Mira
Nandito kami ngayon sa bahay kung saan dinaraos ang selebrasyon para sa pag-aani.Maganda daw kasi ang kita ng mga magsasaka ni Lola.Malaking kita ang natanggap nila mula sa mga buyer na galing pa sa ibang bayan.Some of the products like gulay at prutas ay naiaangkat sa ibang bahagi ng bansa dito sa Pinas.Mostly daw sa mga palengke doon sa city.Kaya naglaan sila ng panahon para magkaroon ng selebrasyon.
Ilang lakad lang naman itong bahay,hindi masiyadong malayo doon kina Lola.Ang nagbabantay ngayon doon kay Lola ay sina Patricia,kasama ang kaniyang kapatid na si Princess.Habang si Aling Nina naman ay kasama ko dito maging si Pawpaw at Patrick.Pero hindi daw magtatagal ang mag-ina at babalik na doon sa bahay.Pinilit naman ako ni Aling Nina na magtagal na muna dito since kakarating ko palang naman sa lugar nila.Para naman daw ma-experience ko ang kasiyahan dito.
At naiwan nga kami ni Pawpaw dito.Ayaw namang mawalay ng bata sa akin kaya pinabayaan ko nalang.
"Halika hija at ipapakilala kita sa iba naming mga kasamahan."Ani ni Tiyo Kiko at iginiya ako sa mga taong nagtitipon sa hapag sa labas ng bahay.
Tinawag niya ang mga ito para sa amin mabaling ang pansin ng lahat."Ikinagagalak ko palang ipakilala sa inyo ang apo ni Inay Dada,si Ma'am Almira Sandoval."
"Magandang gabi po sa inyong lahat."Bati ko sa kanila at yumuko ng bahagya.Binati din nila ako at winelcome.
Nang gabing iyon ay halos nakipag-usap lang ako sa mga matatanda since nginingitian lang ako ng ibang kababaihan dito na kaedaran ko lamang at hindi man lang nakikipag-usap sakin.Mukhang nahihiya sila.Nang sumapit ang alas otso ay umuwi na kami ni Pawpaw.Kaming dalawa lang dahil yung ibang magsasaka kasi lasing na.Ako na din naman ang nagpasiya na kami na lamang ay maglalakad at hindi na nagpahatid.
"Ang sarap ng mga pagkain nila doon ate ano?"Masiglang sabi ni Pawpaw.
Napangiti ako sa sinabi nito.Kain lang kasi ito ng kain kanina."Oo ahh,ang dami mo ngang kinain eh.Halos maubos mo na yung lahat na nandoon."
"Hindi naman."Nahihiya nitong sabi na tinawanan ko lang.
Tahimik na ang paligid at tanging kuliglig na lamang ang naririnig sa daan.Ang poste ng ilaw ang siyang nagbibigay din ng liwanag sa daanan namin kaya hindi madilim ang paligid.
Maya-maya pa'y may narinig kaming may nag-uusap at dadaan din yata dito kaya napatabi kami ni Pawpaw sa kalsada.Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng bata dahil mukhang iba ang pakiramdam ko sa mga ito.Tatlong kalalakihan lang naman ang parang galing sa kung saang lupalop at halos hindi na magkanda ayos ang tayo ng mga ito.At nakaakbay pa sa isa't isa,parang mga lasing.
"Ohh may...*hik* may chix."Rinig kong wika ng isa sa kanila na mukhang kaharap na namin.
"Ehh sexy ahh."Kinilabutan naman ako sa inasta nung isa pa.Tila ba parang hinuhubaran ako ng tingin nito.Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Pawpaw sa kamay ko at basta na lamang ako hinatak at naglakad.
Pero hindi pa man kami nakakalayo ay hinarangan na kami ng mga ito.Damn,anong gagawin ko?May kasama pa naman akong bata.
"Hija kay ganda mo namang bata.Sumama ka muna sa'min.Tara inom tayo *hik*."Sabi pa nito at hinawakan ang braso ko na agad ko namang tinanggal.
Bastos nito ah!
"Pasensiya na po,pero kailangan na naming umalis."Sabat ko dito at akmang aalis na nang muli ako nitong hawakan.Kaya galit na galit ko muling tinanggal ang kamay nito sa braso ko.
"Bastos niyo po ah!Kung gusto niyo pong gumawa ng gulo doon po kayo sa ibang lugar!Aalis na po kami."
"Aba ang tapang mo ah."
Narinig ko na lamang ang paghikbi ni Pawpaw kaya napatingin ako dito at agad na niyakap.Natakot naman ako dahil hindi ko napansin na umiiyak na pala siya.Umiwas ako sa tatlong lasing.
Akmang hahawakan ako ulit nung lalaki nang may isang itim na aso ang lumabas at sinunggaban ang kamay nung lasing.Panay naman ang sigaw ng lalaki na agad na tinulungan ng dalawang kasama nito.Iwinasiwas ng aso ang kamay ng lalaki at nagdurugo na rin iyon dahil sa kagat.Malaking aso ito na parang isang lubo at maihahalintulad sa uri ng aso na husky.
Natatakot na ang mga kasamahan nito sa ginawa ng aso dahil talaga namang agresibo itong ginawa ang bagay na iyon.Kasabay din ng paghikbi ni Pawpaw na agad ko namang ulit niyakap at pinatahan.Maya-maya pa ay may kinuhang bato iyong isang lalaki at binato ang aso sa paa nito kaya agad na nakawala ang kasamang lalaki,saka sila nagtakbuhan.Narinig ko ang munting palahaw ng aso,kaya gulat na gulat ma'y lumapit ako dito.
Nanghihina itong napaupo na para bang nasasaktan.Nakita ko ang malaking bato na ipinambato ng mga lasing na iyon sa aso.Kawalanghiyaan ng mga bastos na iyon!Kapag nakita ko ulit sila ipapa-blutter ko iyon bukas.Nagdurugo na ang sugat nung aso.Tumigil na rin sa pag-iyak si Pawpaw nang daluhan namin ang asong tumulong sa'min.
"Ate yung aso kawawa."Sambit nito sa'kin.
"Dito ka sa tabi ko Pawpaw."Nag-aalala kong hinarap ang aso dahil sa hindi ko malamang dahilan.Imbes na mag-alala ako sa sarili ko at sa kasama ay mas inuna ko pa ang kapakanan ng asong ito.
Bahagya itong humarap sa'kin at kita ko sa mala-berde nitong mata ang sakit na dinanas niya.Walang takot kong hinawakan ang ulunan nito na ikinapikit naman ng aso.Hindi ito masama, nararamdaman ko iyon.Napakalambot din ng balahibo nito na para bang araw-araw itong inaalagaan.Sino kaya ang may-ari ng asong ito?
"Don't worry little one gagamutin natin ang sugat mo okay?"Ani ko habang hinihimas ang ulo nito.
Naramdaman kong parang tumango ito,o baka mali lamang ako.Kasi naghi-hysterical na ako dito,hindi ko na alam ang gagawin.Nakita ko lamang ang aso ay parang may kung ano sa kalooblooban ko na dapat ko na agad itong gamutin.Iyong parang pamilyar na ito sa akin,kahit ngayon ko lamang ito nakita.
"Dalhin na lamang kita sa bahay.Nakakaawa ka naman.Tara na Pawpaw kapit ka sa damit ni Ate bubuhatin ko ang aso."
Hayst hindi ko talaga alam kung bakit nagiging ganito na agad ako.Ngayon ko lamang ito naramdaman sa buong buhay ko ang mag-alala,ang malala naman ay bakit sa aso pa?Ano bang meron sa asong ito?Bakit ganito na lamang ang puso ko at parang nagreregudon sa kaba?
Hayst bahala na nga basta kapag nakauwi na kami gagamutin ko na siya.
***
🌿
YOU ARE READING
Maharani
FantasyMaharani means queen and Almira Sandoval is the one Maximus' been talking about to be the right woman or the right queen for the throne.Simpleng babae,inosente at bukod sa lahat maganda.Una niya itong nasilayan sa isang ospital kung saan siya namama...