Wakas

34 4 0
                                    

Mira

Nanghihinang sumandal ako sa dibdib ni Maximus.Buhat-buhat niya ako ngayon dahil muntik na akong mawalan ng malay kanina.Napaangat ako ng tingin at pinagmasdan ang istura niya.Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin lamang sa harap habang siya'y naglalakad.

Kakaiba ngayon ang itsura niya,maitim ang kalahati ng kaniyang mukha at ang kalahati naman ay maputi.Hindi ko alam ngunit ngayon lang ako nakakita ng ganun.Nakakapanibago din ang awra niya.Kalmado naman siya pero tahimik nga lang at hindi nagsasalita.Napalabi ako.

"Stop pouting."

Nagsasalita naman pala eh."Kala ko napipi ka na.Ang tahimik mo kasi."

"Hindi ka na ba nahihilo?"Nag-aalalang tanong niya nang mahinto kami sa likuran ng bahay ni Lola.

"Medyo nahihilo pa rin pero okay na'to,ibaba mo na ako."Sagot ko.Pero hindi naman siya nakinig at imbes na pumasok kami sa loob ay nag-teleport lang kami papunta sa loob ng kwarto ko.

Ibinaba niya ako ng dahan-dahan sa kama at doon naupo.Agad siyang pumantay sa akin kaya kita ko na ngayon ang kabuuan ng mukha niya.Nag-aalala kong hinawakan ang kaniyang pisngi.He smiled.

"Nakalimutan kong sabihin sayo na isa akong kalahating itim at kalahating puting engkanto.Ang ama't ina ko ay pinasok ang ipinagbabawal na pagmamahalan sa aming mundo.Hindi naman nila maiwasang mahulog sa isa't isa dahil basta na lamang tumibok ang kanilang puso nang walang pasabi."He held my hand and planted some kisses on it.How I love this man."Kagaya nila ama't ina,napasok din ako sa gaanong pamamaraan ng pag-ibig.Mortal ka habang imortal ako,Almira.Tao ka habang engkanto naman ako,magkaiba ang mundo natin pero iisa lamang ang tibok ng ating puso.Dont try to deny it, nararamdaman ko iyon Almira,hindi ako manhid."

Napangiti ako dahil doon."Oo na,hindi ko naman ide-deny iyon."

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo."May sugat ka sa leeg.Gamutin natin yan."

"H-ha?"Napasinghap naman ako nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at naramdaman ko na lamang ang dila niya doon sa sugat.Napahawak ako sa kaniyang braso.Gawd!Ang hapdi pero nakakakiliti.Bago siya bumalik sa pwesto niya ay hinalikan niya muna ito.

"There magaling na."Hinampas ko ito sa braso."Aray!"

"Pervert nito."Ngumiti lang ang loko,baliw talaga.

"Ahmm...Anong susunod nito?Babalik ka na ba sa inyo?"Tanong ko sa kaniya nang lumipat siya ng upo sa tabi ko.

Umiling naman ito."May hindi pa ako sinasabi sa iyo.Matagal ko na sanang gustong sabihin ito pero wrong timing palagi eh."

"What is it?"

Nagtitigan kami ng matagal at nagpapakiramdaman.Maya-maya ay nagsalita siya.

"Can I take you home?Aalukin kita bilang reyna ko.Will you accept my offer?"

A-Ano?Inaalok niya akong maging reyna niya?Is he serious?Pero seryoso nga siyang nakatingin ngayon sakin at hinihintay ang sagot ko.Hindi ako makapaniwala."Sure ka ba diyan?"

"Yes.Ano na? Naghihintay ako."Naiinip nitong tugon kaya natawa ako ng mahina.

Napakagat-labi ako saka muling nagsalita."I'll take your offer.Gusto ko yan."

Isang ngiti ang iginawad niya sa'kin saka ako hinila at pinatayo.He held my waist and pull me closer to him."Alam mo bang pinasaya mo ako ngayon?Kung pwede sana mamayang gabi dalhin na kita doon?Magpaalam ka muna sa kanila,please I can't wait."

"Ang atat mo naman ata.Bakit napaka-excited mo naman?"Natatawa kong sabi dito habang inaayos ang buhok niya.

"May seremonyang nag-aantay sa aming kaharian,aking reyna.Hinihintay ka na ng aking nasasakupan,hinihintay na nila ang kanilang reyna matagal na,Almira."

Maharani Where stories live. Discover now