Kabanata 22

25 3 0
                                    

Mira

Hindi ko alam pero parang na-dejavu ako ngayon.Ganito din iyong feeling ko noong una kong punta dito kina Lola.Bumubuntong-hininga habang nakaharap sa gate ng bahay.Hindi na naman alam kung anong gagawin kapag papasok na sa loob.

Isang malalim na buntong-hininga ulit ang aking pinakawalan bago pumasok sa gate.Pagkarating ko naman sa pintuan ng bahay ay napahinto ako.Ang tahimik ng bahay ni Lola,hindi ako sanay.Kasi kapag ganitong oras dapat nandito sina Aling Nina kasama ang mga anak niya.Pero hindi ko din alam baka nasa paligid lang pala sila tapos ginagawa ang kanilang tungkulin.

At iyon nga,ang bumungad sa akin dito sa sala ay walang iba kundi ang aso kong si Max.Napangiti ako dahil mukhang kanina pa ako nito hinihintay na makalapit sa kaniya.Walang pasubali kong niyakap ito at naupo sa sofa.

"I miss you,baby boy.Nasaan ba ang mga kasama mo dito?Bakit iniwan ka nilang mag-isa?"Tanong ko dito at tumahol lamang ito.

Mahina akong natawa.Oo nga naman,aso itong kausap ko as if tutugon ito sa tanong ko.

"Ate Almira,nandito ka na pala!"Napalingon ako sa nagsalita.Si Patrick lang pala kakapasok lang galing sa kusina.

Lumapit ito sa'kin saka kinuha ang mga dala kong nasa sahig.

"Pasensiya na ate at wala ako dito kanina para salubungin ka.Nagluto po kasi ako ng almusal natin eh,alam kasi naming ngayon po ang dating niyo."Panghihingi nito sa'kin ng tawad.

"Naku ayos lang ah.Nasaan nga pala si Aling Nina, Patrick?"

Napakamot naman ito ng ulo at parang di alam ang sasabihin.

"May problema ba?"Sambit ko.

"Eh kasi ate,wala dito si Nanay nagpunta ng baryo.Kami lamang ng mga kapatid ko ang nandito ate.Nandoon sa taas sina Patricia binabantayan si Lola."

Kaya pala ang tahimik dito.Pero pansin ko namang maaliwalas na ang bahay sabagay sumisikat na rin ang araw.

"Sige Patrick ipasok mo nalang iyan sa kwarto ko sa taas.Kakain muna ako,medyo nagugutom na'ko eh."

"Sige po ate."

Dumiretso na ako sa kusina kasakasama si Max.Naglilikot na naman ang buntot nito na para bang napakasaya niyang makita akong muli.Masarap pala ang pagkain namin ngayon ah,may nakahain na kasing kamote,tuyo,boiled eggs at kanin sa hapag.Mukhang kakatapos lang ni Patrick magluto nang pumasok ako ng bahay.Infairness ang sarap niyang magluto.

Habang kumakain,hindi ko naman maiwasang makiramdam.Kanina ko pa kasi napapansin na parang may nakatingin sa'kin.Kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid,hanggang sa nagtagpo ang mga tingin namin nung aso ko.Nasa sahig ito nakaupo at sa akin lamang nakatingin.Hindi naman siya nakakatakot kahit ang laki-laki nitong itim na aso pero kakaiba talaga ang awra niya.Parang naglalabas ng kapangyarihan na palaging handa kung may mangyayaring masama.Nginitian ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Ate Almira!Ate si Lola!"Sigaw ng isang boses mula sa hagdanan.

Kinabahan naman ako at napatayo dahil sa gulat."Bakit anong nangyari?"Lumapit ako kay Princess na kabababa lamang galing sa itaas.

"Nagdedeliryo na naman po si Lola,Ate.Kagaya nung nakaraan,gusto niyang bumangon at nagsasalita siya ng kung ano."

"Tara sa taas."

Dali-dali kaming nagtungo sa kwarto ni Lola nang makarating kami sa ikalawang palapag ng bahay.Nang makarating ay nakita ko si Lola na nagsasalita ito na parang wala sa sarili,hindi naman ganito ang nadatnan ko sa kaniya dati ah.Hindi ganito ang kalagayan niya nang umalis ako.Ano bang nangyayari?

Alam kong hindi pa kaya ni Lola na kumilos pero ito siya ngayon pinipigilan namin dahil gusto niyang bumangon at tinuturo pa ang labas ng bintana na parang gusto niyang pumunta doon.

"La huminahon po kayo,makasasama po sa kalusugan niyo iyan."Mahinahon kong sabi dito at pinapakalma siya.

Umiling lamang ito at nagsabi."Hindi,tinatawag na ako ni Manuel at ng anak ko.Sinusundo na nila ako."

"La wag po muna kayong sumama.Nandito pa po yung apo niyo."Nang sabihin ko iyon ay napahinto naman siya na aking ipinagpasalamat.Lumingon sakin si Lola na may pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Ang apo ko?Si Almira?May kasama iyon,nandito siya binabantayan ang apo ko."Sabi ni Lola na aking ikinabigla.

Paanong alam iyon ni Lola?Saan niya nalamang may nagbabantay sakin?Pinaalam ba ni Maximus kay Lola ang bagay na iyon sa kaniya?Iwinaglit ko iyon sa isipan at itinuon muna ang pansin kay Lola.Mabuti naman ngayon kumalma na siya at hindi na nagpumilit na bumangon.

"Ako na muna dito Patricia at Princess,kumain na muna kayo sa baba."

"Sige po ate."Sabay na sabi ng dalawa.

Umalis na ang dalawang magkapatid at naiwan ako dito ng mag-isa.Inayos ko ang kumot ni Lola at naupo sa upuang nasa tabi nito.

"Apo ko,ikaw na ba iyan?"Napalingon ako kay Lola.Mukhang bumalik na siya sa dati,kilala na niya ako ulit.

"Ako nga po ito La."

Maingat kong hinaplos ang noo nito at pinagmasdan siyang mabuti.Matagal na panahon ding namuhay mag-isa dito si Lola.Kami nila Dad noon nasa Manila habang nandito si Lola,mas piniling manirahan sa probinsiya dahil ayaw niyang iwan ang bahay na itinayo nila ni Lolo.Nang lumago ang sakahan ay nakapagpundar sina Lola ng iba pang lupain para sa lahat.Mas pinili niyang bigyan ng tirahan din ang mga taong naging malapit sa kanila dito kahit hindi man namin kaano-ano at iyon ay nakatulong sa mga mamamayang nandito.

Pero isa lamang ang ipinagtataka ko,buong buhay ko hindi ko man lang alam pa ang kwento ng buhay nila Lola at Lolo.Nakita ko na sa picture si Lolo at noong bata pa ako nakilala ko siya pero medyo malabo na dahil ang bata ko pa noon.Hindi ko din alam ang sanhi ng pagkamatay niya.Ang alam ko lang,lumisan na si Lolo noong  maging doktor si Tito Jace.

Misteryoso para sakin ang kwento nila dahil sabi ni Lola noong bata pa ako.She met Lolo sa isang farm at doon nabuo ang kanilang pagmamahalan.Sabi niya maganda ang love story nila na hindi ko naman noon pinakinggan kasi nga wala ako noon sa mood kaya ito ako ngayon nangangapa sa kasaysayan.

"Apo ko,malapit na akong lumisan."Nawala ako saglit sa mga iniisip at natuon ang atensiyon kay Lola.Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at pinisil ito ng mahina."Tanggapin mo ang rosas na puti na ibibigay sa iyo ng lalaking magmamahal sa iyo."

"Anong ibig mong sabihin La?"

"Katulad ng Lolo mo,binigyan niya ako ng kulay puting rosas sa una naming pagkikita.At mukhang sa huli kong hantungan,ay ganoon din ang ibibigay niya."

Salubong ang aking kilay na pinagmasdan ang tinuro ni Lola.May isang bungkos ng puting rosas sa flower vase at parang bagong pitas lamang.Saan naman iyon nanggaling?Wala akong natatandaan na may tanim kaming ganiyan sa bakuran.

"Mahal na mahal kita apo ko."

***

🌿

Maharani Where stories live. Discover now