminom ako ng tubig na galing sa tumbler ko tsaka muling nagsalita."Kailangan kong gawin iyon dahil kung walang gagawa,tayong lahat din naman mapapagalitan.Alam mo namang isa yun sa mga rules ng hospital eh.Ako lang naman ang kasunod ni Vinice kaya responsibilidad ko pa rin iyon."
She rolled her eyes heavenwards."Hay oo na,pero sa susunod girl bago ka sumalo ng responsibilidad ng iba kumain ka muna nang hindi ka nananamlay diyan."
Tinanguan ko nalang siya matapos niyang sabihin iyon.Nakakapagod makipagtalo kay Pep,nawawalan ako ng lakas.Ang daldal pa naman nito.Pumasok naman si AJ kasama si Misis Cori,kunot ang noo ng mga ito.Mukhang galing sila sa isang digmaan na di ko mawari kung ano naman kaya ito.
"Anyare AJ?"Tanong ni Pep kay bakla nang maupo ito.
"Sa room 5,ni-revive namin pero walang nangyari."Sagot ni AJ sa tanong ni Pep.
Hindi na bago sa'min ang bagay na ito.Palagi na lang naman kami nakaka-engkwentro ng ganitong eksena.Nakakapagod pakinggan pero hindi naman namin maiiwasan.
"Patay ba?"Pahabol pa ni Pep na tinanguan naman ni AJ.
Iyon kayang dumaan kanina?Pero imposible naman siguro marami naman kasing namamatay dito eh,minu-minuto lang.Tapos kanina ko pa yun nakita.Pero kahit ganun,tinanong ko pa rin para makasigurado.
"May mahaba bang buhok tsaka babae?"Tanong ko.
Napatingin sila sa akin.
"Oo iyon nga,mukhang nakita mo naman siguro iyon kanina.Nakakapagtaka lang kasi maganda naman yung vital signs ng babae kanina lamang nang mag-round ako.Okay pa naman siya.Pero tinawag ako ng isa sa mga nagbabantay sa kaniya,hindi na daw humihinga.Ang weird talaga."Nakakunot noong sabi ni AJ kaya pati kami ni Pep nahawaan na rin.Bigla namang nagsalita si Misis Cori na ikinabigla ko.
"Sabi pa nung nagbabantay sa kaniya,may binubulong daw itong pangalan at parang nakikipag-usap sa hangin hanggang sa dilat ang mata nito pero wala nang buhay ang dalaga.Hays,she's just not mentally able."
I'm not sure with that.Meron kasing mga bagay-bagay na hindi naipapaliwanag ng siyensiya.Kasi base sa sinabi niya,parang may kakaiba sa dalaga.Dahil sa curious akong tao,naitanong ko nalang bigla kay Misis Cori ang pangalan ng namatay.
"Iyon po bang namatay sa room 5,ano pong pangalan?"
Tiningnan ako ni Misis Cori,kahit may pag-alinlangan sa mukha niya na magsalita ay bumuntong-hininga siya bago sinagot ang tanong ko.
"Si Abueva, Denise Abueva."
Low blood and heart failure.
Iyan ang nabasa ko sa info niya nang minsan akong mapunta sa room nito para bigyan ito ng gamot.
Ang babaeng minsan ko na ring nakitang nakatingin sa puno ng balite sa labas habang may binibigkas na kung ano.Ngunit how can Misis Cori says na 'she's just not mentally able'?
Samantalang low blood at heart failure ang nakalagay sa information nito.Pero paanong namatay siya kaagad?Samantalang ma-di-discharge na sila sa Friday.Ano ba talagang nangyayari?
***
ITUTULOY...🌿
Hi!Ang hindi mag-vote mababaog...eme.Click the two important buttons below(Vote and comment)🙂
YOU ARE READING
Maharani
FantasyMaharani means queen and Almira Sandoval is the one Maximus' been talking about to be the right woman or the right queen for the throne.Simpleng babae,inosente at bukod sa lahat maganda.Una niya itong nasilayan sa isang ospital kung saan siya namama...