13. WHERE IS MY WIFE?

270 13 0
                                    

Malawak ang ngiti at magkahawak ang mga kamay ng mag-asawa ng pumasok sila sa isang mamahaling restaurant.

Ito na ata ang pinaka magandang araw ng buhay ni Yoko. Pakiramdam niya ay idinate siya nang asawa . Pagkatapos nilang kumain ay sinunod na agad nila ang dessert. Nang isang pamilyar na pigura ang pumukaw sa atensiyon ni Yoko.

Ang kabit ng kanyang Asawa.

Sukat sa direksiyon na kanyang tinitingnan ay sinundan iyon ng tingin ni Faye. Nakita niya sa mukha nito ang bahagyang pagkagulat, pero bumalik rin sa normal na ekspresyon pagkatapos ay hinarap siya ng asawa.

"Pagkatapos nito mamili tayo ng gift para kina mama at papa. Isama na rin natin sila manang Mercedes. Ikaw may gusto ka bang bilhin?'' Pukaw ni Faye sa atensiyon ni Yoko .

Sukat doon ay bumalik ang tingin niya sa asawa .

"Sure, magandang idea nga iyan." nakangiting sagot niya sa asawa.

"Hi P'Faye.'' Sabay pa silang napalingon muli sa pinanggagalingan ng tinig .

"Tamang-tama at nandito ka , Hindi ko akalaing makikita kita rito.'' Sabi pa uli ng babae.

Mabilis na bumeso ang babae kay Faye.
Parang na-rattle ang kanyang asawa sa presensiya ng babaeng ilang bote ata ang glutatione ang nilaklak sa sobrang pagkamestisa nito.

"Oh , Anong ginagawa mo rito? Anyway, this is Yoko, my wife . And Yoko this is Apple, She's Mr. Kim Nawa's General manager.''

Inilahad ni Apple ang kanyang kamay kay Yoko. Hindi man niya gusto ang pakiramdam sa babaeng kaharap ay ayaw naman niyang ipahiya ang asawa kung kayat minabuti niyang pagdaupin ang kanilang mga palad.

"So , you're the Wifey .'' sabi nito pagkatapos makipag-kamay. Mukhang walang balak ang asawa niyang aluking umupo ang ang mestisang mala-florescent lamp na nakatayo sa kanilang harapan .

Tumikhim lang si Yoko at sinuklian ng matamis na ngiti si Apple.

"Would you mind if I borrow Faye for a while? I'll just have something to tell her." Apple smiled at Yoko while asking permission.

"Apple, me and my wife have something important to do so please , Kindly excuse us for your agenda . '' wala sa loob na sagot ni Faye.

Ngayon ay kung ituring ito ng asawa ay tila wala ang mga ito ng kahit na anong ugnayan. Natatakot marahil mabuko.

Nagpupuyos man ang kalooban ni Yoko , wala siyang nagawa kundi pagbigyan ang kagustuhan ni Apple.  Bakit ? Dahil gusto na niyang umalis sa lugar na iyon kung saan mailalayo niya ang asawa sa babaeng flourescent lamp. At sa tingijn niya hindi sila tatanan nito kung hindi nito makakausap ang kanyang asawa.

Minabuti niyang hintayin nalang sa sasakyan si Faye, Ilang minuto lang ang sinabi ni Faye at susunod rin daw ito .

Hindi niya alam kung nanadya ba talaga ang pagkakataon dahil mula sa side mirror nang sasakyan ay kitang-kita niya kung paanong siniil nang halik ang kanyang asawa , na nakahawak pa ang mga kamay nito sa nakatalikod ng asawa .

Nakaramdam siya ng inis kay Faye sa wari ay hindi man lang nito nirespeto na magkasama sila ng asawa. Gumawa pa talaga ng paraan ang babae niya para makuha ang simpatya ni Faye. At ang isa naman hindi napigilan at parang mga ibong nagtutukaan ang mga ito.

Sa inis niya ay bumaba na lamang siya ng sasakyan ni Faye at pumara ng taxi. Aminado naman siya at aware siya na may babae si Faye. Pero nasaktan siya nang makita ang mga itong sa wari ay napipilitang tikisin ang isat-isa dahil sa kasama siya ng asawa. Masakit, para siyang kandilang nauupos. Ni hindi na nga niya namalayang inihinto siya ng taxi sa mismong bahay ng ama ni Faye.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon