15. LOVE SICK

540 16 1
                                    

Magtatanghalian na nang mapagpasyahang lumabas ni Yoko sa opisina. Ganun nalang ang pagkagulat ni Yoko ng mabungaran si Faye sa mismong paglabas niya sa pinto.

"Hi Yoko." malaking ngiti na bati ni Faye sa asawa na nagpalabas sa napaka gandang-gwapo mukha nito.
"Para nga pala sayo."

Binawi agad ni Yoko ang sarili niya sa pagkabigla. Napadako ang tingin niya sa lumpon ng mga bulaklak na dala ni Faye, Na siyang dahilan nang kanyang pagkunot. Na ngayon ay inaabot nito.

What the heck ? Ano bang pakulo to ?

"Anong ginagawa mo rito ?"
Sinadya niyang hindi abutin ang bulaklak.

Hindi nakaligtas kay Yoko ang paghigit ng buntong hininga ni Faye saka muling nagsalita.

"Dinadalaw ka , Kailangan ba may okasyon para dalawin ko ang aking asawa?" Nakangiti pa rin ito.

Nanlalalim na ang gilid ng mata nito tanda ng pagod at puyat ngunit dahil sa pagngiti ni Faye ay mas lumakas lang ang dating nito sa paningin ni Yoko. Mas lalo itong naging kaakit-akit at Ang sarap papakin.

Asawa ko. Napaismid siya sa narinig.

" Look P'Faye, kung anoman ang gusto mong gawin huwag mo akong paandaran ng ganyan. Di ba sinabi ko naman sayo--"

"Sinabi mo sakin na ayusin ko ang sarili ko. Kaya nga eto oh Umuwi ako, naligo at nag-ayos. At bumalik para makasabay kita sa lunch. Nakakahiya nga naman na naulanan at natuyuan na ko hindi pa ko naliligo kaninang umaga at sunod ako ng sunod sayo, so Naintindihan kita. I fixed myself now."
masigla at nakangiting pahayag ni Faye na hindi na siya pinatapos sa sasabihin.

Inismiran ni Yoko si Faye. Nahahati ang utak at puso niya sa inis at tuwa/Kilig sa asawa.

Ehem. Ano't natutuwa ka sakanya, Ayan ka na naman eh. Masaya ka ba dahil binalikan ka niya, gayung nang umalis siya kanina ay nag-alala ka ng husto.Napakagaga mo na niyan ha ?

Saway nito sa isip kaya naman walang naging ekpresyon sa mukha niya sa mga sinabi ni Faye.

"May nakalimutan ka yata sa mga sinabi ko. Mukhang hindi mo naalalang sinabi ko na ayaw kitang makita. Ayaw kong makita yang pagmumukha mo. Anong mahirap intindihin don?" medyo umangat na ang boses niya kaya medyo nakaramdam na ng hiya si Yoko nang mapatingin sakanya ang abalang mga staff at ilang customer ng botique .

Lumingon naman si Faye sa mga ito at ngumiti.
Kasabay non ay hinila na ni Yoko papasok si Faye sa maliit nitong opisina at isinara ang pinto.

"Ano bang problema mo, hindi nako natutuwa sayo."
Muli niyang hinarap si Faye na ngayon ay matamang nakatitig lang sa kanya.

"Yoo .." Akmang hahawakan muli ni Faye ang kamay ni Yoko ngunit iniiwas uli nito.

"Yooo please .. Umuwi ka na sa bahay."

"Bigyan mo ko ng magandang dahilan para pakinggan ka dhil alam mo sa totoo lang, pagod na ko. pagod na pagod na ko magpakagaga sayo."

Bakas sa mukha ni Faye ang pagkadismaya sa narinig. Humigit ito ng hininga bago magsalita.

"Yooo, Asawa kita. Asawa mo ko. Hindi maganda sa paningin ng ibang taong hiwalay tayo ng inuuwian araw-araw. Ano nalang ang sasabihin ng mga investors ko kapag nalamang wala pa man din eh magulo na tayo." Bakas sa tono ni Faye ang pakiusap.

So ayun naman pala, gusto lang siya umuwi ng asawa para makaiwas sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ba tila may mas magandang sagot siya na hinahanap mula sa asawa.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon