FTTF 5

22 4 0
                                    

Hapon nang mapagpasyahan uli namin ni Evan na mag-usap tungkol sa research. It was a sunny day. Naghahalo ang kulay ng mga langit sa ulap. Ang malumanay na indayog ng hangin ay nagbibigay ng payapang pakiramdam.

Ako:
Nandito kami sa garden.

Rowan texted me asking about my whereabouts. Ika niya ay bigla na lang akong naglaho pagkatapos ng uwian. It was an early dismissal. Our last teacher for today told us they had an important appointment somewhere. Pagkatapos din noon ay nagpaalam si Rowan na mauuna na lamang siya na hinayaan ko lamang.

Sa pagkakataong iyon ay dinala ko na ang macbook ko. It was easy this way since it's more convenient than using cellphone. Nilabas ko iyon at nilapag sa mesa.

"Pinag-merge ko na rito 'yung mga gawain natin. So far, maayos naman na ang format pero ipapakita ko sa'yo para macheck mo." sabay harap sa kaniya ng macbook.

Umupo nang maayos si Evan at umusog para lalong makita ang iniabot ko. He scrolled down while busily scanning the pages. Kalaunan ay tumingin siya sa akin at tumango-tango.

"That should be fine."

"Sigurado ka? We can pass this today kung okay na."

"Yeah, diretso na ba tayo ngayon sa faculty?" aniya na agad kong sinang-ayunan.

"Let me," inunahan ako ni Evan sa pagkuha ng macbook at siya na ang nagbuhat. Sabay naming nilisan ang garden at tinahak ang destinasyon.

"The weather is so good today. I like being in a province, ikaw ba?"

Tumango ako sa tinuran niya. Indeed, it's good to live here. I like peace. And I would trade anything to be here.

Napadaan ang ibang mga nursing students sa amin na sa tingin ko'y pumasyal lang. Hindi sila basta-bastang nakakapasok dahil hiwalay kami sa kanila. We're studying in a big university. Well, it's big kumpara sa ibang mga probinsiya that even people from far away chose to pursue their studies here.

"Where are you going to study? Sa Manila ka ba kapag college?" tanong niya, being reminded of the college students that just walked by.

Napaisip ako pero agad ding umiling.

"Wala pa akong plano. To be honest, I might just continue it here. I wouldn't be able to handle being homesick."

"Ikaw?" I nudged.

Umiling siya at tumawa. "Hindi rin. Knowing my parents, they won't let me. At kagaya mo ay wala pa rin akong plano."

We continued talking on the way. Pumasok kami ng faculty ngunit walang tao. Aalis na sana kami nang may makitang kakilala si Evan kaya nagtanong siya. Naiwan akong naghihintay sa gilid.

"Nasa klase raw nila ngayon si Ma'am Rufina. I relayed the message that we would be waiting here." si Evan nang bumalik.

Tumango ako at nauna nang pumasok sa faculty. Naupo kami sa bakanteng upuan. Inilapag ni Evan ang macbook ko at pinakealaman. Nakita ko na lang siya na may nilalaro sa screen.

"Is this your cat?" turo niya sa litrato sa macbook. Agad na kumunot ang noo ko at inirapan siya.

"You're invading my privacy."

Tumawa siya at kinamot ang ulo. "Puro pusa lang naman ang nandito." Inusog niya ang monoblock sa tabi ko at hinarap sa amin pareho ang mga litrato. "Anong pangalan ng pusa mo?"

I scrolled down and also looked at the other pictures. "Pumpkin,"

"That's justifiable, he's orange."

"Napulot ko lang 'yan sa daan."

Humagalpak siya sa tinuran ko. "You're so random."

Inagaw niya uli sa akin ang macbook at hinalukay ang mga pictures. Sumandal ako sa upuan at hinayaan na lamang siya. Hindi nagtagal ay tumatawa na naman siya.

Fuel to the Fire (Silvero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon