"From now on, you will have mixed PE classes with the STEM students." anunsiyo ng aming teacher sa asignaturang iyon para sa last subject ng klase.
My classmates groaned, clearly not wanting the idea. Hindi na ako nagulat. Now that we're seniors, especially that my classmates are competitive, they didn't wanna be associated with other strands, especially that one in particular. Marami na akong naririnig na kuwento na hindi raw nila nais ang mga estudyante sa kabila plus the fact that we kept getting compared to each other.
"I hate science students! 'Wag sa kanila, Sir Mike!"
Nagbulong-bulungan ang mga kaklase.
"But aren't there handsome boys there? Gosh, I think I'm getting excited!"
Then they started mentioning names they know of. I wasn't paying attention until I heard a specific name.
"Nandoon si Darius! Pati si Henry!"
"Si Zurich din,"
Humarap sa akin ang isa kong kaklase. "Sil, hindi ba kaibigan mo sila?"
Ngayon ay nasa akin naman na ang atensiyon. I don't hangout with them anymore, nais ko sanang sabihin. Sa halip ay tamad na lang akong tumango at humikab. I feel so sleepy today, especially since it's the last subject. Ang tanging nasa isip ko na lang ay ang kuwarto ko at ang kama.
The wind was blowing on the side of my face. Nasa tabi ako ng bintana na nakaupo. Katapat ng field ang aming kinaroroonan kaya mararamdaman mo talaga ang simoy ng hangin.
"Kainggit ka, Sil! Pakilala mo naman kami,"
I only smiled a little at their response. Mas lalo pang nagsinghapan ang mga kaklase ko nang sabihin sa aming ngayong araw magsisimula ang klase kasama ang mga estudyante galing sa ibang strand, ngayon ay nahahati na ang kanilang mga opinyon. I only continued to listen to our teacher and closed my eyes a bit as I feel really sleepy. At isa pa, hindi naman sigurado kung sila Darius nga talaga ang makakasama namin. There are so many sections.
Sir Mike clapped his hands and told us that we should meet in the field. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw kaya hinayaan kaming doon na lamang magkita. Nadudungaw ko na rin ang mga estudyanteng nakasuot ng PE uniform sa may field. It was probably our additional classmates for today.
Lahat kami ay nakasuot ng PE uniform ngayon kaya nang i-anunsiyong maaari na kaming lumabas ay maliliksing nag-alisan ang mga lalaki kong kaklase. Hinayaan ko munang makalabas silang lahat bago tuluyang sumunod. I walked lazily behind them, sila na nasa field na at ako ngayong tila naglalakad sa buwan at parang may mahabang oras.
My steps slowed down more when I saw Darius in the field. He was standing beside Henry and Zurich. Ang dalawa ay nag-uusap at siya naman ay tahimik na nakatayo. Tila nagsimulang magparamdam ng kaba ang puso ko, remembering our moment just last week. He guided me in the rain. And although I don't wanna admit that it affected me that much, it really did if I am going to be honest. Dagdag pa ang katotohanang baka tuluyan akong umasa kung ipagpapatuloy niya ang ganoong trato.
Nasa gitna ako ng paglalakad nang mapadaan din si Rovy sa field. We ended up clapping each other's hands in the middle of the area. Maangas niyang inabot ang palad ko at ngumisi.
"Going home?" tanong ko.
"Oo, I had to go now because there are so many projects to do," she groaned.
Tumawa ako at sinenyasan siyang mauna na siya dahil mukhang kailangan niya na talaga. Nginisian niya ako at nginuso si Blaine na nang makita ko ay agad umiwas ng mata.
"She's been watching us," I rolled my eyes at her. Mukhang gusto niya pa ata akong maghamon ng away.
"Anyways, I'll see you when I see you," ayon ang huli niyang sinabi. I watched her as she strode towards the end of the field. Umaalon ang kaniyang buhok habang naglalakad. Rovy is really beautiful in my opinion. I like how she can be feminine but not at the same time. Maangas siya tingnan. Like an alpha female.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...