Just when the flames are starting to get calmer, with the wind, it will rise again. Lalaki ito at kung hindi mag-iingat, may posibilidad na pati ikaw ay matupok.
Zurich:
Ang hindi pupunta sa Sabado, hindi makaka-graduate!Denise:
I second the motion!Rovy:
Ang ingay niyo talaga kahit kailan. Kabado ako sa final grades. Akala ko kung ano na ang lumabas na notif!Henry:
Right, you guys are so loud.Zurich:
Just making sure. May dalawa kasi riyan na hindi na talaga nagpaparamdam...Umangat ang kilay ko. Bumangon ako sa kama at nagtipa.
Silvia:
replying to Zurich: Just make sure not to let me see your same old face on Saturday. Baka pangit ka pa rin.Denise:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHenry:
She's back.Rovy:
Ayan Zurich, pinagsalita mo pa. Talo ka tuloy.Rovy:
Please check on him if he's still alive. Kawawa naman.They told us they'll be back next week. Pareho ang timeline ng semester namin at katatapos lang ng finals.
We will have a two week break and we're planning to meet up soon. Hinihintay ko na lang din ang grades ko sa finals. Wala na akong ibang dapat gawin kaya nakakulong lamang ako sa mansion. It's just me and my cat, Pumpkin.
My parents' quick business trip turned into a vacation. Magtatagal pa sila roon ng dalawa pang linggo. I had enough expenses so it's not something I should be worried about. Gusto ko rin na mas magkaroon sila ng oras para intindihin ang sarili nila. It would be great for them.
Suot ang puting denim shorts at navy blue na tank top, lumabas ako ng garahe at pinaandar ang pick-up palabas. It's Saturday today. That means the planned get together will happen. Iyon ang dahilan kung bakit ko pinaandar ang sasakyan ko. Pupunta kami sa Malcav. The same place where we had an outing before.
Ang parehong lugar kung saan...
Ipinilig ko ang ulo at nagfocus sa pagmamaneho. Lumabas na ako ng subdivision at pumunta sa kabilang parte ng Silvero kung saan matatagpuan ang subdivision nila Rovy.
I stopped in front of the guard house. Malapit lang naman ang lugar nila Rovy kaya hindi na ako pumasok.
"Ang init!" she immediately complained as soon as she went inside.
Napakunot ang noo ko sa dami ng dala niya. May balak ba siyang magbakasyon? Kaya kahit sa liit ng distansiya ng nilakad niya ay tila ilang kilometro ang tinakbo niya.
"You have so many things," komento ko.
Umirap siya. "Oh, please. You know me already. Dapat wala akong makakalimutan," sumandal siya sa upuan. "And my Mom told me to bring some food! Ang dami tuloy!"
Sinilip ko ang likod at tanging malaking maleta lang naman ang dala niya.
"Nasaan?" nagtataka kong tanong.
"Nasa maleta! I don't care if it's squished already. I'm so annoyed!"
Napailing na lamang ako. I started driving away from their house.
"Diretso na ba tayo sa Malcav? Doon na tayo magkikita?" tanong niya.
"Oo,"
"So? You're gonna see him,"
"So what?"
Humalakhak siya. "Let's see..."
Mag a-alas diyes ng umaga nang makarating kami. We agreed to meet up on the same cottage. It was a windy day. It felt like a remake of the last outing we had. Wala ring ibang tao sa puwesto namin. Malakas ang hampas ng hangin at ang agos ng mga alon. The sky illuminated the color of the water. Buong-buo ang asul nitong kulay. Buhat-buhat ang mga gamit, dumiretso kami sa pamilyar na cottage.
BINABASA MO ANG
Fuel to the Fire (Silvero Series #1)
RomanceSilvero Series #1 "You are like fuel to the fire. You always make things worse!" Para kay Silvia Valentin Carvajal, hindi niya mawari kung bakit bigla niya na lamang nagustuhan si Darius Franco Vallejo. She wasn't the type of person who would care a...