Kabanata 23

27 3 0
                                    

Mira

Unang gabi ng lamay ni Lola.Madaming tao ang bumisita sa bahay at ito ako ngayon,tulala pa rin.

Hindi ko alam,sa pagdating ko pala dito ay iyon na ang huling hininga ni Lola.Our last talk,her last smile while talking to me at ang huling salitang binitawan niya.Tandang-tanda ko pa rin iyon.Tandang-tanda ko kung paano niya sabihin sa'kin na mahal niya ako bilang apo niya.At maging ang huling pabaon niyang kwento.Naalala ko pa iyon.

"Mahal na mahal kita apo."Aniya at muling ngumiti sa'kin."Alam mo bang sa edad mong iyan nakilala ko ang Lolo mo?Ganiyan din ako kaganda,mahaba ang aking buhok na palagi ko lamang itong nilulugay.Sabi ng Lolo mo,doon siya nahumaling,dahil sa angking ganda ko."Humagikhik ito ng mahina at nagpatuloy.

"Minsan na akong nagawi sa isang farm na pagmamay-ari ng isa sa mga mayamang tao dito sa probinsiya natin.Sa kabila pala ng kakahuyan ay may hardin na napakalawak at may magagandang bulaklak.Alam mo ba apo ang paborito kong bulaklak?Iyon ang puting rosas.Napakaganda kasi nito kahit simple lamang."Makikita mo talaga sa mukha ni Lola ang kasiyahan habang tinatanaw ang mga alaala niya noong nakaraan.She somewhat kinda imagining those things while telling it to me."At mula sa hardin na iyon naroon ang isang makisig na lalaki,matangkad at sadyang nakakaakit ang kaniyang kagwapuhan.Siya si Manuel,ang anak ng may-ari ng farm na napuntahan ko."

"Si Lolo?"Tanong ko kay Lola at isang tango ang sinagot niya sa'kin.

"Doon nagsimula ang lahat,hanggang sa nagkaroon kami ng anak.Maayos naman ang aming pamilya at mabait ang kaniyang mga magulang sa akin.Iyon nga nagkaroon kami ng dalawang anak,iyon ang papa mo maging si Tito Jace mo.Talagang napakagwapo ng mga anak ko,manang-mana sa amin ng Lolo mo."

Napangiti naman ako dahil pati ba naman iyon ipagmamayabang niya,totoo naman kasing maganda ang lahi namin.Hindi nga maipagkakailang biniyayaan si Lola ng napakagandang pamilya.

"Lumaki ang dalawang anak ko hanggang sa nagkaapo ako,at ikaw nga iyon.Ngunit kinabahan ako nang unti-unti nang nagbibigay ng senyales si Manuel.Nakakaramdam na siya ng sakit sa puso at hinihingal sa kakaunting lakad lamang."Malungkot niyang sabi.Iyon pala ang dahilan kaya hindi ko nakikita si Lolo na lumalabas ng bahay dati.May iniinda na pala siyang sakit noon."Hindi ako mapakali ng mga araw na iyon,dahil unti-unti na siyang nanghihina at hindi man lang siya nakasama sa graduation ni Jace.Malungkot ako sapagkat pangarap niya iyong makatuntong sa entablado habang nilalagyan ng medal ang anak gaya ng dati.At iyon na nga ang aking ikinabigla nang dumating ang araw na siya'y lilisan na.Nagpaalam siya habang hawak ang isang puting rosas.Iyong aking ikinataka kung saan iyon galing samantalang wala na kaming tanim na rosas."

Puting rosas.Isa din iyan sa mga tumatak sa isipan ko.Ano bang meron sa puting rosas at parang nasa pamilya na namin ang magkaroon nito?Kagaya ko na lamang.Doon sa hospital,may puting rosas din akong nakikita na nahuhulog lamang,sa kwarto ni Ma'am Catalena at maging sa parking area.Aksidente lang kaya iyon or may iba pang ibig sabihin ang rosas na puti? Naguguluhan ako.

"Kaya ang puting rosas ay sumisimbolo ng aming pagmamahalan hanggang sa huling hantungan."

Pagmamahalan hanggang sa huling hantungan.It all makes sense now.Kaya matapos ang kwento ni Lola,pinakuha niya sa'kin ang mga bagay sa loob ng kabinet niya na may naka-engrave na rose.Maging ang mga box may printed na rose at papers na may rose din.She's giving me her will of testaments.Naiiyak kong tiningnan si Lola.

"Lola w-why?"Nauutal kong tanong.

"Mahal kita apo,kahit nagkulang ako bilang iyong Lola dahil sa pagkamatay ng iyong ama,patawarin mo ko apo.Mahal na mahal ko kayo ng Tito mo.Tanggapin mo iyan,alamin mo ang gusto kong ipagawa sayo.Maliwanag?"

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.Naluluha kong niyakap si Lola at dinarama ang huling yakap niya sa'kin.At sa huling pagkakataon,masayang pumikit si Lola kasabay ng aking pag-iyak sa harapan nito saka lumuwag ang kaniyang kapit sa aking katawan.

Napasinghot ako at pinahiran ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga mata.Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga luhang patuloy na rumagasa.Naramdaman ko na lamang ang paghagod ng isang kamay sa aking likuran.

"Stop crying."Sabi ni Tito Jace habang nakatayo sa likuran ko.

Maayos na daw ang kalagayan niya at kanina lamang siya nakarating dito.Akala ko sinumpa na talaga siya ni Arden,mabuti na lamang daw at hindi naman nagtagal ang sakit na ipinatong sa kaniya.

"Bakit dito ka pa sa likod ng bahay tumambay?Delikado dito Almira."

"Gusto ko lang magpahangin.Madaming tao doon sa loob,gusto kong mapag-isa."Sambit ko.

Umupo naman siya sa kabilang bangko na malapit sa akin,saka sumandal sa pader ng bahay.

Huminga ito ng malalim."Simula noong nakita ko ang mga tinutukoy mong engkanto,naniwala na ako sa mga pinagsasabi ng mga tao dito.Alam mo bang dito sa likuran ng bahay may nakatirang mga maligno?Sige ka,baka kunin ka nila."Pananakot niya sa'kin.As if matatakot ako eh harap-harapan ko pa ngang nakausap ang isa sa mga maligno eh.

"Pakialam nila eh wala naman akong ginagawa.Nagmo-moment yung tao dito eh."Pansin ko ang pagngiti nito ng tipid.

Alam kong naapektuhan din si Tito sa pagkawala ni Lola.Ngayon siya at ako na lamang ang siyang natitira sa amin.Mayroon naman kaming mga kamag-anak pero iba pa rin kapag totoong pamilya.Iyong madali mong masandalan sa gitna ng unos ng buhay.Dalawa na lamang kaming natitira,ano na naman kayang kasunod nito?

"Pano yan Tito?Namaalam na si Lola,tayo na lamang ang naiwan dito."I said while playing my hands.

"Nakakalungkot na wala ako dito nang namaalam si Mama.Hindi man lang kami nakapag-usap,kahit kaunting oras man lang.Pero,masaya ako dahil sabi mo nakangiti siyang lumisan."Aniya at mababakas sa mukha nito ang nagbabadyang mga luha sa mga mata.Tumango ako at napatingala sa kalangitan.

"Tanggapin mo ang ibinigay ni Mama,Almira.At gawin mo na lahat ng gusto mo,I'm giving you your freedom.Maaari ka nang umalis sa pagiging nurse kung kailan mo gusto."Gulat na gulat akong napatingin kay Tito.

Tama ba itong naririnig ko?Siya mismo ang nagsabi niyan sa akin?Pero may usapan kami dati,lilisan lamang ako sa pagiging nurse kapag tapos na ang kontrata.

"Hindi ka nagbibiro?May 1 year pa ako sa hospital Tito.Sure ka ba diyan?"Di ko makapaniwalang tanong.Kasi naman nakakagulat.

Ngumiti ito ng tipid saka tumango."Yes,sure ako sa sinasabi ko."

Hindi pa rin ako makapaniwalang tiningnan si Tito ng ilang minuto.Sa tagal ng panahon kong ginugol ang sarili sa pagtatrabaho,mukhang ito na ang panahon para piliin ko naman ang sarili ko.Ito ang kalayaang hinahangad ko at sa wakas natutupad na.Matagal ko na itong hinihintay,ang makaalis sa masikip na sildang kinalalagyan ko.At sa puntong 'to,ako na ang may hawak ng susi para makakalaya dito.

***

🌿

Maharani Where stories live. Discover now