Kabanata 17

25 3 0
                                    

Mira

Naalimpungatan ako dahil sa kiliting nararamdaman mula sa aking leeg.Parang may kung anong basa at malambot na bagay ang dumadampi doon kaya ako napapakislot.

"Ano ba natutulog yung tao eh."Angal ko at unti-unting iminulat ang mga mata nang huminto ang kung sino mang nangingiliti sakin.

Nang maging malinaw na ang aking paningin ay agad namilog ang aking mga mata.Sobrang lapit sakin ni Maximus at anong ginagawa niya dito?!Sa kwarto ko!

"Maximus!"Galit na galit kong sigaw dito at pinaghahampas ko pa siya ng unan.Ang loko naman ay tumatawa lang habang sinasangga ang mga palo ko dito.Sinuri ko ang sarili ko at nakahinga ako ng maluwag nang ganoon pa rin naman ang suot ko.Pero bahagyang nakabukas na ang zipper sa bandang dibdib ko.

"Overthinker,hindi mo naman kasi sinabi kung saan ka nakatira kaya hinalungkat ko na lamang iyang phone mo."

Napatihaya ako sa kama dahil sa kaba.Akala ko nasuko ko na ang bataan.Mabuti at hindi naman.I glared at him.

"Ginising mo nalang sana ako para hindi ka na nahirapan pa.Tsaka pano mo nabuksan yung pinto eh may password iyon?"Sabi ko sabay turo sa labas.He just point his finger on the table.Ay oo nga pala.Spare key.Malamang nakiusap ito sa may-ari ng condo unit ko para makuha iyon.Ang talinong tao.

Pinagmasdan ko siya ng maigi,ganun pa rin ang suot nito pero napaka-messy na ng buhok niya.Still he looks so handsome.Nabingwit ko ba talaga ang lalaking ito ngayong araw?Talagang sinuswerte nga naman oh.Tumayo na ako at inayos ang sarili.Ramdam ko ang mga tingin na pinupukol niya sa'kin kaya lumapit nalang ako dito at ginulo pang lalo ang buhok nito.He just smiled sweetly saka ako sinundan palabas.

"Anong gusto mong kainin bisita?"

"Kahit ano."

May pagkain bang 'kahit ano' ang pangalan?Hayst ewan,bahala na basta lulutuin ko nalang ang kung anong pwedeng lutuin dito.

Umupo ito sa stool kaharap sa counter at pinagmasdan na lamang ako sa aking ginagawa.

"Agad ka bang papasok sa trabaho?"Sabi nito.

"Hmm... oo,pagkatapos kong kumain.Bakit?Sasabay ka?Bibisitahin mo si Ma'am Catalena kasama ang asawa niya? Kumusta na pala si Zoe?"Sunod-sunod kong tanong dito pero wala itong naging tugon kaya agad akong lumingon dito.

He's just looking at me na parang may pinoproblema ito.May gusto siyang sabihin pero hindi naman bumubuka ang bibig niya.Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa aking ginagawa.Baka may problema nga siya.

"Uuwi ako kaagad sa amin...hindi na kami maaaring bumisita sa ina ni Zoe."Nagtaka naman ako sa sinabi niya at hinintay ang susunod nitong sasabihin."Dahil pinagbawalan kami ng ina nito,maging si Zoe ay hindi na makalapit sa ina niya.Mahabang kwento Almira,huwag mo na lamang isipin."

Gaya nga ng sinabi niya ay hindi na ako nagtanong pa.Baka may problema sa pamilya sina Ma'am Catalena kaya pati siya namo-mroblema rin.Sabagay kaibigan niya iyong ama ni Zoe,pagpapakilala nga noon kay Maximus ay amo niya ito.

Nang matapos kong lutuin ang tinola ay inihain ko kaagad ito.Nagsandok ako ng kanin sa aming dalawa.Bakit parang nakikita kong mag-asawa kami ngayon?Ilusyunada na naman ang Lola niyo.Nakikikain lamang si Maximus,yun lang.Bisita ko siya,period!

"Ang sarap.Pwede na."

"Anong pwede na?"Huminto ito sa pagkain nang tanungin ko iyon.

"Pwede nang mag-asawa."Bulong niya na hindi ko naman narinig.Salubong ang aking kilay nang pagmasdan ko ito.Baka napipilitan lang siyang kainin yung niluto ko eh.

"Binubulong-bulong mo diyan?Baka minumura mo na ako ha,tsaka hindi mo talaga gusto ang luto ko.Ang arte nito."Nakasimangot kong sabi na ikinangiti niya lang.Kita mo to nang-aasar pa.

"Mali ka ng iniisip.Dahil ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong putahe.And to tell you the truth,it's delicious."Aniya sabay kindat sakin.

Napapailing na lamang akong kumain.Hayst,oo na kinikilig na ang Lola niyo.First time ko makarinig ng compliment,tapos galing pa talaga sa kaniya.Andiyan na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko nagsisiliparan na naman.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na agad ang mga pinggan.At nang matapos kong hugasan iyon ay nagtungo ako sa sala since nandoon naman si Maximus may kung anong kinakalikot sa mga gamit ko.

Alas siyete na ng gabi at hinihintay ko na lamang ang pamamaalam niya.Pero ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa rin akong naririnig na magpapaalam na siya.Natapos nalang ako sa pagbibihis ng uniporme dahil didiretso na agad ako ng hospital ay naroon pa rin siya sa sofa naghihintay.

"Akala ko ba hindi ka sasabay?"Bungad ko dito.

Agad siyang tumayo at lumapit sa'kin.Napatingala naman ako sa kaniya,ang tangkad kasi eh.

"Oras na pala para magpaalam."Napatango naman ako pero agad na natuod sa kinatatayuan nang halikan niya ako sa pisngi at agad na niyakap ng mahigpit.

Woah,ano ito?Anong kababalaghan itong ginagawa mo sakin Maximus?Bakit may payakap-yakap ka na ha?

"Para saan iyon?"Pabulong kong sabi nang kumalas ito sa pagkakayakap.

"Pamamaalam,maaaring hindi kita makikita ng ilang araw.Kaya nag-iwan na ako ng souvenir."Nangingiti nitong sabi at nahawaan naman ako.Tumikhim siya at saka ako inakay papalabas.

Wala kaming label.Pero kung makahawak siya sa kamay ko para kaming may relasyon.Hindi ko pa siya masiyadong kilala pero ito ako ngayon kumikeringkeng nalang bigla at nagpapatianod sa lalaking kasama.

Hindi ako manhid pero ayoko din namang umasa.Alam ko ang galawan ni Maximus, kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya ako tingnan at sa mga ginagawa niyang ito nahihinuha ko ang ibig nitong sabihin.

Ang nais ko na lamang gawin ay maghintay.Maghintay sa kung ano ang sasabihin niya para naman mas lalo akong maliwanagan.Sa ngayon,I'll cherish muna the moment we both have.Baka kasi magsisi lamang ako sa huli kung hindi ko tinake yung advantage na magkasama kami.Oo may nararamdaman na ako para sa kaniya,ngunit hindi ko pa alam kung ano ang totoo nitong pahiwatig.

Sa ngayon,focus muna sa paparating na struggles.Kaya muli akong nalumbay,hayst bahala na si Batman.

***

🌿

Maharani Where stories live. Discover now