Mira
Dumating ang kinaumagan at maaga akong nagising para asikasuhin si Lola.Matapos kong maghilamos at magbihis ay dumiretso agad ako sa silid nito para kamustahin ang kalagayan niya.Nadatnan ko doon si Lola na tulog pa rin kaya binuksan ko na agad ang bintana ng kwarto niya since sumisilip na ang araw sa siwang nito.
Bumalik ako sa tabi ng higaan ni Lola at chineck ang dextrose,paubos na ito kaya pinalitan ko na kaagad.Mamaya na lamang ako mag-aalmusal,mukhang gising naman na siguro ang mga tao naririnig ko na kasi ang mga yabag nila sa hagdanan mula dito sa loob,kahit mahina.
"La,umaga na po.Gising na po kayo."Wika ko habang hinihimas ang ulunan ni Lola.Napangiti naman ako nang tumugon ito kahit isang hum niya lang.
Mukhang gising na nga si Lola.Dumilat ang mga mata nito ng dahan-dahan na tila nag-a-adjust pa dahil sa liwanag na binibigay ng araw.Nilibot nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa tumapat ang kaniyang tingin sa akin.Parang kinikilala niya muna kung sino ako base sa ekspresiyon na nakikita ko sa kaniyang mukha.
"Goodmorning po La."Bati ko pa.
"Apo ko."Mahinang tugon naman nito na aking ikinangiti.
"Ako nga po La."
"Almira,apo ko."Pag-uulit pa nito.
Nakita ko ang pagngiti sa akin ni Lola na para bang matagal na niya akong gustong makita.Hindi ko alam pero nakaka-miss din pala iyong tinatawag ka ng Lola mo sa halos matagal na panahon na.Hindi na kaya ito galit sa akin?
Hinawakan ko ang kamay ni Lola at umupo sa upuan na katabi ng hinihigaan niyang kama.
"Apo ko, patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo.Pasensiya na kung ikaw ang sinisi ko sa mga nangyari,hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ng mga araw na iyon.Patawarin mo si Lola."
Pumatak naman ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata na agad ko namang pinunasan."No La,hindi dapat kayo nanghihingi ng tawad.Ako dapat iyon eh,ayos lang naman po iyon sakin.Nang dahil doon natauhan po ako."I felt her hand slightly gripping my hand too.
"Apo,wala akong galit sayo.Iyong mga sinabi ko sa iyo dati ay gawa lamang ng aking rumaragasang emosyon na hindi ko man lang napigilan.Hindi dapat kita sinisisi dahil hindi mo naman din iyon kasalanan.Wala kang kasalanan."Tumango-tango na lamang ako bilang sagot.
Hindi ko alam pero halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Masaya ako na marinig iyon galing kay Lola at naiiyak na rin dahil iyong akala ko dati na galit na galit siya sa'kin, buong buhay kong tinatak sa isipan ay hindi pala totoo dahil akala ko lamang iyon.
Nilamon din naman kasi ako ng emosyon ko dati.Kaya din siguro naiisip ko ang mga bagay na hindi dapat dinidibdib.
"Huling salita ng iyong ama,ay dapat alagaan kita.Patawarin mo ako apo at hindi ko nagawa iyon sa'yo.Mahal na mahal kita apo ko."Pumikit ako at dinamdam ang hawak ni Lola sa aking kamay tsaka inilapit ang aking mukha dito para patakan siya ng halik sa kaniyang noo.
"Lola naman eh ke-aga-aga pinapaiyak niyo po ako.Huwag po kayong mag-alala,babantayan ko po kayo dito.Ako muna ang mag-aalaga sa inyo."Masigla ang bawat salitang binigkas ko at nasilayan kong muli ang ngiti ni Lola.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan.Si Aling Nina lang pala,may dala-dala itong pagkain,mukhang papakainin na niya si Lola.Tumayo naman ako para tulungan ito.
"Ay ako na po diyan,Aling Nina."
"Hindi na hija ako na.Bumaba ka na doon at mag-almusal.Naroon na sina Patrick sa baba mukhang ikaw na lamang ang hinihintay.Ako na dito."Anito at inasikaso na si Lola.
"Sige po,baba na po ako."
"Sige hija."
Pagkababa ko naman ay naroon na ang apat sa hapag.Mariing nagke-kwentuhan ang mga ito.Narinig ko pa ang masinsinan nilang pag-uusap na parang nakikipag-chismisan.
"Nabuntis nga kasi kaya sumama sa lalaki."Singit ni Patricia habang inaasikaso ang pagkain ni Pawpaw.
"Sus,paano iyon mabubuntis ate eh hindi naman iyon lumalabas ng bahay."Nakataas naman ang kilay ni Princess nang sabihin nito iyon.
"Eh kasi nga diba hindi ordinaryo ang lalaki.Maligno nga sabi nila."Pabulong na tugon naman ni Patricia sa kapatid.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig.Ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong usapan.Kung sa Maynila kasi normal lang ang ganitong usapan,pero kakaiba pala kapag dito na sa probinsiya.Nakakatakot,hindi mo na pala alam kung sino-sino ang nakakasama mo.Ang worst pa,maaari kang mabuntis ng maligno kung hindi ka mag-iingat.Kaya pala ganoon na lamang ang pagbabawal sa'kin ni Patrick.
"Oh hayan na pala si Ate Almira.Ate kain na po,nagluto ako ng sinangag at saka hotdogs.May kamote din po baka gusto niyo."Ani ni Patrick nang makita ako sa bukana ng kusina.
Lumapit naman ako sa tabi ni Pawpaw at doon naupo.Hindi pa rin tapos sa topic nila sina Patricia at Princess.Talak ng talak ang dalawa sa mga nalaman habang ako dito nakikinig lamang.Hanggang sa nag-umpisa na kaming kumain.Pinagmasdan ko silang magkapatid.Ngayon na lamang ulit ako naka-experience na kumain na may kasama.Mostly kasi ako lang palagi kaya hindi ako ginaganahan na kung kumain.Tinatamlay pa ang katawan kapag sumusubo ng pagkain dahil hindi talaga masaya na wala kang kasalo.
Ngayon naman iba ulit ang topic nila.Kaya nakinig na lamang ako,minsan kasi nagsasalita sila sa kanilang wikang kinagisnan na hindi ko maintindihan pero maya-maya magtatagalog naman sila.
"Nakalimutan ko pala,wala nang tubig sa banyo,mukhang wala na namang tulo yung gripo natin."Pag-uumpisa ni Patrick.
"Edi sa sapa nalang tayo kuya maligo.Malapit lang naman iyon dito eh.Tsaka mas masaya din doon,para makita ni ate Almira yung sapa."Masiglang tugon ni Princess.
Nasiyahan naman ako nang marinig ko ang sapa.Mukhang mas masaya nga iyon, matagal-tagal na rin akong hindi nakakaligo sa mga ganoong lugar.Trip ko din naman ang nature.
"I agree.Doon na lamang tayo maligo at maglalaba na rin ako,since madami na akong labahan."
Narinig ko ang pag-yes ni Pawpaw.Sina Patrick naman umiiling nalang dahil sa tinuran ng kapatid.Mukhang mas masaya pa siya ngayon ah.
"Ang saya mo Paw."
"Ate ngayon lamang ako makakaligo doon eh.Hindi kasi ako sinasama nila Kuya kasi bata pa daw ako."Nakasimangot nitong sabi sakin.Ano namang masama kung bata pa ito? Gusto lamang niyang maligo doon ah.
"Wala namang masamang isama ka doon basta may magbabantay lamang sa'yo."Parinig ko sa kanila.Sumimangot naman ang tatlo at umingos pa.
"Naku ate kung alam mo lang.Pasaway kasi iyan eh,baka kung saan-saan pa iyan magpunta delikado pa naman doon."Patalak na sabi ni Princess na sinagot naman agad ni Pawpaw.
"Nye nye,sasama ako.Kay ate Almira nalang ako didikit,di ko kayo bati."
At nag-away pa nga ang dalawa.Hayst,napailing na lamang ako at tinapos na ang pagkain.Nagkaroon pa ako ng mga instant kapatid na makukulit.
***
🌿
YOU ARE READING
Maharani
FantasyMaharani means queen and Almira Sandoval is the one Maximus' been talking about to be the right woman or the right queen for the throne.Simpleng babae,inosente at bukod sa lahat maganda.Una niya itong nasilayan sa isang ospital kung saan siya namama...